Chapter 3

7 2 0
                                    

****

Cassandra POV

Nagising ako ng marinig ang mahinang iyak ng katabi ko.

"Sian" Agad siyang tumayo at niyakap ako pero agad din siyang kumalas.

"Are you okay?" Nag aalalang tanong niya, tumango naman ako.

"Sabi ni Mary sumasakit ang ulo mo ng makita ka niya, yun ba ang dahilan kung bat ka nahimatay? May masakit pa ba sayo? May nakain ka ba?" Pinunasan ko ang mga luha sa mga mata niya.

"I'm okay medyo masama lang pakiramdam ko and I don't know why" Sagot ko

Nagiging emotional siya ngayon kasi naaalala niya siguro ang mommy niyang namatay.

Tita was also experiencing headaches, and kala namin normal headaches lang yon pero mali kami.

Tita was diagnosed with brain tumour.

"Are you sure ayaw mo mag patingin sa doctor?" Tanong ni Sian ng makauwi kami sa bahay.

"Okay lang talaga ako and you know me allergic ako sa hospital" Nakangiting sagot ko, alinlangan siyang tumango.

"Go to bed and get some rest. Ako na ang mag lilinis at mag luluto" Tumango na lamang ako, akmang pupunta na ako sa kwarto ng hilain niya ako paharap sakanya at hinalikan ang noo ko.

"Please tell me pag lumala ang nararamdaman mo" Tumango ako at yinakap siya.

———————————-

Nagising ako ng gisingin ako ni Sian.

"Hmmmm"

"Nakapag luto na ko, gusto mo bang kumain dito o sa dining?" Tanong niya habang inaayos ang magulo kong buhok.

"Sa dining na lang" Sagot ko, tumango naman siya.

Tatayo na sana ako ng buhatin niya ako.

"Sian masama lang pakiramdam ko pero hindi ako baldado!" Saway ko sakanya pero hindi niya ako pinansin.

Nang makarating kami sa dining ay tsaka niya lamang ako binaba.

"Hayaan mo akong pag silbihan ka. Wala munang 50/50, okay?" Tanong niya, tumango na lamang ako dahil ayokong mag talo kami.

Pag katapos namin kumain ay pinainom niya ako ng gamot at pinag pahinga ulit habang siya naman ay nag lilinis.

Hindi ako makatulog dahil inaantay ko siyang pumasok sa kwarto para sabay kaming makapag pahinga.

Tumayo ulit ako at lumabas ng kwarto, papasok na sana ako sa kusina kung saan na r-roon siya pero tumigil ako ng marinig na may kausap siya.

"Pass ako pre, sa susunod na lang tayo mag basketball. Bawi na lang ako sainyo, hindi kasi talaga ako pwede bukas dahil masama ang pakiramdam ni Cassandra." Sabi niya sa kabilang linya.

"Huwag kayong mag alala mag luluto kami ni Cassandra bilang pambawi" Dagdag niya pa.

"Sige na at kailangan ko ng matulog kasi baka inaantay ako niyon" Pag papaalam niya, agad akong tumakbo at yinakap siya ng ibaba niya na ang telepono.

"Sabi ko mag pahinga ka na diba" Galit na sabi niya, napa nguso naman ako.

"Hindi ako makatulog, wala akong katabi" Maktol ko, napatili ako ng bigla niya akong buhatin at dalhin ulit sa kwarto.

Dahan dahan niya akong ibinaba sa kama tsaka siya tumabi sa tabi ko.

Yinakap at siniksik ko ang sarili ko sakanya ganon din ang ginawa niya.

"Sleep na, okay" Bulong niya, nag hum siya dahilan upang mas lalo akong antukin.

—————————————

Prinprinnn

Red String Where stories live. Discover now