Dwarves

4 1 0
                                    

"Sinabihan na kita na layuan mo siya!" bulyaw sa'kin ni papa.

"Wala naman siyang ginagawang masama sa'tin lalo na sa'kin kaya hindi ko po maintindihan kung bakit pilit n'yo kong pinapalayo sa'kaniya."

"Are you really out of your mind Arah? Hindi mo alam kung anong klaseng landas ang tinatahak mo."

"Ngayon lang ako hindi sumunod sa gusto n'yo, pa. I just want to be happy. I want to feel the real happiness. Is that too much to ask?" Akma akong tatalikuran na siya ng muli itong magsalita.

"Kung ipagpapatuloy mo ang katigasan ng ulo mo. Wala akong magagawa kun'di maging marahas- "

"Duwende siya at tao ka. Nawala na ang mama mo sa'kin. Kaya hindi na ako makakapayag na pati ikaw ay mawala," dagdag pa nito.

I gritted my teeth out of much irritation.

'As always pa. You're being manipulative again'

I took a deep breath. "Fine," I yield.

'Sorry Runt if I need to stay away from you.'
-

Sinunod nga ni Arah ang gusto nang kaniyang ama. Dahil na rin sa pag-alalang baka may gawin itong masama kay Runt.

Pinilit ni Arah na kalimutan ang duwende na hindi niya inaasahang mamahalin niya ngunit bigo ito. Labis naman ang pangungulila at kalungkutan ang nararamdaman ni Runt. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari nagkasakit ang dalaga.
-

"Wala na bang ibang paraan para gumising ang anak ko Doc?" pagsusumamo ko sa doctor na tumingin kay Arah.

Ilang linggo na siyang nandito sa hospital pero ni minsan hindi bumuti ang lagay niya. Mas lalo pa siyang lumalala sa bawat araw na lumilipas.

"I'm sorry Sir. I have to go." Saka ako nilagpasanan.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Hindi ko alam kung kanino ako lalapit para humingi ng tulong, mismong doctor ay wala ng magawa.

'Duwende. 'Yong duwende.'

Agad akong nagmadali at kinuha ang lahat ng kailangan ko maging ang alay para sa'kaniya.

Agad akong pumunta sa gitna ng kagubatan kung saan makikita ang tirahan ng mga duwende. Gumawa ako ng ritwal at inilagay ang mga alay. Ilang saglit pa ay umusok ang punso kung saan nakatira ang duwende at saka ito nagpakita.

"Anong kailangan mo?! At ginulo mo ang pananahimik ko tao?!" galit na sigaw ng duwende.

Lumuhod ako sa harap nito at nagmakaawa. Wala na akong pake kung kainin ko ang mga sinabi ko noon ang mahalaga ay magising ang anak ko.

"Nakikiusap ako sa'yo. Pagalingin mo si Arah. Siya na lang ang natitira sa'kin," pagsusumamo ko.

"Hindi ba't ikaw ang may kagustuhan nito? Ang magkalayo kami? Ano't naparito ka pa para lang gambalain pa ako? Nangyari na ang kagustuhan mo tao."

"P-patawad, n-nagkamali ako. I-ikaw n-na lang ang t-tanging pag-asa k-ko p-para gumaling ang a-anak k-ko."

"Sige. Dalhin mo ko sa'kaniya."

Walang kalagyan ang tuwang nararamdaman ko. Sa wakas magiging ayos na ang anak ko.

Agad akong nagmadali pabalik ng hospital kasama ang duwende.

Nang makabalik na kami. Muli akong nakaramdam ng kirot sa kalagayan ng aking anak. Sa takot ko na mawala siya sa'kin gaya ng kaniyang ina ay hinigpitan ko siya na hindi ko namamalayang unti-unti na rin siyang nawawala sa'kin. Unti-unti na ring lumalayo ang kaniyang loob sa'kin.

"Makinig ka tao, sa oras na pagalingin ko ang iyong anak. Mangako ka sa'kin na hindi mo na kami muling paghihiwalayin," aniya.

"O-oo nangangako ako, basta't pagalingin mo lamang ang anak ko," sagot ko.

Gaya ng kasunduan nila. Pinagaling ng duwende si Arah. Bitbit ang pangako ng ama nito sa'kaniya na hindi na muli silang paglalayuin nito.

Kinabukasan ay gumaling nga si Arah. Walang mapaglagyan ang tuwa na nararamdaman ng kaniyang ama nang muling idilat nito ang kaniyang mga mata. At laking tuwa rin ni Arah na hindi na muli silang hinadlangan ng kaniyang ama.

Genre: Supernatural
THE END.

One Shot CollectionWhere stories live. Discover now