Betrayal

2 2 1
                                    

"Sinubukan ko na lahat at ginawa ko na ang makakaya ko para mabuksan ulit ang kaso ng mga magulang mo. But they won't approve the appeal unless we have an evidence in our hands," Atty. Montes said.

I heaved a sigh and leaned my back against my chair. "Hindi ko sila titigilan hangga't hindi sila pumapayag na mabuksan ulit ang kaso ng mga magulang ko."

I'm doing everything and my best that I can, as long as I can. But the higher up's won't let me re-open the case for thorough investigation.

Hinilot ko ang magkabilang sentido ko bago muling magsalita. "Hindi mo naman susukuan hindi ba?"

'Kasi ako hindi.'

He shook his head. "No. Malaki ang utang na loob ko sa pamilya mo. At 'yon ang trabaho ng isang abogadong katulad ko. Ang magbigay ng hustisya lalo na sa mga nangangailangan nito."

I began to breathe a sigh of relief. "That's nice Atty," I answered with a smile.

"Sasabihan o tatawagan na lang ulit kita kung may balita na."

"Thankyou," I said too quickly.

He smiled at me. "Not at all Ms. Montenegro."

Matapos ng pag-uusap namin dumiretso ako sa parking lot ng coffee shop kung saan kami nagkita ni Atty.

The sky was getting darker. And the winds were getting stronger and whipping. I withdrew my hand from my pocket and pulled out my car keys.

Sumakay ako sa kotse ko saka bumuga ng malalim na buntong hininga. Habang tumatagal na hindi nabubuksan ang kaso ng mga magulang ko parang mas lalong nagiging imposible na mabigyan ko sila ng hustisya. Pinalipas ko muna ang ilang minuto para kalmahin ang sarili ko bago paandarin ang sasakyan ko pauwi sa bahay.

Nang makauwi ako sa bahay. Padarag akong umupo sa sofa at isinandal ang likod ko doon. I closed my eyes and blows a small breath. Hindi ko alam kung ilang buntong hininga na ang binuga ko sa hangin. Nagsisimula ng maglakbay sa kung saan ang isipan ko nang biglang mag-vibrate ang phone ko. Walang buhay na kinuha ko ang phone ko mula sa bulsa ko para tignan kung anong meron.

Nagtaka ako dahil isa 'yong mensahe galing sa hindi kilalang numero. At ang ikinagulat ko ay ang mabasa ko ang mensahe.

'Stay away from him mi princesa'

Napatitig ako sa mensahe. Ilang beses pa akong pumikit at nagbabaka sakaling namamalikmata lang ako. Nagsisimula na ring bumilos sa pagtibok ang puso ko. Isang tao lang ang tumatawag sa'kin ng gano'n.

"D-dad?" wala sa sariling saad ko.

Dali-dali kong tinawagan ang phone number pero walang sumasagot. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman. Nagha-halo-halo na lahat ng emosyon ko. I took another deep breath as tears keep falling from my eyes.

"Dad, I miss you."

Lalo pang nagpagulo sa isipan ko ay ang sinabi niya sa mensahe. 'Stay away from him mi princesa' him? Sino? Kanino? Bakit?

Sa bawat araw na lumilipas paulit-ulit na tanong lang ang tumatakbo sa isipan ko. Kung si Dad ba talaga ang nagpadala ng mensahe na 'yon. Hindi kaya buhay pa siya? Buhay pa sila ni Mom? Pero paano? Kung buhay nga sila pareho. Sinong iniyakan ko noong araw ng libing nila? Kaninong puntod ang iniiyakan ko sa bawat araw na dadalawin ko sila sa sementeryo?

Isa lang ang malalapitan ko. Si Atty. Montes. Kaya agad kong kinuha ang phone ko para tawagan siya.

"Yes? Ms. Montenegro? What can I do for you young lady?" sagot nito sa kabilang linya.

One Shot CollectionWhere stories live. Discover now