MSA-Chapter 1 (Part 2)

202 7 1
                                        

Dedicated to her: littlemissselle. Ang ganda ng mga stories nya.

Chapter 1 ( Part 2)

Daniel's POV

*Ringgggg.....ringgggggg*

Ano ba yun, bakit ang ingay?  Alam ko hindi naman ako nag-alarm.

Minulat ko ang mga mata ko at kinusot kusot.

At nakita ko lang naman ang mga walang hiya kong mga kaibigan.

"Yun nagising rin." sabi ni Kats habang nakangisi.

"Loko kayo ang aga-aga nandito kayo, kita nyong natutulog ako." sabi ko. Wala talaga silang magawa matino sa buhay.

"Pre 11 am na, maaga pa ba yun?" Pilosopong sabi ni Seth.

"G-go, sarap ng tulog ko. Mga istorbo kayo." sabi ko.

"Hindi nga halatang masarap tulog mo, bro. Kanina pa namin pinapatunog yung alarm clock at tumalon-talon sa kama mo. Tulog ka parin. Dapat bubuhusan ka na namin ng tubig hahaha, buti at gumising ka h." Wow, JC, masaya na kayo nyan?

"Sayang rin yun, edi sana nagising na si DJ, naligo pa." sabi ni Lester habang tawa ng tawa.

Mga siraulo talaga tong mga to.

"Ewan ko sa inyo, bumaba na kayo dun at mag-aayos muna ko." sabi ko sa kanila.

Magpapakilala pala muna ko.

I'm Daniel Josh Alcantara, 18 years old. Magkacollege na ko sa pasukan pati na rin ang mga loko kong mga kaibigan.

Yung mga loko kanina, ipapakilala ko na rin.

JC Padilla, Lester Giri, Katsumi Kabe at Seth Gothico. Isa lang ang masasabi ko sa kanila,lahat sila mga maloloko at g-go.Pero kahit papaano, medyo matitino naman. Haha

Ginawa ko muna yung morning rituals ko, atsaka bumaba.

"O pre, kain na." pagyaya ni Seth.

"Sige lang, nahiya naman ako sa inyo." sabi ko.

"Dapat lang brad."sabi ni Lester, habang tumatawa. Mabulunan ka sana. Kung hindi ko lang to mga kaibigan kanina ko pa to pinalayas, siraulo e.

"Manahimik nga kayo, kumain na lang kayo dyan." sabi ko.

"O, anak nandito ka na pala. Kumain kana dyan" sabi ni Mama.

"Sige Ma." sagot ko.

Habang kumakain kami, nagkekwentuhan na rin kami tungkol sa mga bagay-bagay.

"Pre, mag-outing naman tayong barkada. Bakasyon naman ngayon." suggestion ni Kats.

"May alam ba kayong pwedeng pagbakasyunan?" tanong ni JC.

"Ako brad merong alam. Sa Baguio, nakapunta na kami dati dun." sabi ni Lester.

"Kayo bahala kung saan nyo gusto." sabi ko. Pagdating kasi sa mga ganyang bagay, sila na ang bahala. Basta ako sama lang ng sama.

"Sige pre, sa Baguio na lang. Tamang-tama mainit panahon ngayon." sabi ni Seth.

"Ayos na ba sa inyo yun, para makatawag na ko dun?" tanong ni Lester.

"Ayos na samin yun pre." sagot ni Kats.

"Bukas tayo alis, para makapag-ayos na rin." sabi ni JC.

"Sabihin ko na lang sa inyo pag-uwi ko mamaya kung anong oras bukas." sabi ni Lester.

"Sige bro." Pagsang-ayon ni JC.

...

Wala naman ganung ginawa ang barkada dito sa bahay. Naglaro lang kami ng XBOX,  pagkatapos umuwi na rin sila, para maghanda para bukas.

Tinawagan ako ni Lester at sinabi na bukas daw ng madaling araw ang alis namin, para makarating kami ng maaga sa Baguio.

Hinanda ko na yung mga gamit ko at pagkatapos nag-paalam ako para bukas. Buti at pumayag si Mama, minsan kasi gusto nya sumama sya samin. Pero pinilit kong kami lang ng mga barkada.

....

Kinabukasan

"Ano mga brad, ayos na ba mga gamit nyo?" tanong ni Lester.

"Oo tara na, palit-palit na lang tayo sa pagdadrive." sabi ko. Pagkatapos naming ilagay lahat ng mga bagahe namin umalis na rin kami.

- - - -

Short Update.

Hihihi..Napost na rin ang Part 2. Thank you sa mga nagbasa.

Don't forget to Vote and Comment :)

My Secret Admirer (Kathniel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon