Chapter 10

1 0 0
                                    

*****

Sian POV

"Palagi kitang mamahalin Sian" kasabay niyon ang pag lapat ng labi niya sa labi ko.

"Sian, Cass-"

"Sorry sorry!" Mabilis na umalis si Finn habang ako ay ipinag patuloy ang pag halik kay Cassandra.

"Pre may breakfast na niluto si lola huwag mong gawing breakfast apo niya!" Kumalas si Cassandra dahil sa pag sigaw ni Finn sa labas.

"Gag-" Hindi ko na natuloy ng takpan ni Cassandra ang bibig ko.

"Love wala tayo sa bahay!" Suway niya at akmang aalis na ng hilain ko siya at halikan sa noo.

"Palagi rin kitang mamahalin Cassandra" Nakangiti kong sabi bago hinila siya palabas.

Julie POV

Pinag masdan ko si Cassy at Sian habang sumasayaw sa harap ng puno ng acacia kung saan nag simula ang napaka ganda nilang istorya.

"Ang swerte nila sa isa't isa noh?" Napalingon ako kay Klein na tumabi saakin.

"Mas swerte si Sian kay Cassy dahil alam kong sa kahit na anong sitwasyon pipiliin ni Cassy na mahalin ng paulit ulit si Sian" Nakangiti kong sagot.

"Ganon din naman si Sian kay Cassy, bias ka."

"Oh bat ka umiiyak?" Tanong niya ng humarap ako sakanya.

Dahil na rinig ko ang usapan ni Cassy at Lola Emz hanggang sa pag pasok niya sa kwarto nila ni Sian...

"Naiiyak ako kasi naalala ko yung usapan namin nila Cassy at Mary. At ang sabi niya mahal na mahal niya si Sian." Nakangiti sagot sabi bago pinunasan ang luha ko.

"Mahal talaga nila ang isa't isa, ganon din ang sinabi ni Sian saamin. Minsan nga ang sarap suntukin kasi kada mag kwe kwetuhan kami puro Cassandra lumalabas sa bibig niya" Natawa ako dahil sa huling sinabi niya.

"Hoi Klein may jowa na yan si Julie kaya kung may balak kang pumorma huwag mo ituloy!" Sigaw ni Mary habang papalapit saamin.

"Tanga kinakausap ko lang, kasi si Cassy ayun na kay Sian tapos ikaw nakikipag bangayan kay Jasper!" Sigaw pabalik ni Klein bago tumayo.

"Buti naman at tapos na kayo mag away kala ko gugunaw na lang ang mundo nag aaway parin kayo" Dagdag ni Klein tsaka tumakbo.

Bago pa siya habulin ni Mary ay hinila ko na si Mary upang umupo sa tabi ko.

"Hoi may something ba kayo nung kaibigan ni gago?!" Napangiwi ako sa pag sigaw niya.

"Tanga mahal na mahal ko si Kyson!" Sigaw ko pabalik.

"Jusko! Ako kaya nasa dulo niya?" Nabalik ako sa ulirat ng pitikin ni Mary ang noo ko.

"Anong dulo pinag sasabi mo diyan?" Tanong niya.

"Walaaa, Nga pala sabi ni Cassy pupunta tayong beach mamayang gabi. You know dating gawi" Nakangiti kong sabi.

"Tulungan mo ako mag isip ng tanong para sa spin the bottle, pati ng magandang istorya" Tumango na lamang ako.

Klein POV

"Pre bat nga pala hindi sumama saatin si Finn?" Tanong ni Jasper.

"Nag papa pogi points yon kay Clara alam mo namang patay na patay yon sa anak ni Tay Ernesto." Sagot niya.

"Isa pa ang alam ko inaaya niya si Clara na sumama saatin mamaya" Dagdag niya pa.

"Gusto mong pumusta?" Nakaka lokong dagdag niya, ngumisi naman ako bago tumango.

——————————————-

Prinprinnn

Red String Where stories live. Discover now