MSA-Chapter 5

89 5 0
                                    

 Chapter 5

Kathryn's POV

Last day na namin dito sa Baguio, ayaw na kong payagan ni mama na mag stay pa.Tumawag kasi sya sakin kahapon para siguraduhing uuwi ako bukas. Hays, si mama talaga.

Nandito kami ngayon sa cottage kasama ang barkada ko pati na rin sila Tammy at barkada nya.Syempre pinagtabi na naman kami ni Patrick, trip ata nila kami e. Kaso lang nahihiya pa rin ako sa nangyari nung nakaraang araw. Umepal kasi si Dj e. Ganito kasi yun..

*Flash Back*

Nandito kami ni Patrick sa tabi ng pool nakaupo at nakasawsaw ang dalawang paa namin sa tubig. Nagkwentuhan kami tungkol sa mga kalokohang pinaggagawa namin. E syempre mahilig akong tumawa kaya naman sige lang ako tawa sa mga kwento nya. Napagdesisyunan din naming maglakad-lakad kaso pag katayo ko may humatak sakin at pagtingin ko, walang iba kung hindi si  Dj the epal.

"Pre sandali lang kausapin ko lang ah." sabi ni Dj kay Patrick. Linayo nya muna konti kay Patrick. Wala namang nagawa si Pat kasi nahila na ko ni kumag.

"Ano ba, Dj? Kita mong may kasama ko, kung makahatak ka wagas." Naiinis na sabi ko sa kanya.

"Kath, samahan mo ko please!" sabi niya. Aba ang kapal talaga!

"Ano.na naman yan, Dj? May gagawin pa ko." sabi ko at akmang aalis na. Pero ginawa nya yung parati nyang ginagawa ang hatakin ako pabalik.

"Kath please, tinawagan ako ni mama kanina may pinapabili kasi sya e hindi ko alam kung saan ang bilihan dito." sabi nya.What the, bakit ba sakin ba lagi tong nagpapasama?

"AYOKO, may pupuntahan pa kami ni Pat. Ako lang ba kilala mo dito? Panira ka rin e." I'm so annoyed, ugh.

"Dali na, Kath. Sandali lang tayo promise." sabi nya pa. Kulit din ng mokong na to e.

"Ayoko ko nga e. Ba't ba ang kulit mo?" Inis na bulyaw ko sa kanya.

"Ayaw mo talaga?" tanong nya.Parang alam ko yang mga tingin nya, mukhang may binabalak to ah. Bahala na nga, pagbigyan na. What a bad day!

"Oo na, oo na. Papayag na.Wait lang magpapaalam lang ako kay Pat." sabi ko.

"Bilisan mo ah." sabi nya. Ano ba to si Dj? Kainis naman e, demanding pa. Ugh, sarap talagang ipalapa sa aso.

Pagkatapos kong mag paalam kay Patrick, umalis na kami ni Dj para bumili ng pinabibili sa kanya ng mama nya.

Pumunta nga kami sa lugar kung saan makakabili nung inutos sa kanya ng mama nya, medyo malayo pero keri naman. Hindi tuloy ako nakapag paalam kay Lola Ella at sa mga kaibigan ko.Naiwan ko pa phone ko sa resort.Habang hinahanap naman namin yung dapat bilhin e walang ginawa tong unggoy na 'to kung hindi asarin ako.

Pagkatapos naming mabili yung inutos sa kanya, bumalik na rin kami sa resort.

*End of FlashBack*

“Uy Kath!” sigaw sakin ni Nicole.

“Huh! Bakit? “ tanong ko.

“Kinakausap ka ni Patrick oh!” sabi nya sakin.

“Hala! Ano ba yun Pat?” tanong ko kay Pat.

“Anong oras ba kayo mamimili ng souvenirs mamaya?” tanong  nya.

“Baka after lunch na lang.Bakit?”

“Ahh, samahan naminn kayo nila Tammy.” Sabi nya.

My Secret Admirer (Kathniel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon