Chapter 10: Confession
Nicole's POV
**Saturday**
Inaantok pa ako. Kanina pa ako ikot ng ikot sa kama. Hindi kasi ako pinatulog ni Vince kagabi dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kung nagsasabi ba siya ng totoo or hindi. Hirap paniwalaan lalo na't artista siya.
Pero hindi mapigilan ng puso ko na magharumentado ng narinig ko sa sinabi niya. Nagpagulong gulong ako sa kama. Ganito kasi yung nababasa ko mga libro eh. Meron pa rin akong doubt sa isipan ko na baka pinaglalaruan lang ako ni Vince at isama sa mga collection niya ng mga babae. Kailangan kong mag ingat.
Hayyy...
Napatingin ako sa pinto ng biglang may kumatok. "Kain na Nicole, nakahanda yung pagkain." sigaw ni manang sa labas ng pintuan.
"Opo" sigaw ko pabalik. Bumangon na ako at dumeretso sa banyo para maghilamos. Baka kasi may muta o panis na laway, nakakahiya naman kay Vince. Nagsuklay na rin ako kasi mukha ng pugad ng ibon yung buhok ko. Pagkatapos kong magsuklay, lumabas na ako ng kwarto. Nagmamadali na akong bumaba kasi baka mapagalitan ako ni manang.
Pagkarating ko sa hapag-kainan, kumakain na doon si Vince. Napatingin siya sa akin pero agad binawi at pinagpatuloy yung pagkain niya. Naglakad na ako sa upuan na katapat ni Vince. Nagdasal ng konti at saka kumain.
Hindi ako makakain ng maigi. Paano ba naman kasi nakatitig sa akin si Vince!? Gusto ko sanang itanong kung may madumi ba sa mukha ko o may mali ba? Hindi ko tuloy malunok lunok yung pagkain ko dahil sa titig niya.
Nakakailang yung mga titig niya. Bumibilils yung tibok ng puso ko. Halos manginig na yung kamay ko.
"Eeerrr~ wag mo akong titigan ng ganyan, naiilang ako" sabi ko kanya na hindi tumitingin sa kanya.
"Sorry naman, kulang kasi yung araw ko kapag hindi kita nakikita." banat niya sa akin. Namula ako sa sinabi niya.
OMG!
Dali-dali akong kumain kahit halos nabubulunan na ako. "Tapos na po ako kumain" sabi ko kay manang. Tumayo na ako at iniwan ko na lang siya doon sa hapag-kainan baka kasi maiihi ako ng wala sa oras. At saka kumain ba siya ng sweets? Ang tamis kasi ng lumabas sa bibig niya.
Umakyat na ako at dumeretso sa aking kwarto. Pabagsak akong humiga sa kama. Humikab ako. Inaantok pa ako, buti na lang sabado ngayon. Makatulog nga muna.
*after 1 hour*
Hmmmm...
Pamilyar yung amoy na ito ah, saan ko ba ito naamoy? At saka bakit ang bigat naman ng nadaganan sa tyan ko? Hinawakan ko ito.
BINABASA MO ANG
My Famous Husband (COMPLETE)
RomanceWedding is for two persons that is in love to each other. It is part of the sacraments. But other people use this for business matter or just an agreement between the parents and disregard the feelings of their children. This happen to Vince and Nic...