One Sided Love: How can I move on if I"m still IN LOVE with you

18 0 0
                                    

Lumipas ang araw, gabi, araw na naman.

Hindi na'ko masyadong sumasama sa barkada. House at school nalang ako. Iniiwasan ko narin si Adrian. Hindi ko na siya tinitext.

Minsan naman si Eunice at Archie lang kasama ko pag nag sa-snack. Sa tuwing nakikita kong magkasama sila ni Jean umiiwas ako.

-----------------------

"Ella ikaw na taya"

Andito kami ngayon ni Eunice tsaka Archie sa stambayan namin. Naglalaro ng Damath, actually si Archie lang kalaban ko si Eunice naglalaro ng fruit ninja sa phone ni Archie.

"Ayan talo kana naman"

Panglima na namin nalaro to ni Archie hindi ko parin siya natatalo. Ang galing talaga nitong si Adrian eh. Ang galing mangdaya.

"Wala na ayoko na palagi nalang akong talo"

Booooooogssssh --------

Napatayo kaming tatlo ng bumukas ng napakalakas ang pinto na mag-isa. Humawak naman ako agad kay Archie.

May multo ?? Waahhhh wala naman sana. Napakapit narin c Eunice kay Archie.

"Ano ba kayo hangin lang yun" sabi niya pero halata naman natatakot narin siya.

Lumakad papalapit si Archie sa pinto.

"Hoyy, ano gagawin mo ??" Tanong ko.

"Isasarado ko lang. Chill lang kayo diyan"

Nakatayo parin kami ni Eunice. Tinitingnan si Archie. Hawak na hawak ko ang kamay ni Eunice matatakutin pa naman ako sa multo.

Ayan na malapit na si Archie ayan na. Pumikit nalang ako ayokong makakita ng multo sa ganitong oras baka hindi ko kayanin.

"Holy cow!!"

KyaaaaaaaaaaaaHhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh

Hahahahhahahahahahahahahhahahah

Yan lang narinig ko. Dumilat ako. Nakita ko si Jean at Adrian tumatawa. Si Archie naman tsaka si Eunice na nagyayakapan.

Tatawa sana ako kaso nahawi ng tingin ko ang dalawa. Naghaharotan.

Bigla ako nakaramdam ng galit. Bakit ba ganyan sila. Sa tuwing andito ako umaandar naman ang kalandian nila.

"Get a room"

Sabi ko tapos umalis na doon.

Tumatakbo ako ngayon na umiiyak. Hindi ko alam kung saan ako pupunta basta ang alam ko ngayon masakit, masakit parin. Alam kung matagal na yun pero masakit parin eh.

Kung bakit kasi siya parin. Alam niyo yung parang may kung ano tong puso ko na kapag nakikita ko sila sumasakit.

Hindi ko namalayan andito na pala ako sa rooftop.

Umupo ako at umiyak ng umiyak.

Francis P.O.V

Sinundan ko si Ella hanggang dito sa rooftop. Nakita ko siya nakaupo umiiyak na naman. Napakatagal na noon, nandyan parin ang sakit sa puso niya nararamdaman niya parin.

Naaawa na ako sa kanya. Bakit ba nagpapaka-martyr siya.

Nilapitan ko siya, tiningnan lang niya ako saglit tapos yumuko na naman siya. Ako naman tumingin lang sa malayo. Ayokong nakikita siyang nasasaktan at umiiyak ng dahil lang sa pag-ibig at ng dahil lang sa kapatid ko. Kasi pati ako nasasaktan narin eh.

"Ang selos kusa yan nararamdaman pag mahal mo ang isang tao" sabi ko habang ang tingin nasa malayo parin.

"Hindi yan kasalanan" patuloy ko pa. Tapos tumingin ako sa kanya. Nakatingin narin pala siya sakin. Ngunit umiiyak parin.

"Sa tingin mo naseselos ako?" tanong niya.

"Hmm .. oo nasasaktan ka eh sa tuwing nakikita mo silang naglalambingan."

Yun naman yun diba ?? Umiyak na naman siya.

Hinaplos ko likod niya.

"Ilabas mo lang makikinig ako"

Lumakas na ang pag-iyak niya.

"Bakit ganon Francis. Bakit siya pa ? Marami naman diyan bakit siya pa yung minahal ko. Hindi ko na maintindihan sarili ko. Tingin ko ang duwag ko na. Madalas kong sinasabi sa sarili ko na kung saan siya masaya doon narin ako. Pero yung totoo kung saan siya masaya yun ang hindi ko kaya. Kasi sa iba naman siya masaya eh hindi sakin. Gusto ko na siyang kalimutan, ayoko na siyang isipin, ayoko ng umiyak, ayoko ng masaktan, gusto ko ng mag move-on kasi talo nako eh. Talo na'ko hindi ko na kaya." matapos niyang sabihin yan umiyak na naman siya ng napakalakas. At sumigaw ----------------

"HOW CAN I MOVE ON IF I'M STILL IN LOVE WITH YOU ??"

Sa totoo lang naawa ako sa kanya. Nasasaktan rin ako. Hanggang ngayon mahal niya parin si Adrian.

"Ssshhhh tahan na Ella. Alam mo ba sabi ng lola ko pag iyak ka daw ng iyak pwede mo daw yan magkasakit. Alam mo ba kung ano ang magiging sakit mo ?? Sakit sa Puso" sabi ko.

"Masakit na puso ko ngayon Francis"

Nasasaktan talaga siya. Pero mas nasasaktan ako Ella. Kung alam mo lang, masakit din.

"Ella. Alam mo bang sa pag-ibig dapat may laban ka. Pero alam mo rin ba na hindi lahat ng laban panalo ka. Kaya kailangan mo ring sumuko. Huwag kanang umiyak"

"Pano ako hindi iiyak eh ang sakit sakit na"

"Alam ko yun. Pero Ella kailangan mo na yang itigil. Nagmumukha kana kasing tanga. Hindi mo ba nakikita masaya na siya, kaya matutu karing magpakasaya"

"Sabihin mo nga sakin Francis paano ako sasaya kong ang kaligayahan ko ay siya sabihin mo"

"Alam mo Ella marami kang kaligayahan. Sadyang siya lang talaga ang nakikita mo na kaligayahan mo ? Mga kaibigan mo kapamilya mo isa sila sa kaligayahan mo. Ituon mo sa kanila ang pansin mo huwag sa taong hindi kayang ibigay ang kaligayahan na gusto mo. Tingnan mo tuloy nasasaktan kana. Bakit hindi mo siya makakalimutan. Kasi siya iniisip mo. Bakit ka umiiyak kasi hindi mo binigyan ng oras ang sarili mo para maging masaya naman. Alam mo para maka move on kana, tumigil kana sa kakaiyak, ipakita mong malakas ka, cheer up, mag paganda ka ulit, hanapin mo ang tunay mong kaligayahan. Diba magugulat kana lang nakalimutan mo na pala siya, hindi mo na pala siya mahal."

Bigla siyang tumigil sa pag-iyak. Tiningnan niya ko mata sa mata. Nakikita ko parin ang galit at sakit sa kanyang mga mata.

Bigla siyang lumapit sakin. At ako'y kanyang niyakap.

Nagulat ako first time may isang babaeng yumakap sakin.

"Thank you, Francis. Ginising mo ko sa ganitong panaginip. Matagal ko nang hinahanap ang taong gigising sakin. Hindi ko alam ikaw pala yun kaya salamat" sabing-sabi niya yan habang akap ako.

Sana talaga Ella nagising kana. Kasi ayokong umiyak kana naman dahil sa kanya kasi nasasaktan ako.

Umalis na siya sa pagkayap sakin. Nanaka-smile . Yan ang gusto kong makita ngayon sayo Ella. Sana lagi kana lang ganyan.

Bumaba na kami sa rooftop at pumunta na sa isa't-isa naming klase.


One Sided LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon