*****
Cassandra POV
Nagising ako nang maramdaman ang pag tadtad nang halik ni Sian sa mukha ko.
"Love hahahahahaah" Hagikgik ko nang bigla niyang halikan ang leeg ko, may kiliti ako sa leeg!!
"I'm glad you're awake" Nakangiting sabi niya.
Napapikit ako nang hipuin niya ang noo ko para tignan kung may sakit ako.
At napangiti ako nang palitan niya ang kamay niya nang kanyang labi. Ang hilig niya talagang halikan ako sa noo.
"Do you want to take a shower first or eat?" He asked me after kissing my forehead.
"I'll take a shower fir- lovee!!!" I yelled when he grabbed my waist and carried me to the bathroom.
Akala ko ibaba niya 'ko sa mismong tapat ng bathroom pero tuloy tuloy kaming pumasok sa bathroom at ibinaba niya ako sa bathtub na may maligam-gam na tubig.
Basa na yung damit ko!!!
"I'll help you to take a shower" Agad ko siyang tinignan nang masama sa sinabi niya.
"Apaka chancing mo talaga Sian Buenaverde" Napahalak hak siya sa sinabi ko dahilan upang hampasin ko ang braso niya.
"Promise shower lang" Nakangiting sabi niya pero duda parin akong tumingin sakanya.
Tinulungan niya na akong ihubad ang basang damit na suot suot ko.
Natapos niya akong paliguan and like what he said ligo lang ang naganap.
Gusto kong kiligin dahil sa pag aalaga niya saakin pero hindi ko alam bat hindi ko magawang kiligin.
Dahil ba ito sa red string na nakikita ko sa kamay niya?
I'm not sure kung red string ba talaga ang nakikita ko dahil iba't ibang kulay ang nakikita ko katulad kanina.
Sana...
Sana mali ako nang hinala.
Kung sakaling red string nga ang nakikita ko, sana kami pa rin hanggang dulo.
—————————–———
Ngayon ay nag iimpake kami ng gamit para sa pag bisita sa bahay ni lola.
I wanted to visit her dahil miss na miss ko na siya and I also want to ask her about the red string thingy because she knows a lot about it.
Tinawagan na rin namin ang mga kaibigan namin para makasama sila saamin.
Nag sabi at nag paalam na rin kami sa prof at boss namin at pumayag naman sila.
We tried to call our parents para makasama rin sila pero magulang lang ni Sian ang sumagot habang ang magulang ko hindi namin ma contact.
Jasper POV
Kasama ko ngayon sa loob ng sasakyan sila Mary, Julie, at Finn. At hindi ko alam kung bakit ako pumayag na isabay sila papunta sa lola ni Cassy.
Stress na stress tuloy ako ngayon dahil apaka iingay nila. Kumakanta sila ng "Dati by Sam Concepcion" ngayon.
Matutuwa siguro ako kung magaling sila kumanta kaso p*nyeta mga sintunado, nakakarindi!!
"Kapag hindi kayo tumahimik ibabangga ko talaga itong sasakyan!" Galit na sigaw ko ngunit patuloy lamang silang kumakanta.
"T*ngina!*
"Sh*t!"
"Gag* ka!"
Sabay sabay na sigaw nila nang bigla akong mag preno.
"Sabi kasing tumahimik eh" Ngising sabi ko agad akong napangiwi nang batukan ako ni Mary.
"G^go! Pasalamat ka at naka seat belt kami kaya walang nangyari! Hahuntingin talaga kita pag namatay ako!" Sigaw ni Mary.
Finn POV
Sabay kaming umiling iling ni Julie habang pinag mamasdan sila Mary at Jasper na ngayon ay nag babangayan.
Mga aso't pusa tss.
——————————————-
Prinprinnn