One Sided Love: I'm a FOOL TT_TT

6 0 0
                                    

Tapos na prelim namin. May tatlo pa medtirm, semifinals, tsaka finals. Oh God !!

Pauwi na kami ngayon kasama ko si Eunice, Archie at Adrian. Nalalakad lang kami. Nagtitipid daw kasi sila. Mayayaman na pala ngayon ang nagtitipid hindi na yung mga mahihirap.

"Ella, bili tayo makakain. Gutom nako eh" sabi ni Archie.

"Uyy, sama ako" sabi ni Eunice.

"Ikaw tol ??"tanong ni Archie kay Adrian.

"Hindi na busog pa'ko. Hintayin ko nalang kayo doon" tapos naglakad na siya.

Pagkatapos naming bumili, lakad naman agad kami habang kumakain. Halata talaga samin ang gutom ang dami naming binili. May fishball, may kwek-kwek,may tempura tapos may drinks pa. Nagtitipid daw .

"Teka guyss, saan na si Adrian ?"

"Oo nga. Tawagan mo Ella. Lintikan na baka nainip kakahintay satin nauna ng umuwi"

Eh da-dial ko na sana number ni Adrian kaso na lowbat cellphone ko. Bakit ngayon pa.

"Hala !! Na-lowbat"

"ANO ??" sabay na sabi nina Archie at Eunice.

"Okay chill lang. Ginamit ko kasi kanina nagpa-music ako habang wala pang proffesor eh. He-he sorry" sabi ko sa kanila.

Nagpatuloy nalang kaming naglakad. Baka nainip nga si Adrian at umuna na umuwi.

Habang naglalakad kami hindi mapakali instinct ko. Ewan ko ba feeling ko may taong sumusunod samin. Ayokong tumingin baka multo.

"Guyss, pag sinabi kong takbo, takbo tayo ha" pabulong na sabi samin ni Archie.

Nag-nod lang kami.

Patuloy parin kami sa paglakad. Pakanta-kanta lang para ibig sabihin wala lang samin na may sumusunod. Kahit kinakabahan na kami.

"Woooy!!"

Okay ?? Hindi kami nagulat o natakot man. Naging robot kami.

Bigla kasing lumabas si Adrian galing sa likod ng puno. Gusto niya ata kami gulatin, kaso hindi naman kami nagulat.

"Huwag niyong pansinin deritso lang" bulong ni Archie.

Dumiretso nalang kami at hindi siya pinansin. Kahit natatawa na'ko.

Sumunod lang rin naman siya samin.

Natatawa na talaga ako.

Hindi ko na mapigilan.

"Hahahhahahahahahahhahahahhaha"

Natawa na'ko wala na. Tawa rin ng tawa sina Archie at Eunice.

Si Adrian poker face. Piko na yan HAHAHAHA xD buti nga balak pala manggulat ha HAHAHAHAH xD

Tawa parin kami ng tawa. Tumigil lang kami ng nauna si Adrian samin, hindi niya kami pinansin ??

"Tol, pikon talo" sigaw ni Archie.

Hindi siya pinansin.

"Adrian ang O.A mo naman" sigaw ni Eunice.

Dedma rin siya.

"Hoy, Adrian" sigaw ulit ni Archie.

Hindi parin siya pinansin.

"Adrian, hintayin mo naman kami" sigaw ko.

Tumingin siya. Akala ko hihintayin na niya kami. Tumingin lang pala siya saglit tapos lakad ulit.

One Sided LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon