"Alam ko namang hindi tayo pwede!" singhal ko sa kanya.
Pero nanatili lang siyang nakatingin sa'kin at parang gulat na gulat sa inaasta ko ngayon sa harap niya.
"Alam ko naman na ayaw mo sa'kin dahil pareho tayong babae, pero Cassie naman! Hindi mo naman na kailangan pang ipamukha sa'kin 'yon habang nakikipaghalikan ka sa lalaki at sa mismong harapan ko pa!"
"Alam mo 'yon?"
"Of course!"
Naging seryoso ang mukha niya. "Kung hindi ko gagawin 'yon, siguradong hindi mo ko titigilan."
Napamaang ako. "What the hell are you talking about?"
"Sa tingin mo ba hindi ko alam, Raven? Na palagi mo kong sinusundan kahit saan ako magpunta!"
"No—"
"Kung hindi, sige nga. Paano mo nalaman na may hinalikan ako?"
Shoot!
Napakagat labi ako. Pero mukhang wala na akong ibang pagpipilian kundi ang umamin.
"D-dahil 'yon na lang ang p'wede kong gawin. Ang sulyapan ka at mahalin ka mula sa malayo."
Magsasalita na sana siya pero inunahan ko na siya.
"Alam kong mali at bawal. Alam kong hindi dapat at hindi kailanman magiging p'wede. Alam ko, Cassie. Pero..." Tiningnan ko siya ng diretso sa mga mata niya.
"Girl you're every woman in the world to me.
You're my fantasy
You're my reality~"Pinigilan ko na hindi mautal habang kinakanta ang mga linyang 'yon sa kanya. Noon pa man ay gustong gusto na niyang kinakantahan ko siya. Pero noon 'yon. No'ng maayos pa ang lahat sa pagitan naming dalawa.
Umiling siya habang bakas ang takot sa mukha niya. "Plese, Raven. Tigilan mo na ako! Ilang taon mo na akong sinusundan! Please, tigilan mo na 'yong pagiging creepy stalker mo!"
Namintig ang tenga ko. "C-creepy stalker?"
"Bukod sa alam kung sinusundan mo ko, alam ko rin na ikaw ang nagpapadala ng mga sulat sa'kin. Maski ang email ko ay hindi natatahimik ng dahil sa'yo!"
"So, you also know that, ha?"
Nginisian ko siya at saka ako pumalakpak ng dahan-dahan.
"R-raven please—"
Nilabas ko ang isang bagay na naka-ipit sa likod ng short ko. Kaya naman laking gulat ni Cassie ng mapagtanto niya kung anong hawak ko.
"R-raven, b-bakit may dala kang baril?!"
"'Wag mong sabihin na magpapakamatay ka?!"
Tumawa ako ng malakas ng marinig ko 'yon mula sa kanya. "Sorry, baby. Pero mauuna ka."
"R-raven!" pagtawag niya sa'kin na may halong pagbabanta.
"For all this time, creepy stalker lang pala ang tingin mo sa'kin? Matapos kitang damayan! Matapos nating maging matalik na magkaibigan!"
"P-pero ikaw din naman ng sumira nun!"
"Bakit? Dahil umamin ako? Dahil ginusto kita? Dahil minahal kita? O dahil sa lintek na katotohanang babae rin ako?!"
Dahan-dahan akong lumapit sa kanya pero ni-isang hakbang ay hindi niya nagawa para umatras.
Hinapit ko siya sa beywang at saka pinadulas ang dulo ng hawak kong baril sa gilid ng makinis niyang pisngi.
"Hindi ko gustong umabot tayo sa ganito. Pero pinilit mo ko."
Narinig ko na ang paghikbi niya. "N-no, please—" Idinikit ko ang hintuturo ko sa mga labi niya para putulin ang sasabihin niya.
"I will always love you, Cassie." Saka ako lumayo ng isang hakbang at tinutok ang baril na hawak ko sa kanya.
Hindi na siya ngayon magkamayaw sa pag-iyak at paghikbi. Ayokong nakikita siyang ganito. Pero ito lang ang nakikita kong paraan.
"'Til death do us part," nakangising saad ko.
At saka kinalabit ang gatilyo. "Noooo!"
Matunog akong ngumisi ng makita ko ang itsura niya. Nanginginig siya habang mariin na nakapikit ang mga mata niya.
"Dumilat ka na, hindi bagay sa'yo."
"W-what the—" Hindi niya na matapos ang sasabihin niya dahil sa kaba at nerbiyos.
"W-water gun?!"
Natawa ako ng bahagya. "Yeah. Sa tingin mo magagawa ko 'yon sa'yo? Ako lang naman ang patay dito. Patay na patay sa'yo," pang-aasar ko sa kanya.
"Y-you!" Hindi na siya makapagpigil sa inis kaya sinugod na niya ako saka ako pinaghahampas.
"Alam mo ba na kinabahan ako ro'n! Ang bilis-bilis ng pintig ng puso ko! Akala ko matutuluyan na talaga ako tapos pinagti-tripan mo lang pala ako?! Akala ko ba mahal mo ko?! Bakit nagagawa mo 'yon sa'kin?! Akala mo ba magandang biro 'yon?! Nakakainis ka! Nakakainis ka!" Tuloy-tuloy niyang sabi habang hinahampas ako.
Natatawa kong hinuli ang kamay niya at saka inilapit sa'kin. "Pero hindi ko sinabi na wala akong gagawin sa'yo."
"A-ano na naman ba 'yan, ha?!"
"I'll show you, that you are only mine. Mine, Cassie."
YOU ARE READING
One Shot Collection
RandomA collection of one shots with different genres written by yours truly.