Chapter 6
Kathryn’s POV
Isang buwan at dalawang linggo na ang nakalipas since nagbakasyon kami sa Baguio,namimiss ko na nga si Lola Ella pati na rin sila Tammy. Pero kahit papano ay nagtatawagan naman kami.
Sa isang lingo pasukan na namin, nakapag-enrolled na rin kami ng barkada, yun nga lang magkaka-iba kami ng course.Pero atleast magkakasama kami sa isang university but unfortunately nahiwalay si Nica dahil nga sya ay incoming senior pa lang.
Nandito kami ngayon sa National Bookstore para mamimili ng gamit para sa pasukan.
“Kath, ayos lang ba sa’yo yung course na kinuha mo?” tanong ni Ely, habang naghahanap kami ng mga gamit for school.“Okay na yun sakin girl, si Papa ang may gusto nun kaya wala na akong choice.” sagot ko.
“Diba architechture ang gusto mo?” tanong ni Nicole. Nagnod lang ako. Hindi na rin sila nagtanong pa, wala na rin namang choice eh. Pinagpatuloy na lang namin ang pamimili ng mga gamit.
Pagkatapos namin kunin lahat ng kelangan namin, e pumila na rin kami sa counter. As usual ang daming tao ngayon, dahil nga next week pasukan na.
“Ano ba yan! Ang sikip ah.”reklamo ni Nica. Kasi naman bakit ngayon lang namin naisipang mamimili ng gamit.
“Oo nga, ang init. Grabe lang.” Reklamo din ni Linds.
“Wag na nga kayong magreklamo dyan ,ginusto naman nating ngayon lang mamimili. Tiis-tiis lang guys,malapit na oh!” sabi ni Kyle. Kasama na pala namin ang dalawang lalaki sa barkada.
Si Kyle Conception at Bryan Ramos. Makulit rin ang dalawang yan at lagi nila kaming inaasar, kaming mga girls. Kaya minsan inaasar namin silang bakla, bilang ganti.
“Fine!” sagot ni Linds.Nanahimik na lang din sila.
Salamat natapos rin sa pamimili.Grabe ang tagal ah, kainis! Ang init sa loob kahit may aircon pa.Napagdesisyunan namin na pumunta muna sa Starbucks para makapaghinga at bumili ng meryenda.
Habang naglalakad kami papunta sa Starbucks,nakasalubong lang naman namin ang mga kumag.
“Yun oh! Talaga namang pinagtagpo tayo ng tadhana,Kath.” Sabi ni Dj. Bwisit to!
“Tadhana mo mukha mo!” Inis na sabi ko sa kanya.Pinagpatuloy ko ang lakad ko,kasunod ng barkada.VSi Bryan at Kyle, walang tigil sa pangangasar sakin hanggang sa starbucks. Tumitingin-tingin din ako sa likod, baka sumunod na naman ang mga kumag.
Pagdating namin sa starbucks umorder agad kami. Pagkatapos ay humanap na rin kami ng table.
“Kath ah, may hindi ka sinasabi samin tungkol kay Dj.Pinagtagpo pala kayo ng tadhana.” Asar sakin ni Kyle. Seriously, bakit ba may ganitong kong kaibigan? Dapat doon to kela Dj sumama.
“Mananahamik ka, Kyle o ibubuhos ko sa’yo tong iniinom ko.” Sabi ko sa kanya.Nanahimik naman sya. Kabwisit tong mga to.
“Oh! Speaking of tadhana. Papalapit yung nagsabi oh.” Sabi ni Bryan.
“Isa ka pa, Bry. Bwisit" inis na sabi ko sa kanya.
Pero tumingin din naman ako sa bandang entrance ng Starbucks.Hindi nga nagbibiro si Bryan.Bakit ba ayaw akong tantanan ng mga yan?
“Binibini, nais sana naming maki-join sa inyo. Maaari ba? “ sabi ni Lester. Ang baduy lang ah.
“Uy, binibini daw Kath.” Asar sakin ni Nicole. Ito na naman sila.
BINABASA MO ANG
My Secret Admirer (Kathniel)
Fanfiction"My secret admirer, I don't know who really is he. How come I fall in love with him?"-Kathryn