Chapter 2: SELOS?

20.6K 197 1
                                    






Chapter 2: SELOS?


Nicole's POV



Habang bumibyahe kami nagkwekwento kami ng mga childhood memories namin at natatawa sa corny na jokes niya.

Huminto muna kami sa 7/11 para bumili ng meryenda. Nagsuot muna siya cap at face mask para hindi siya makilala. Sabay kaming pumasok sa 7/11, pinaghanap niya ako ng mauupuan habang maghahanap siya ng pagkain.


Nakapalumbaba ako sa table habang nakatingin sa labas ng 7/11. Pamilyar talaga si Troy, sinubukan kong alalahanin kung saan ko siya nakita.



"Hey! Are you ok?" Tanong sa akin ni Troy, napalingon ako sa kanya. May hawak ng dalawang slurpee. Inabot niya sa akin yung isa at umupo siya sa katabi kong stool.


"Yeah, I'm ok " nakangiting sagot ko sa kanya. Uminom na ako sa Slurpee ko, ramdam kong nakatingin sa akin si Troy.

"Diba wala kang boyfriend?" Tanong ulit niya sa akin.

"Oo" pero asawa meron sagot ng isip ko.

"Pwedeng manligaw?" Nabilaukan ako sa sinabi niya. Narinig kong nagmura si Troy sabay tayo, maya-maya pa binigay ni troy yung isang bote ng tubig. Halos nakalahati ko na yung bote pagkainom ko.

AKO? LILIGAWAN NI TROY? SH*T LANG!

Inabot kaagad sa akin ni Troy yung tissue at saka pinunasan yung bibig ko.

Napatawa naman siya ng mahina sa reaksiyon ko. "Alam mo? nakakatuwa ka, may mali ba sa tanong ko?" Sabi ni Troy. Gusto ko sanang sabihin na may mali sa lahat ng sinabi niya pero hindi ko na lang tinuloy.

"Wala naman. nakakagulat lang yung tanong mo. uhmm..."

Pano ba 'to? Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Pa bigla bigla kasi ang tanong niya eh, hindi ako prepared. Pwede naman pag-isipan di'ba? Bahala na nga.


"Pwede ko bang pag isipan muna?" Tanong ko sa kanya. Gusto ko munang i-consult ang puso ko kung kaya bang mahalin si Troy o patuloy mahalin si Vince.

"Okay. I can wait" ngiti niyang sagot sa akin


Ngumiti lang ako pabalik at sumegway na topic para hindi masyadong awkward yung atmosphere. Umuwi rin kami nang maubos namin yung slurpee.

Sa kakaisip ko sa nangyari kanina, hindi ko namalayan na nasa tapat na kami ng bahay. Pinagbuksan niya ako ulit ng pinto.

Humarap ako sa kanya at ngumiti. "Salamat ulit sa paghatid"

"Wala yun. Pag-isipan mo yung tanong ko. Maghihintay ako." ani niya sa akin. Ngumiti lang ako bilang sagot at saka tumalikod sa kanya.

Pagpasok ko sa bahay, nakita ko si Vince na naka upo sa sofa. Nakasandal at nakapikit. Pagkalapat ng pinto saka siya dumilat


"Bakit kasama mo si Troy" tanong niya sa akin. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko, parang may umusbong na pag-asa sa akin. Ngayon lang siya nagtanong ng ganito.


"May pinag-usapan lang kami sabay hatid sa akin."

"Hinatid ka niya? Ang pagkakaalam ko 3:30 pa yung uwian mo. Look at the time! 5 na. Ang gandang hatid naman niyan." Rant niya sa akin.

Nagulat ako na alam niya yung oras ng uwian ko. Akala ko wala na siyang pakialam sa akin.

"P-pakialam mo ba? ha?" nauutal kong sabi. Naningkit yung mga mata ni Vince.

My Famous Husband (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon