Chapter 29: Camille vs Nicole (2)

7.2K 110 0
                                    


Chapter 29: Camille vs Nicole (2)


Nicole's POV


"Hey B*tch!" sigaw niya. Napalingon ako kay Camille. Ano bang problema ng babaeng ito? Nakita ko siyang nagme-make up sa harap ng salamin pero ang mga mata niya ay nakatingin sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay, nakangisi lang siya na parang may binabalak.


"Anong kailangan mo?" naiinis na tanong ko sa kanya.


Natawa pa siya sa sinabi ko. "Easy ka lang."


"Kung wala ka ng sasabihin sa akin, lalabas na ako." tugon ko sa kanya. Tinalikuran ko siya, hahawakan ko na sana yung doorknob ng bigla niya akong hinatak paharap sa kanya at sinampal ako. Hinawakan ko agad yung pisngi na nasampal niya ay binigyan ko siya ng masamang tingin.


"Bakit mo ako sinampal?" galit na sabi ko sa kanya.


"Para yan sa pag agaw mo kay Vince sa akin." Ako pa yung mang aagaw sa aming dalawa, kung pwedeko  lang sabihin na asawa ko siya mula umpisa, hindi ko lang masabi kasi baka masira yung career niya. Huminga ako ng malalim at sinubukan kong pakalamahin ang aking sarili. Tinaasan ko lang siya ng kilay.


"Hindi ko siya inagaw." may diin na sabi ko sa kanya.


"Hindi kayo bagay."


"Tao kami, hindi bagay." pilosopong sambit ko sa kanya.


"Huh?"


"Ay slow, makaalis na nga." Tumalikod na ulit ako sa kanya pero wala pang isang hakbang bigla na lang niya hinila yung braso ko. Inis kong tinanggal ng marahas yung kamya na nakahawak sa braso ko.


"Ano ba!" inis na sabi ko sa kanya.


"Hindi pa tayo tapos!"


"Kasi kakaumpisa pa lang ng away natin."


"Huwag mo akong pilosopohin." nandidilim na ang kanyang mukha.


"Nasa democratic country kaya meron tayong freedom of speech."


"Kumukulo yung dugo ko sa'yo"


"Wow! Paano mo nagagawang pakuluin yung dugo mo sa loob ng katawan? Marunong ka ba mag-magic?"


"Arrrgh!!!!" 


"Tapos ka na ba?" bored na sabi ko sa kanya. Tinaasan ko siya ng kilay ng tinignan niya ako ng masama, mukhang tapos na ata. Tumalikod na ako sa kanya,hahawakan ko na sana yung doorknob ng biglang hinila ni Camille yung buhok ko.

My Famous Husband (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon