Chapter 13Kathryn's POV
Mahal Kong Binibini,
Isang linggo na pala kitang sinusulatan. Hindi ka ba nababaduyan sakin? Sa mga kakornihan ko. Pero wag kang mag-alala, alam ko namang hindi baduy ang magmahal. Thank you, Binibining Olivarez for always making me happy. Smile mo pa lang ang nakikita ko tuwing umaga, kumpleto na ang araw ko. Lagi lang naman akong nandyan sa tabi-tabi, binabantayan ka. Sana wag kang magsawang basahin ang mga sulat ko sayo. This is one of my way how to show my love and care for you. Alam mo bang lagi akong sinasabihan ng mga kaibigan ko na ang torpe-torpe ko daw. Oo, torpe ako pagdating sayo. Marami rin kasing gumugulo sa isip ko. Natatakot din ako na baka, na baka..Nevermind na lang :) Basta ang alam ko nakakabaliw din yang kagandahan mo at kabaitan mo. Para ka talagang rosas, mabango na maganda pang tingnan. Yun nga lang mahirap kang hawakan at kunin na lang ng bigla-bigla, masyado ka kasing matinik haha. Hindi, biro lang.
Masyado na siguro tong mahaba, wait my letter for tomorrow huh? And by the way, sorry for making you curious. In the right time, makikilala mo din ako. Goodbye, love. See you, around.Your Future,
Mr. SANakakainis, nakakainis talaga. Ang laki talaga ng epekto ng mga sulat nya sakin. Yes, one week nya na kong pinapadalhan sa locker ko ng letter. At sa one week na yun, walang araw na hindi ako kinikilig. Hayst! He's making me more curious, I really want to know who's the person behind it. Pero paano?? Siguro nga tama siya, this is not yet the right time.
"Teddy, I told you this is not a good idea. Please, stop this." Narinig kong sigaw ni Mama. Medyo kanina pa ko nakauwi. And yes my father is here.
"No, Min. This is a big project of our company. And the board approved it." Sabi ni Papa. I dont get it, ano bang pinag-aawayan nila about dyan sa business namin. Yes, nothing's new with them. Pero hindi ba silang nagsasawang pag-awayan yang bagay na hindi ko alam. Kasi sawang-sawa na ko. People around me are always making me curious on what's going on. Si Mama at Papa ayaw paintindi sakin yung mga bagay na gusto kong malaman.
"Magagawan mo naman siguro ng paraan para iurong yang project na yan diba? Please, Teddy. Do something." Nakaawang ng konti ang pintuan ng kwarto ko kaya medyo naririnig ko yung usapan nila.
"That's final, Min. I've already presented it and they approved it. So there's no turning back. This is for our family, at wala kong pakialam kung matamaan man yang ayaw mong matamaan." Sagot ni Papa.
"Pero kasi..."
"You're ridiculous, Min. Hindi ko makuha yang point mo. This is the end time na pag-aawayan natin yang project na yan. Okay? I need to go." Hindi na nakapagsalita pa si Mama. Lumabas ako para puntahan si mama. Nakita ko siyang nakakatulala habang nakaupo sa sofa.
"Ma, ano pong nangyari?" Tanong ko, pero nakatulala pa rin sya.
"Ma."
"Ano yun, Kath? Anong kelangan mo? You want to eat, just tell manang."
"Ma, hindi po ko gutom. Nag-away na naman kayo ni Papa."
"Just forget it, anak. Samin na lang yun ng papa mo."
"Why, Ma?"
"Anong why, Kath?"
"Bakit ayaw nyong ipaintindi sakin ang bagay-bagay. Ma, malaki na ko. Kayo ko nang umintindi. Pero pakiramdam ko kasi, Ma. Wala kong karapatan na malaman yung mga bagay na ayaw nyong ipaintindi saking lahat." Litanya ko habang umiiyak. Itong ang unang pagkakataon na malabas ko ang hinanakit ko. Hindi ko na napigilan, masyado na kong napuno.
"Kath, anak."
"Ma, please ipaintindi nyo sakin. Gulong-gulo na po ako."
"Pero kasi, Kath. Okay, I will tell you kung ano man ang gusto mong malaman. But not this time, may kelangan akong puntahan. Okay, dont worry." Paalam ni Mama. Tumango na lang ako bilang sagot. Gustuhin ko mang tumutol pero wala e.
Bumalik na lang ako sa kwarto ko para sana tawagan si Ely. Pero may nareceive ako na text at number lang ito. Sino na naman ito?
'Hi Binibining Olivarez.
~ Mr. SA'Hayy, siya lang pala.
'Hello, Mr. SA.'
'How's your day?' reply nya.
'Not so good. Btw, thanks dun sa letter. Hahaha Korni mo po.'
'Hahaha sorry naman, ganyan ako magmahal. Pero bakit not so good ang day mo?'
'Nag-away na naman kasi yung parents ko, at hindi ko alam kung ano ba yung parati nilang pinag-aawayan. I want to know everything, sasabihin sana sakin ni mama pero ayaw pa nga lang ngayon.'
'Oh, parents issues. Alam mo minsan, Kath. Magandang wag na lang muna tayong makialam sa mga away nila. Kasi may mga bagay na off-limits tayong mga anak. Just let them decide kung kelan nila gustong sabihin satin.'
'Yes, Mr. SA. I get your point, but in my sitution iba e. Marami silang bagay na dapat ipaintindi sakin. About my ate, my grandparents and all. Nakatira kami sa iisang bubong yet I dont know what's happening inside it. Malaki na ko at handa na kong umintindi ng mga bagay-bagay. Naiintindihan ko naman sila kung bakit ayaw nilang ipaliwanag sakin, pero mahirap kasi. Ang hirap-hirap ng sitwasyon ko.'
'Okay, calm down for a while. Alam kong emosyon ang nangingibabaw sayo, Kath. Siguro nga, naiintindihan mo na ang mga bagay-bagay. Pero baka pinoprotektahan ka lang nila sa maaaring makasakit sayo. Just wait for them to tell you, may tamang panahon para dyan, Binibini. Okay, smile ka na huh?' Napangiti ako sa mga sinabi nya. He's right, may tamang panahon para sa mga bagay-bagay.
'Hahaha ikaw talaga. Thank you for your words of wisdom. Kahit papano naliwanagan ako. Goodnight, Mr. SA.'
'Yown, tumawatawa na siya. Goodnigt din aking binibini. Dream of me. Haha' Baliw talaga to haha, he made my night. Ewan ko, may iba talaga sa kanya.
- -
"Huy, Katreng!! Lalim ng iniisip oh. Any problem?" Nakakagulat naman itong si Sofie eh.
"Alam mo nakakainis ka, Sofie. Mushroom lang ang peg?" Naiinis na ewan na sabi ko sa kanya.
"Because you're in blank space situation, duh?"
"Ewan ko sa'yo, blank space ka dyan? Asan na ba sila?"
"Init ng ulo, Kath. Pero hep! Bakit tulala ka pala?" Sofie 'wag ngayon please.
"Wala lang, masama ba?"
"Hindi naman, just curious lang." Sabi nya. May bigla namang lumapit sakin, 'di ko siya kilala but he looks familiar.
"Hi, are you Ms. Kathryn Olivarez?" Anong kelangan nito? Mukhang spokening dollar si Koya.
"Yes, am I. Any problem?" Nahawa tuloy ako.
"Uhm. Nothing but Mrs. Dela Vega need to talk to you at Dean's Office. Just go there, gotta go." Englishero talaga si koya, kainis hahaha.
" Ahh, okay. Thank you!" Tumango siya at umalis na rin.
"Punta muna ko sa Dean's office, Sophie ah. Wait nyo na lang ako sa hintayan natin." Tumango na lang din si Sophie bilang sagot, busy sa phone nya e.
Akala ko naman kung ano na kelangan ng Dean, pinaalala lang naman yung about sa seminar. Yun nga lang mapapaaga daw yun, baka last week na ng june o kaya first week ng july. Di pa ko ready, jusko.
![](https://img.wattpad.com/cover/12749894-288-k592199.jpg)
BINABASA MO ANG
My Secret Admirer (Kathniel)
Fanfiction"My secret admirer, I don't know who really is he. How come I fall in love with him?"-Kathryn