Endless Love

483 18 0
                                    

Hahahah mag a-update ulit ako kasi sa lunes magiging busy na naman ang life etech hahah

Dahil sawa na ako at matagal ng na uumay sa kadramahan nilang dalawa ay ito na. Ang pinakahihintay.

#NDNEndlessLove

*************************************

Isang linggo na simula noong pumunta ako sa bahay nila zeke at nakipag kwentuhan.

Hindi na ulit kami nagkausap ni zeke, though minsan pinapunta ulit ako ni mama sa kanila para paglutuan sila pero timing namang wala si zeke at umalis.

Nandito ako ngayon sa Park. At kung bakit?

"Tita Syndey i want ice cream, like that oh" sabi ng kasama ko.

Sino pa nga ba? Edi si niall. Anak nila neil at francesca.

Binisita ko kasi sila kahapon at yun nga namiss namin ang isa't isa. Lalo na si niall kaya ito kami ngayon, nag bo-bonding kaming dalawa. Actually kasama namin ngayon si zyril, nag CR lang muna siya pero babalik din daw.

Pumunta kami kay manong na nagtitinda ng dirty ice cream. Naging paborito ko din to noon.

"Manong dalawa nga po" sabi ko kay manong at agad naman sinunod ni manong

Binayaran ko na si manong at ibinigay na niya samin yung ice cream namin na nasa cone.

"Oh niall, bakit hindi mo kinakain yung sayo?" Taka kong tanong. Hindi kasi kinakain ni niall yung ice cream niya, eh yung akin nga malapit ng maubos.

"Teka lang po ha?" Sabi ni niall at bumitaw sa pagkakahawak ko sa kanya at tumakbo.

Juicemaryosep! Naku batang to! Pag siya napahamak lagot talaga ako kina neil nito.

Kaagad ko din sinundan si niall.

Asan na kaya yung batang yun?

Ilang sandali ay nakita ko rin si niall. May kausap siyang batang babae. Ka age niya ata though maliit yung batang babae. Hindi ko kasi kita ang mukha ng batang babae dahil nakatalikod ito sakin.

"Shayo na yan, wag ka na ulit iiyak ha?" Ngiting sabi ni niall sa bata.

Napangiti naman ako.

Mabait na bata talaga to si niall, manang mana sakin bwhahahah

"Thenkyooow ^_____^ sige mag wish ka tutuparin ko" sabi ng batang babae

Pamilyar yung boses ng batang babae ah. San ko nga ba narinig yun?

"Really? You can grant my wish?" Sagot ni niall

Mga bata talaga oh. Ang hilig sa mga wish na yan.

"Wag mo na akong englisan, wala tayo sa amerika dre. Pilipinas tayo brad. Oh sha! Ano ba yun?" Sabi ng batang babae

Mahinang napatawa naman ako. Ang kulit at astig lang kasing magsalita ng bata hahahha

"Aheheh sorry, anyway, i wish . ..na shana. .. Magkabalikan na shi tita syndey . .at tito zeke. Kashi i don't want tito zeke and tita syndey na nakikitang sad eh. " sagot ni niall

Natigilan naman ako.

Sus tong batang to! Kahit ano nalang talaga sinasabi.

Pero bigla nalang ako nalungkot at the same time ay masaya. Alam mo yun?

Nang Dahil sa Napkin  [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon