****
Cassandra POV
Nagising ako ng maramdaman ang mahigpit na yakap ni Sian.
Gusto ko man mag stay ngunit hindi pwede dahil umaga na at kailangan kong mag luto ng breakfast namin.
Dahan dahan kong inalis ang kamay niya ngunit mas hinigpitan niya ang pag kakayakap saakin.
"Sian!" Mahinang saway ko sakanya.
"Ten minutes, love" bulong niya at mas sumiksik saakin.
Natapos ang ten minutes pero naka yakap parin siya saakin.
Akmang tatanggalin ko na ulit ang kamay niya ng bigla siyang bumangon at pumatong saakin.
Papungas-pungas pa ito na akala mo ay naistorbo
ang tulog pero agad akong ginapangan ng kaba ng ilapit niya ang mukha niya saakin.Napapikit ako ng maramdaman ang halik niya sa noo ko at bumaba ito sa ilong at pisngi ko.
"I love you" Bulong niya bago sinakop ang labi ko.
Sian POV
Matapos kong mag ayos ay pumunta ako sa kusina at nadatnan ko roon ang babaeng gusto kong pakasalan.
Hindi niya napansin na nasa likod niya ko kaya ramdam ko ang pag ka gulat niya ng bigla ko siyang yakapin sa likod.
"Love naman eh" Pagalit na sabi niya dahil sa gulat pero tinawanan ko lang siya.
"Ang bango ng niluluto mo pero mas mabango ka" Sabi ko at binaon ang mukha ko sa leeg niya.
"Bolero" natatawang sabi niya.
Inaayos ko na ang lamesa at nag lagay ng pinggan.
"Love, ikaw na lang kaya mag luto araw araw para naman masarap lagi ang pagkain" Nakangiting suggestion ko, napasimangot ako ng bigla niyang pitikin ang tenga ko.
"Nako Sian hindi mo ako madadala sa mga pambobola mo. Tinatamad ka lang mag luto eh" Agad akong humalakhak dahil naka pamewang siya ngayon.
Ganito rin kaya niya papagalitan ang mga magiging anak namin?
Cassandra POV
Nandito na kami ngayon sa University at hinalikan ako ni Sian bago mag hiwalay ng landas namin.
Buong umaga akong nakatulala sa kawalan.
Hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang makinig sa prof namin ngayon, tila lumilipad ang aking isipan sa dahilan na hindi ko rin alam.
Nang matapos ang klase ay tumayo ako at nag madaling lumabas.
Hindi pa man ako nakakalabas ng classroom ay biglang nanlabo ang mga mata ko.
Bigla rin sumakit ang ulo ko.
Mary POV
Pumunta ako sa classroom ni Cassandra dahil lunch na.
Cassandra is my best friend and the only person who accepted me for who I am.
I'm a lesbian pero syempre hindi ko type ang best friend ko. Mataas ang standards ko at hindi pasok don si Cassandra.
"Cassandra!" Masayang sigaw ko ng makita siya ngunit hindi niya ako pinansin at naka hawak lamang siya sa uli niya.
Napatakbo ako ng bigla siyang tumumba.
"Cassyyyy, tulong!" Nagaalalang sigaw ko, may lumapit naman saaming lalaki at binuhat si Cassandra.
Sian POV
Napatakbo ako ng wala sa oras sa sasakyan ko ng matanggap ang message ni Mary.
"What happened?" Tanong ko kay Mary ng makarating sa clinic.
"Nakita ko na lang siyang tumumba" Paliwanag niya.
"You can go, ako na ang bahala sakanya" Sabi ko, tumango naman siya at nag paalam sa natutulog na si Cassandra.
————————————
Prinprinnn