Death Anniversary

3 2 0
                                    

"Hi Bry! Nandito ulit ako. Namiss mo ba ako?" Sabay sindi ng kandila sa puntod ni Bry.

"Baka nagsasawa ka na sa pagmumukha ko ah?" pagbibiro ko. Inilapag ko naman ang bulaklak na dala ko sa puntod niya.

I sighed. Bry is my boyfriend. Akala ko okay na ako. Ilang taon na rin no'ng mawala ka sa'kin.

'No'ng mawala kayo sa'kin'

"Alam mo Bry miss na miss na kita. Matagal na rin no'ng iwan mo 'ko. Pero masakit pa rin pala." Nagtaas ako ng tingin para pigilan ang nagbabadyang pagbagsak ng mga luha ko. Pero walang saysay. Nagsimula na itong mag-unahan sa pagbagsak na parang walang katapusan.

"S-sorry Bry. I-I'm so s-sorry. Kung alam ko lang na ganito 'yong mangyayari. Sana hinayaan na lang kita na kantahan mo 'ko no'ng gabing 'yon. Sana pala hindi ko na tinapos 'yong tawag mo. Sana pala hindi ko hinayaan na matapos 'yong tawag mo. Kahit abutin pa tayo ng kinabukasan."

I heaved a sigh saka pinunasan ang mga luha ko. "Ang gara 'no? Walang itinira sa'kin. No'ng una si lolo. T-tapos sunod ikaw, hindi pa na-kuntento kinuha pa pati 'yong kaisa-isang taong tinuring kong kapatid. Pati bestfriend ko. A-ang gara n'yo naman. Sabi n'yo walang iwanan? Pinagplanuhan n'yo yata eh. Ni hindi n'yo manlang ako sinama."

"Bry, naging masama ba ako? o sadyang masama lang ako no'ng past life ko? Syempre hindi mo 'ko masasagot." Sabay tawa ko ng pilit.

I bit my lower lip. "Hanggang ngayon binabangungot pa rin ako ng nakaraan ko. Nang mga ala-ala natin. Pero pinipilit ko pa ring mabuhay ng normal. Kasi lagi mong sinasabi sa'kin noon na maging malakas ako. Kaya pinipilit ko kahit na napaka hirap. Sinanay n'yo 'ko na lagi kayong nasa tabi ko tapos sa isang iglap sunod-sunod kayong nawala sa'kin? Tama ba 'yon?"

"Magiging malakas ako Bry. Pinangako ko 'yan sa'yo. Kaya kahit gustong gusto kong sumunod sa inyo. Hindi ko magawa. Pinipilit kong ipagsiksikan 'yong sarili ko sa mundong ginagalawan ko. Pero pag may nawala pa sa'kin. Hindi ko na alam Bry, baka takasan na ako ng bait."

Akala ko noon kakayanin ko na lahat ng klase ng sakit. Kasi alam ko nandito kayo sa tabi ko palagi. May mas sasakit pa pala.

Genre: Tragedy
THE END.

One Shot CollectionWhere stories live. Discover now