Chapter 22: The Punishment
Nicole's POV
Naka blind fold pa rin ako habang inaalalayan ako ni Vince na maglakad. Nararamdaman kong malambot ang lupa na tinatapakan namin, nasa gubat ba kami? Bakit may ganitong eklavu pa Patuloy pa rin kami sa paglalakad hanggang sa may natamaan bato yung paa ko kaya napasigaw ako sa sakit. Nawala yung kamay na umalalay sa akin sa paglalakad, napunta ito sa paa ko kaya medyo nawalan ako ng balanse pero napadikit naman ako sa balikat ni Vince kaya hindi ako mahuhulog ng tuluyan. inasahe ni Vince yung paa ko na natamaan ng bata at saka ulit akong inalalayan.
"May hagdanan tayong aakyatan" bulong sa akin ni Vince. Tumango lang ako bilang sagot sa kanya. Inalalayan niya akong umakyat ng hagdan, sinabi niya na may baitang na aapakan ko. Nang nakarating kami sa itaas bigla na lang nawala yung kamay ni Vince
"Vince?" tawag ko sa kanya pero Hindi ako sinagot ni Vince
"Vince?" ulit ko pa pero wala akong narinig na boses ni Vince. Naman eh! Gusto ata sabihin ko yung magic word eh. Yung endearment na ginawa niya. Huminga ako ng malalim.
"Hub?" tawag ko sa kanya.
"Yes?" sagot niya sa akin. Sabi na nga ba eh >.< ang arte talaga ng lalaking yun.
"Nasaan ka? Bakit mo ako binitawan?" tanong ko sa kanya.
"Relax ka lang. Tanggalin mo yung blindfold mo." utos niya sa akin. Sinunod ko yung inutos ni Vincena tanggalin yung panakip sa mata ko. Minulat ko yung mata ko pero wala akong makita sa paligid, kinusot kusot ko pa kung talagang eto yung nakikita ko.
"Vinc-Hub!? Nasaan ka?" nautal pa ako sa pagtawag ko sa pangalan niya.
"Nandito ako!" sigaw niya. Mukhang malayo yung pwesto ni Vince sa akin. Itinaas ko yung dalawa kong kamay at kinapa-kapa yung paligid, naglakad ako ng dahan dahan kasi baka matalisod ako.
"Saan!?" sigaw ko. Hindi sumagot si Vince kaya patuloy ako sa unti-unting lakad, nagulat na lang ako nang biglang umilaw ang paligid, humakbang ulit ako at lalong dumami yung ilaw. Napangiti ako sa nangyari ngayon kaya patuloy pa rin ako sa paghakbang. Ang unang kong napansin yung isang mesa at dalawang upuan na nakaayos, mukhang napaghandaan ito ni Vince. Nakita ko si Vince na may hawak na gitara, nakangiti siyang tumingin sa akin. Nag strum na siya at nagsimulang kumanta
Hawakan mo ang kamay ko
Ng napakahigpit
Pakinggan mo ang tinig ko
Di mo ba pansin?
Ikaw at ako
Tayo'y pinagtagpo
Ikaw at ako
Di na muling magkakalayo
Sa tuwing kasama kita
Wala nang kulang pa
Mahal na mahal kang talaga
BINABASA MO ANG
My Famous Husband (COMPLETE)
RomanceWedding is for two persons that is in love to each other. It is part of the sacraments. But other people use this for business matter or just an agreement between the parents and disregard the feelings of their children. This happen to Vince and Nic...