****
Cassandra POV
Mas naguluhan ako dahil habang nag hahabulan si Mary at Jasper ay siya namang pag bago ng kulay sa mga tali na nakatali sakanila.
Ang asul na nakita ko kay Mary ay unti unting nag lalaho at napapalitan ito ng pula.
Ang lila naman na nasa kamay ni Jasper ay unti unti rin na nag lalaho at napapalitan ito ng kulay pula.
Napahawak ako sa ulo ko habang pinag mamasdan sila ngayon.
Mag kadugtong na ang kulay pulang tali sa kanilang mga kamay.
Ang dulo ng pulang tali sa kamay ni Mary ay si Jasper at ang dulo ng pulang tali sa kamay ni Jasper ay si Mary.
Am I, Am I seeing red string?
Sian POV
"Love!" Sigaw ko ng bigla siyang mahimatay.
Binuhat ko siya at akmang ilalabas ko na siya ng bahay para dalhin sa hospital ng harangan ako ni Mary at Jasper.
"Allergic nga si Cassy sa hospital, apaka OA mo, baka nahimatay lang siya dahil ang gulo namin." Paliwanag ni Mary.
"Hindi siya allerg-"
"Tanga alam kong hindi siya allergic, ayaw niya lang talaga sa hospital. Isa pa hindi naman siya nilalagnat ah and remember sabi ng nurse okay lang siya, pag nahimatay ulit siya dun natin siya isugod." Dagdag pa ni Mary habang hini-hipo ang leeg ni Cassandra.
"Pre baka kapag dinala mo si Cassy sa hospital, hiwalayan ka niya" Nakangiwing sabi ni Jasper.
"Tanga hindi ganon ka babaw si Cassy!" Sigaw ni Julie sakanya.
Gusto ko silang palayasin ngayon sa pamamahay namin dahil apaka ingay nila.
Iiling iling kong dinala si Cassandra sa kwarto namin.
Inihiga ko siya sa kama at kinumutan bago ko siya iwan.
"If u guys want to stay, you can pero kailangan kong tabihan at alagaan si Cassandra. You guys can cook or play whatever you want. And if gusto niyong umalis ligpitin niyo mga kinalat niyo at isarado niyo ang pinto." Paliwanag at utos ko sakanila bago pumasok ulit sa kwarto namin.
Tumabi ako kay Cassandra at hinalikan ang noo niya bago ko siya yakapin at matulog.
Jasper POV
Pag ka pasok ni Sian sa kwarto ay nag simula na kami mag ligpit ng kalat.
Sila Mary at Julie naman ay pumunta sa kusina para mag luto ng tanghalian.
"Tuloy pa kaya sila papunta kanila Lola Emz?" Tanong ni Finn saamin.
"Yieeeee gusto niya lang makita yung anak ni Tay Ernesto" Pang aasar ni Klein, napangiwi ako ng batukan ni Finn si Klein. Ansakit kaya mambatok ni Finn tipong parang hinahati ulo mo.
Julie POV
Pag katapos namin mag luto ni Mary ay kumatok kami sa kwarto nila Cassy para mag paalam.
"Pre nagluto na si Mary at Julie ng tanghalian niyo. Aalis na kami, mag text ka na lang kapag kailangan niyo ng tulong" Pag papaalam ni Klein.
"Baka tulog na tulog, mag send na lang tayo ng message" Sabi ko ng hindi kami pinag buksan ng pintuan.
"May susundo sainyo?" Tanong ni Jasper, umiling naman kami ni Mary.
"Mag ta-taxi kami" Sagot ni Mary sakanya.
"Sumabay na lang kayo saamin para hindi na kayo ma-masahe" Pang offer ni Finn.
——————————————-
Prinprinnn