Heartache

437 14 6
                                    

"Syndey or Franchet De Grande will you Marry me?" Ngiti niyang sabi

Nagulat naman ako.

Halo halo na ang emosyong nararamdaman ko

Masaya ako pero may alinlangan ako sa isasagot ko

Huminga ako ng malalim bago nag salita

"I-im sorry. B-but N-no" utal kong sabi

Nawala naman yung ngiti niya at napalitan ng malungkot at nagtatakang emosyon.

"W-why? D-diba kakasabi mo lang na mahal mo rin ako? B-bakit a-ayaw mo?" Natataranta niyang sabi pero bakas parin ang lungkot

I'm engaged na kay neil. At ikakasal na kami next week. At oo alam ko dahil neil texted me last night

Tuloy na tuloy na daw

"Yeah. .im sorry. But Love isn't just enough." Malungkot kung sabi

Tumayo naman siya. Halos namumutla na siya at halo halo narin ang emosyon niya.

Galit,inis,saya,lungkot at pagka dismaya

"B-bakit? " basag niyang tanong at nagsisimula ng tumubig ang mata niya

Nakonsensya naman ako.

Nasasaktan ako pag nakikita ko siyang umiiyak. At ito ang kauna unahang pagkakataong umiyak siya saakin.

Gusto kong yakapin siya at bawiin ang sinabi ko. Gusto kong sabihin ang totoo na mahal ko siya at siya ang pakakasalan ko

Pero hindi. .

Hindi pwede. .

Hindi pa ako handa

"Im sorry zeke i will not marry you" seryoso kung sabi at pilit pinipigilan ang luha ko.

"Syndey naman" malungkot niyang sabi at nagsimula ng pumatak ang mga luha niya

Gosh! How i want to wipe his tears.

He doesn't deserves this pain.

He doesn't deserves me.

He doesn't deserves this shit

"Sorry zeke. I-im already engaged to neil. A-and next week na ang kasal namin" sabi ko at kinuha ang ring sa bulsa ng dress ko.

Pinakita ko sa kanya ang ring na nagsisimbolong engaged at ikakasal na ako.

Yumuko nalang siya habang pumapatak ang luha niya

"Ang sakit. Ang sakit sakit nitong ginawa mo syndey. Akala ko ba ako mahal mo? Bakit mo siya papakasalan? Dahil ba pina arranged marriage kayo? Pwes pwede naman natin yun itigil at ako nalang ang papalit kay neil ha! " galit na sabi ni zeke

Hindi ko na nakayanan at nagsimula naring pumatak ang mga luha ko.

Ayaw na ayaw kong nasasaktan ng ganito si zeke. Mas double yung sakit sakin

"Sorry zeke hindi talaga pwede. S-si neil ang pinili ko. Bumalik ka nalang kay yen" sabi ko at pilit pinipigilan ang boses ko na mahalatang malungkot ako

"WHAT THE FUCK.SYNDEY! GANYAN NALANG BA KADALI SAYO TO? YAN BA MASASABI MO PAGKATAPUS NG LAHAT NG GINAWA KO SAYO? PAGKATAPUS KITANG MAHALIN? BAKIT SI NEIL? BAKIT? DAHIL BA MAS MASARAP SIYA? MAS MAGALING SIYA SA KAMA? HA? AN--" sigaw niya pero naputol dahil sinampal ko siya

Nasasaktan ako sa naririnig ko .

Hindi ko akalaing ganyan ka babaw ang tingin sakin ni zeke.

"OO, MAS MAGALING AT MAS MASARAP SIYA! AT SIYA ANG PINILI KO DAHIL DUN. AND ALSO, DAHIL NGA SA SOBRANG GALING NIYA SA KAMA MAY NABUO NA KAMI. BUNTIS AKO AT SIYA ANG AMA!!" galit kong sigaw habang umiiyak

Hate me zeke, hate me.

Bigla nalang niyang itinapon ang singsing at sinuntok ang kahoy na katabi niya.

"Ha-ha-ha ang galing. ..ang galing mong mangloko. Ganun pala? Pwes magsama kayo! Mga MANLOLOKO!  MGA MALALANDI. SANA HINDI NALANG KITA MINAHAL! SANA MAMATAY KA NALANG!" galit niyang sigaw at umalis na. Iniwan na niya ako

Umiiyak akong napa upo.

Nanlalambot ang mga tuhod ko.

Im so sorry zeke. Im so sorry.

Para rin sayo tong ginagawa ko.

Hate me now zeke, para mas madali nalang sakin ang lahat ng to.

Para mas madali mawala ang sugat sa puso ko

Para wala ng Heartache.

Nang Dahil sa Napkin  [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon