Epilogue
3 year and 4 months
Nararamdaman kong may tumatalon sa ibabaw ng kama namin pero hinayaan ko lang, antok pa kasi ako eh.
"Mommy! Mommy!" sigaw niya. Hindi ako tumugon. Gumalaw na si Vince sa tabi ko,mukhang nagising din siya.
"Shhh... mamaya mo na istorbohin yung mommy, pagod pa yan." narinig kong sabi niya.
"Pagod po shaan?" cute na pagkakasabi niya. Napangiti naman ako.
"Sasabihin ko yun kapag 18 ka na ha?" misteryosong sabi ni Vince.
"Eh? Antakal pa nun."
"Basta matuto kang maghintay." sabi ni Vince.
"Ok po."
"Let's go, baba na tayo."
"Eh? Dito na lang ako. Intay ko shi mommy." Nararamdaman kong may nakayakap sa akin kaya dinilat ko na ang mata ko.
Ang anak namin.
Makalipas ang ilang buwan, nanganak na ako at pinangalan naming Cedrick Arthur Gonzales. Isang makulit na nagmana ata kay Vince.
"Morning anak, musta ang ang pagtulog mo?" sabi ko sa kanya habang inaayos ang pag-upo ko sa kama. Buti na lang nakapagbihis na kami.
"Ok lang po. Shabi ni daddy pinakod ka daw sha gabi? Eh, mommy ano po ba kinawa niyo kagabi?" tanong niya sa akin. Napatingin akoagad kay Vince, nagpipigil pa siya ng tawa. Tinignan ko siya ng masama pero lalo siyang natatawa sa expression ko.
"Mommy?" tumingin ako kay Ced at saka ngumiti ng pilit.
"A-ah. Sasabihin namin kapag 18 ka na." sabi ko sa kanya.
"Matagal pa yun eh" nakangusong sabi ni Ced.
"Maghintay ka, anak. Mabilis naman lumipas ang panahon eh."
"Shige po." tanging sagot ni Ced. Hinalikan ko siya noo at tumingin kay Vince.
"Maligo na kayo ng anak mo. Maghahanda lang ako ng breakfast." sabi ko sa kanya.
"Ok. Let's go, buddy" kinarga ni Vince si Ced bago niya hinalikan yung noo ko.
*sigh*
Bumangon na ako sa kama at pumunta na sa banyo para maghilamos pero napaderetso ako agad sa inodoro dahil gusto kong masuka. Hmmm...posible kaya?
BINABASA MO ANG
My Famous Husband (COMPLETE)
RomanceWedding is for two persons that is in love to each other. It is part of the sacraments. But other people use this for business matter or just an agreement between the parents and disregard the feelings of their children. This happen to Vince and Nic...