****
Klein POV
"Oh bat mga naka busangot kayo?" Bungad ko kanila Jasper.
Agad akong napahawak sa mukha ko nang sapakin ako ni Jasper buti na lang talaga sa kamay ko tumama yung suntok niya dahil patay kami kay Lola Emz.
"G^go hindi na talaga ako papayag na sumabay ulit iyang tatlong yan saakin!" Sigaw ni Jasper agad naman tinakpan ni Mary ang bibig niya dahil baka lumabas na si lola at madatnan kaming nag aaway.
"Jusko! Anong kaguluhan ito!" Napalingon kami kay Lola Emz na sumisigaw.
"La nag lalaro lang po sila." Nakangiting sabi ni Julie tinignan naman kami ni Lola Emz kaya agad kaming tumango at ngumiti.
K*ngina patay kami kay Sian at Cassy kapag naistress si Lola Emz!
"Oh siya at pumasok na kayo sa loob. Nandoon na rin sila Sian at ang iba pa."Nakangiting sabi niya, lumapit muna kami sakanya upang mag mano bago pumasok sa loob.
—————————————
Cassandra POV
Tulog na silang lahat habang ako naman ay nasa labas ng aming bahay at pinagmamasdan ang mga napaka gandang bituin sa langit.
"Ano't hindi ka pa natutulog?" Napalingon ako kay Lola ng tumabi siya saakin.
"Hindi po kasi ako makatulog, kayo po bat hindi pa po kayo natutulog?" Tanong ko pabalik at pinagmasdan muli ang mga bituin.
"Gusto lang kitang sabayan, may problema ba apo?" Tanong niya ulit.
"Naniniwala po ba kayo na may taong naka tadhana para saatin?" Tanong ko pabalik
"Oo naman, isa ang lolo mo sa nakapag patunay niyon."
"Akala ko noon ay makakahanap pa ako ng lalaking mamahalin ko pag ka tapos mamatay ng lolo mo."
"Cassandra hindi na muling tumibok ang puso ko tila ba isinama ni Joaquin ang puso ko nang mamatay siya." Lumingon ako sakanya ng marinig ang munting hikbi niya.
Agad ko siyang niyakap at pinunasan ang luha sa mga mata niya.
"Sa susunod na buhay ramdam kong mas mamahalin niyo ang isa't isa. Huwag kang mag alala La kasi alam ko po na sa kahit na anong panahon o oras ikaw lang ang una at huling mamahalin ni Lolo." Nakangiti kong sabi bago kumalas sa yakap. Pinagmasdan ko muli ang langit upang hindi tuluyang tumulo ang luha ko.
"La, naniniwala po ba kayo sa red string of fate?" Tanong ko muli.
"May dapat ba akong malaman Cassandra?" Tanong niya pabalik at sa pag lingon ko sakanya ay tuluyang bumagsak ang luha sa mga mata ko.
"Nakikita ko ang iba't ibang tali sa mga kamay ng mga tao."
"Na-nakita ko rin ang pulang tali sa kamay ni Sian at la ansakit-" Tuluyan na akong humagulgol at yinakap niya naman ako.
"B-bakit hindi ako?"
"Bakit hindi ako ang nasa dulo ng pulang tali niya?"
"Alam kong nasasaktan ka pero sana maintindihan mo na may rason ang lahat isa pa may tao rin na nakatadhana para sayo." Agad akong umiling at kumalas sa pagkakayakap.
"Walng pulang lubid sa daliri ko o kahit na anong kulay"
"Wala?" Tanong niya at tumango naman ako.
"Apo buksan mo ang puso mo huwag mong hayaan na maging sarado ito" Nagtatakang tinignan ko naman siya.
"Ang sabi ng nanay ko noon ang taong walang kahit na anong tali sakanyang daliri ay mamatay sapagkat hindi pa napapakawalan ng taong yon ang lalaki o babaeng minamahal niya sa kasalukuyan." Paliwanag niya.
"Kailangan mong pakawalan si Sian lalo na kung alam mong malapit na siya sa taong nakatadhana para sakanya." Dagdag niya pa dahilan ng pagiling ko. Kinuha niya ang kamay ko at pinagmasdan ang mga mata ko.
"Ito ang una mong buhay habang si Sian maaring pangalawa o pangatlo niyang buhay ito kaya pakawalan mo siya dahil mas magiging mahirap para sainyo ito."
——————————————-
Prinprinnn