Chapter 32: Creepy
Nicole's POV
*sigh*
Mag isa na naman ako. May shooting na kasi si Vince eh, si Claire naman hindi ko na masyadong nakakasabay kasi palagi siyang kinukuha or in other words "hinahatak" ng fiance niya.
Mag isa na ako kumakain ngayon sa cafeteria at nawawalan na ako ng gana.
*sigh*
"Hi! pwedeng makisabay sa iyo?" Napatingala ako sa nag salita sa harapan ko at nabungaran ko agad ang ngiti ni Victoria, napansin ko naman si Jace na naka-pokerface pa rin. Napangiti naman ako kasi may makaksama na ako.
"Sure (^_^)" sabi ko sa kanya.
"Yey! (^o^)/ Thank you." masiglang sabi ni Victoria. Umupo na sila agad sa harapan ko. Nagsimula na kaming kumain nang tahimik. Ganito ba sila? Tahimik lang sila, ang dating madaldal na si Victoria ngayon ay tahimik na. Nang matapos kumain si Victoria, bigla na lang siyang magsalita.
"So Nics! Bakit mag isa ka lang?" nalungkot naman ako sa tinanong niya. Mukhang nahalata naman niya yung pagiging malungkot kaya humingi siya ng pasensya.
"Ok lang. Yung best friend ko kasi hinatak siya ng isang lalaki tapos yung asa-- boyfriend ko, absent." paliwanag ko sa kanya. Muntik ko ng sabihin na asawa ko si Vince.
"Ahhhh. Kaya naman pala eh. Don't worry, makikisabay na kami palagi sa iyo. Gusto ko nga makilala yung bestfriend mo eh para maging magkaibigan kami." sabi niya. Natuwa naman ako kasi kahit papano may kasabay na ako.
"Talaga? Naku naman, magkakasundo kayo ni Claire parehas kasi kayong madaldal eh." sabi ko.
"Talaga?" natutuwa naman niyang sabi sa akin.
"Oo, pwede ba kitang tawaging Vicky? MAsyado kasing mahaba yung pangalan mo eh." sabi ko sa kanya. Sumang-ayon naman siya agad sa akin. Nag uusap lang kami ni Vicky ng kahit ano ano. Napakabait niya sobra, nakakapalagayan kami ng loob.
Nagtatawanan kami ng biglang may naglagay ng inumin sa mesa pagtingin ko sa nagbigay. Isa siyang babaeng sopiskitada, halatang may pinag-aralan pero higit sa lahat ngayon ko lang siya nakita. Binigyan niya lang ako ng isang ngiti pero pakiramdaman ko naman na kakaiba yung ngiti niya. Parang may binabalak, tapos umalis na siya.
Mukhang sa akin yung inumin kasi nakatapat ito sa akin, mango shake pa naman, favorite ko. Aabutin ko sana pero biglang kinuha ni Jace yung shake. Nagulat naman ako.
"Sa akin yan!" parang batang sabi ko sa kanya.
"Akin to. Huwag kang magulo." sabi niya. Nagulat naman ako sa boses, napaka gwapo naman. Napailing naman ako sa naisip ko, may pagnanasa ata ako dito. Nag-cross arm ako.
BINABASA MO ANG
My Famous Husband (COMPLETE)
RomanceWedding is for two persons that is in love to each other. It is part of the sacraments. But other people use this for business matter or just an agreement between the parents and disregard the feelings of their children. This happen to Vince and Nic...