Chapter 25: Her Bestfriend (2)
Claire's POV
Umakyat na ako sa kwarto ko ng matapos ako sa pag-alaala ng nakaraan. Ayoko pang makita si Kyl-James, bumabalik kasi yung nararamdaman ko at saka medyo nahiya ako kay lola dahil sa ugali ko na kanina sa kwarto niya.
Napatingin ako sa pinto ng biglang kumatok. Bumuntong hininga ako. Sino kaya ito? Humiga na lang ako sa kama sa kama ko.
"Pasok.~" tanging sabi ko. Narinig kong bumukas ang pinto at sinarado din, sumilip ako sa pinto. Napabalikwas agad ako ng tayo sa kama at pumunta kay lola. Tama po. Si lola po yung pumasok, naka wheel chair siya at tulak tulak yung sarili niya. Napalunok ako nung nakita kong malungkot ang mukha ni lola.
Ako na ang nagtulak sa wheel chair niya papunta sa kama ko. Itinapat ko siya kama at umupo ako sa harapan niya.
"Bakit po lola?" tanong ko kaagad sa kanya.
"Bakit ayaw mo sa kanya apo?" deretsahang tanong niya sa akin. Nabigla naman ako sa tanong niya. Hinawakan niya yung dalawang kamay ko na parang sinasabi na wala akong dapat ikabahala.
*sigh*
Sasabihin ko ba kay lola? Yung lahat ng nangyari nung high school pa kami. Ano kaya ang magiging reaksyon niya sa ikwekwento ko? Tinignan ko si lola sa mata, nakikita ko ang kuryosidad niya. Bumuntong hininga ako saka nagkwento sa lahat nangyari. Habang nagkwekwento ako hindi ko mapigilang umiyak. Hinaplos-haplos naman ni lola yung likod ng palad ko sa pamamagitan ng hinlalaki niya sa kamay.
Iyak lang ako iyak hanggang wala nang mailabas na luha yung mga mata ko. Pinagpahinga muna ako ni lola at ipapautos na lang daw niya na magdala ng pagkain dito at saka lumabas. Humiga na ako sa kama ko.
*tok tok tok*
"Pasok." mahinang sabi ko. Pumasok na ang isang maid namin na may dala dalang pagkain. Nilapag niya ito sa isang maliit na table sa kwarto ko.
"Yan na po ang hapunan niyo." sabi ng maid.
"Salamat, maari ka ng umalis." nag bow muna yung maid at saka umalis, tumayo na ako at lumapit na sa pagkain na nakahanda hanggang sa napansin kong may note na nakalagay sa gilid ng plato ko.
When life knocks you down, get back up and try again.
Napangiti ako sa nakasulat. Sulat kamay ni lola ang nakalagay doon sa papel, kinuha ko yung phone ko at pinicturan ko yung note. Ginawa kong wall paper para kada bukas ko eh, ma iinspire ako ;)
Pagkatapos kong picturan, nagsimula na akong kumain na may ngiti sa labi. Ang sarap ng pagkain *Q* wala pa rin kupas ang pagkain dito. Nang matapo akong kumain, niligpit ko na yung pinagkainan ko at iniwan ko muna, humiga na ako sa kama ko para makapag pahinga ako ng maigi.
BINABASA MO ANG
My Famous Husband (COMPLETE)
RomanceWedding is for two persons that is in love to each other. It is part of the sacraments. But other people use this for business matter or just an agreement between the parents and disregard the feelings of their children. This happen to Vince and Nic...