MSA-Chapter 3

155 5 0
                                    

Chapter 3

Kathryn's POV

Nakakainis!! Nakakainis!! 

Bakit kasi dito pa nila napiling magbakasyon? Ang dami na mang ibang resort, bakit dito pa? 

"Kath? Apo? Ikaw ba yan?" tanong sakin. Hala! Nandyan pala si Lola Ella. Grabe, bakit yung lalaking yung iniisip ko? Hinahanap ko si Lola pero mukang si Lola ang nakahanap sakin.

"Waaahhh!! Lola Ella, I miss you." Sabi ko. Hindi ko namalayan, kainis talaga yung kumag na yun.

"Miss na miss rin kita, Apo." sabi ni Lola Ella.

"Mas lalo naman po ko Lola." Talagang namiss ko si Lola, tagal din naming hindi nagkita.

"Bakit hindi mo ko tinawagan? para naman alam kong dadating ang napakaganda kong apo." Sabi ni Lola, kaya mahal ko yan e.

"Si Lola talaga bolera. Gusto ko po sana kayong isurprise. Kaso parang hindi ata kita nasuprise lola." sabi ko habang kunwaring malungkot.

"Naku, ang apo ko talaga. Halika na't  pumasok tayo sa loob." 

Pagpasok namin sa loob, dumiretso agad kami sa kusina ng resort ni Lola. Syempre ang lagi naming ginagawa ni Lola tuwing nandito ako, ang magluto.

"La, anong lulutuin natin ngayon?" tanong ko.

"Ano bang gusto mo, apo? May mga kasama ka ba?" tanong ni Lola.

"Opo La, yung mga kaibigan ko po." nakangiting sabi ko.

"Ah. Sige, Apo. Tara na't tulungan mo kong maghiwa." Napagdesisyunan namin ni Lola na yung main dish na lang nya ang lutuin at dinagdagan na lang namin ng iba pang putahe.

Pagkatapos kong tulungan si Lola Ella sa pagluluto, pumunta muna ko sa kwarto naming mga  girls. Malalapit na rin kasi kaming maglunch, kaya kelangan ko na silang pag-ayusin. Alam ko kasing tulog pa ang mga bruha na yun e.

"GISING NA GIRLS!! TANGHALI NA!!" sigaw ko sa kanila, para magising. Hahahaha.

"Kath naman, inaantok pa ko." reklamo ni Nicole.

"Girls, okay lang yan mamayang gabi nyo na lang ituloy yang naudlot nyong tulog. Maglalunch na tayo. Kaya mag-ayos na kayo." sabi ko kanila. Panigurado mga maiinit ang mga ulo nito. Ayaw kasi ng mga yan ang pabitin-bitin ang tulog. Basta ako mag-eenjoy ako dito kahit nandito pa si DJ. I don't care. 1 week lang ako dito, kaya I should enjoy it!

Pagkatapos naming mag-ayos bumaba na rin kami para mag lunch. Siguradong busog ako nito, si Lola Ella ang nagluto e with my participation pa.

"Oh! Apo ito na bang ang kaibigan mo?" tanong ni Lola.

"Opo La, Si Nicole, Ely, Lindsey at Nica po." pakilala ko sa kanila.

"Ang gaganda naman ng mga batang ito. Sige na't magsikain na kayo." sabi ni Lola.

"Hahaha. Si Lola talaga, mapag-biro." sabi ni Nica. Ang daldal talaga nito.

"Naku, Iha. Bakit naman ako magbibiro? Kung totoo naman. Haha. Sige kain na." sabi ni Lola, mahilig talagang makisabay si Lola. Hindi na nakasagot si Nica.

Pagkatapos naming maglunch, nagpahinga muna kami sandali.

"Girls, pasyal tayo ngayon para masulit naman natin yung 1 week vacation naten dito." Pag-aaya ko sa kanila.

"Sige ba, ate Kath. Hihi marami bang boys dito?" Nakangising tanong ni Nica. Baliw talaga to, mahilig sa boys, kebata-bata. Naku Nica! 

My Secret Admirer (Kathniel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon