Chapter 15Kathryn's POV
Isang linggo na ang nakalipas simula nang mabaril si mama. At hanggang ngayon nandito pa rin si mama sa ospital, hindi pa rin ganung kaganda ang kalagayan nya. Kelangan pa rin syang obserbahan. Tuwing nakikita ko si mama na nahihirapan sa kalagayan nya, ewan ko pero naiiyak ako. I never imagined that she's going to experience this. Naapektuhan ang puso ni mama. Masyadong masama talaga ang tama ng bala sa kanya. Pero sabi ng doctor, magpasalamat daw kami dahil nakayanan ni mama na makasurvive.
At sa isang linggo na iyon, kelangan ko pa ring asikasuhin ang pag-aaral ko. Tho, sometimes I can't concentrate, masyado akong maraming iniisip. Natatakot ako na baka bigla na lang mawala si mama. Hindi ko alam, kung ano bang nararamdaman ko ngayon. Basta ang gusto ko lang ay maging maayos na ang lahat.
"Kath, you okay?" tanong ni Sophie. Tumango lang ako bilang sagot.
Nagpapasalamat ako sa barkada.dahil hindi nila ko iniiwan. They're trying their best para mapasaya ako. But I just can't.
"Katreng, pasok muna kami sa loob ah. Tingnan lang namin si tita." Paalam ni Linds.
Nandito ako sa labas ng kwarto ni mama dito sa ospital. Ewan ko pero ayaw ko pang pumasok. Andun din kasi si Ate Iya, hindi ako makagalaw ng maayos o parang pakiramdam ko bawat kilos ko ay mali para sa kanya. Kaya hayaan ko na lang muna ang mga kaibigan ko sa loob. I just want to be alone for a while. Pero hindi ata mangyayari ang gusto ko. Andito ang mga kumag este andito si Dj at ang barkada nya.
"Hi Kathryn!" Bati sakin ni Seth. Ngumiti lang ako sa kanya bilang sagot. Wala rin naman akong gana na sungitan sila. Ilang beses na rin pala silang bumibisita sa ospital. Di ko nga alam kung bakit kelangan nilang dumalaw dito. E halos araw-araw na nagkikita kami, ay wala akong ginawa kundi sungitan sila.
"Pwede ba kaming pumasok sa loob, kath?" Tanong ni JC.
"Sige, go lang. Basta wag kayong magulo. Nasa loob na rin kasi sila Ely. Andyan din yung ate ko, kaya sana behave kayo." Mahinahon kong sabi sa kanila.
"Di pa rin kami sanay na ganyan mo kami kausapin, Kath. Lagi ka kayang masungit samin." Ewan ko sa'yo, Lester. Siguro wala lang talaga kong gana.
"Sige pasok na kami ah." Paalam nila sakin. Tumango na lang ako bilang sagot. Hindi ko na din naman alam kung ano pang sasabihin ko sa kanila, kaya bahala na sila.
Napansin ko naman na naiwan si Dj dito sa labas.
"Oh bakit di ka pa pumasok sa loob?" tanong ko sa kanya.
"Ikaw, Kath, bakit nandito ka pa sa labas?" tanong nya. Binalik sa akin ang sarili kong tanong. Kainis to.
"Basta. Pumasok ka na sa loob, punta lang muna ko sa park."
Meron kasing park na malapit dito sa ospital. At sa tuwing andyan si ate, ako na mismo ang lumalayo sa kanya.
"Sama ko." sabi ni Dj.
"'Wag na, pumasok ka na sa loob. Wag kang makulit."
"Basta sasamahan kita, tara na." Hays, ang kulit talaga. Bahala nga sya.
Naalala ko nga pala, siya yung pumalit sakin papuntang Davao para nga doon sa seminar. Kahit maloko yan, may utak naman yan. Yun nga lang, puro sa kalokohan nya madalas gamitin. Buti na nga lang talaga pumayag si Ma'am Teves. Alam ko namang naintindihan nila ako. Nakausap ko din naman sila at humingi ng pasensya.
"Ang cute tingnan nung magkapatid oh, siya mismo nag-aalaga sa baby sister nya. " Nagulat ako nang biglang magsalita si Dj. Marami rin kasing tao ngayon sa park, may mga pasensyente na nakawheel chair, may mga pamilya na namamasyal lang, etc.
"Yeah, nakakainggit nga e." Malungkot na komento ko, sana nga naranasan ko yung ganyan, pero never in my entire life did I feel that she cares for me.
"Ako nga ang dapat mainggit kath, kasi ako wala talaga kong kapatid. Hindi ko alam kung anong pakiramdam na may kapatid at may kasama kang kakulitan sa bahay." Sabi nya, may pakiramdam din pala 'tong loko na to.
"Oo, Dj. May kapatid ako, pero never kong naramdamam na kapatid ko sya. Never nyang pimaramdam na ate ko sya. Yun nga yung masakit, alam kong may ate ako na nandyan lang, pero parang hindi naman ako nag-eexist sa buhay nya. She never treated me like I'm her sister." Maiyak-iyak na sabi ko. Ugh, nakakahiya! Kay Dj pa talaga ko nagdrama ng ganito.
"I'm sorry, Kath. Hindi ko alam na may malalim ka palang problemang ganyan."
"No, it's okay. Sorry nagdrama pa ko sa'yo."
"Ramdam kong marami ka pang dala-dala hinanakit, Kathryn. Ready akong makinig, basta isipin mo na lang hindi muna ko si Dj na kinaiinisan mo ngayon." Sabi nya. Hays, hindi ko akalain na kay Dj ko pa ata masasabi ang problema ko kay ate. Pero ngayon gusto ko munang ilabas lahat ng hinanakit ko.
"Hays, sige na nga. So ito na, diba pansin mong nasa labas lang ako ng kwarto ni Mama kanina. Nandun kasi si ate Iya. Noong unang araw na kasama sya sa pagbabantay kay mama, pakiramdam ko lahat ng kilos ko mali para sa kanya. Sinisigawan nya ko at kung anu-anong hindi magagandang salita yung naririnig ko sa kanya. Dalawa lang kami sa loob kasama si mama. Alam mo yung feeling na gusto mo syang sagutin at tanungin kung anong problema nya sakin, pero hindi ko kasi magawa yun e. Ang sakit-sakit lang na simula noon hanggang ngayon, wala pa ring nagbago sa pakikitungo nya sakin.." Biglang may inabot na panyo si Dj sakin. Hindi ko namalayan umiiyak na pala ko.
"Sige lang, Kath. Iiyak mo lang, andito lang ako." Ewan ko pero sa pagkakataong to, nawala yung inis ko sa kanya.
"Kasi Dj, ang hirap-hirap manghula kung anong problema. Minsan ko na ngang tinanong si mama noon e, kung may mali ba sakin at ayaw akong pansinin man lang ng ate ko. Pero parating sinasabi sakin na intindihin ko na lang. Buong buhay ko inintindi ko sya, akalain mo yun, ako yung mas bata pero ako yung umiintindi. What a bullsh-t life I have." Hindi ko na kaya, masyado nang masakit.
"Shhhh. Kath, calm down." Tuluyan na kong niyakap ni Dj habang humahagulhol ng iyak.
Nang kumalma na ako, at medyo tumigil ng umiyak. Biglang nagsalita si Dj.
"Wala man akong kapatid at sabi ko nga hindi ko alam kung pakiramdam na merong kapatid. Gusto ko lang sabihin na lahat ng problema, lalo na kung pagdating sa pamilya, dapat ay pinag-uusapan yan. Try to talk to her and ask. Kasi Kath mahirap magkaroon ng tanong sa mga isipan natin. For you to know the answer, ofcourse you need to ask a question. Oo, sabihin nating hindi madali. Pero subukan mo pa rin, iyan ang maganda munang gawin mo sa ngayon." Seryoso nyang sabi.
"Salamat Dj, salamat dahil kahit lagi kitang sinusungitan noon, nandito ka ngayon, nakikinig sa problema ko. Thank you talaga!" Nakangiti kong sabi sa kanya.
"No problem, Ms. Olivarez." Natatawa nyang ngiti, baliw talaga.
"Itatry kong gawin yang sinabi mo, siguro nga I need to face her and to ask her. Tara na, balik na tayo sa ospital."
- -
![](https://img.wattpad.com/cover/12749894-288-k592199.jpg)
BINABASA MO ANG
My Secret Admirer (Kathniel)
Fanfiction"My secret admirer, I don't know who really is he. How come I fall in love with him?"-Kathryn