****
Cassandra POV
I frowned when Sian took my blanket.
"Love I still want to sleep" Nakapikit na sabi ko at inaagaw ang kumot sakanya.
Inis na nag mulat ako ng ayaw niya itong ibigay pero napalitan iyon ng pagtataka ng makita ang pulang tali sa daliri niya.
Am I dreaming? Or hallucinating?
Pumikit ulit ako at pag dilat ko nandoon parin ang ang pulang tali sa daliri ni Sian.
"Bat may pulang tali diyaan sa daliri mo?" Takang tanong ko.
"Anong pulang tali? Nananaginip ka ba?" Nag tatakang tanong niya pabalik.
I just shrugged and kissed him on the cheek.
"You can go, susunod na lang ako" Sabi ko, tumango namam siya at yinakap ako bago umalis.
Tumayo na ko para mag hilamos at pag labas ko, mas lalo akong nag taka ng makita ang mga iba't ibang kulay ng tali sa mga daliri nila.
Prina-prank ba nila ako?
Hindu ko na lamang pinansin ang mga taling nakikita ko.
Lumapit ako sakanila at sabay sabay kaming kumain. Tapos na kami kumain ng may kumatok. Baka sila Julie at Mary yon.
"Ako na mag bubukas" sabi ko at pumunta na sa front door.
Pagbukas ko ng pinto bumungad saakin ang mukha ng mga kaibigan ko.
"Pati ba naman kayo prina-prank ako" Inis na sabi ko, nag tataka naman nila akong tinignan.
"Bat ikaw may pulang tali? Ikaw naman may asul na tali?" Tanong ko sakanila ngunit hindi nila ako sinagot.
"Tulog ka pa ba? O lutang lang? Or baka naman dahil masama pakiramdma mo?" Tanong ni Julie.
Tinulak ko sila papasok sa bahay at ako naman ang lumabas.
Naguguluhan akong napatingin sa mga batang nag lalaro at mga kapitbahay namin nag kwe-kwentuhan, lahat sila ay may mga tali sa mga kamay nila.
Anong meron?
Mary POV
"Hoy! Kanina ka pa tulala diyan, ayos ka lang? Hoi Sian yung jowa mo nasa ibang planeta!" Sigaw ko kay Sian na nag lilinis sa kusina kasama ang mga kaibigan nito.
Nandito kaming tatlo ni Cassandra sa sala at kanina pa kami nag kwe-kwentuhan ngunit nakatulala lamang si Cassandra sa kawalan.
Napangiti ako ng makita ang pag takbo ni Sian sa direksyon ni Cassy.
Ang sweet talaga nila, nilalanggam ako masyado.
"Are you okay, love?" Tanong ni Sian at tila bumalik saamin si Cassandra, sabi na eh si Sian lang ang makakapag balik ng ulirat nitong babaeng toh.
"Uhm yes, yes I'm okay love" Sagot ni Cassy.
"Mas sumama ba ang pakiramdam mo?" Tanong ulit ni Sian at umiling naman si Cassy
"Pwede ba nating bisitahin si Lola bukas?" Tanong ni Cassy.
"Sama kami!" Sigaw nila Jasper at Finn.
"Yung totoo buntot ba kayo ni Sian?" Tanong ko sakanila.
"Tomboy alam naman namin na gusto mo rin sumama kaya manahimik ka diyan kase ginagamit ko ang aking charms para mapa oo si Sian at Cassy" Sagot ni Jasper akmang susugurin ko na siya ng pigilan ako ni Julie.
"Apaka siga mo talaga, mas masiga ka ba pag may regla ka?" Hindi na ko napigilan ni Julie ng habulin ko si Jasper.
"Cassy pakalmahin mo iyang dragon mong kaibigan!!!" Sigaw ni Jasper habang hinahabol ko siya.
"Pag pinukpok mo iyang vase pwede ba'ng mahina lang" At talagang humirit pa ang g*go.
———————————
Prinprinnn