10 minutes,
Sampung minuto nalang at iiwan na kita zeke,
Hindi na tayo magkikita pà
Tinititigan ko ang mukha ni zeke ngayon. Naka luhod ako habang siya ay nakahimlay sa kama niya walang malay, pikit ang mata at may nakakabit na oxygen cord galing sa oxygen tank.
Sabi ni maam flor nagtangkang magpakamatay daw si zeke.
Nilason niya ang sarili niya at sinugatan ang dibdib niya. Halos duguan at walang malay si zeke ng maabotan sa kwarto.
Biglang nabasa ang pisngi ni zeke dahil sa mga luha ko.
Agad ko namang pinunasan ito .
"Zeke? Zeke gumising ka na naman oh! Wag muna man kaming takutin. Maraming nagmamahal at naghihintay sayo. Please? Please gumising kana" iyak kong sabi
"Zeke, naalala mo dati nong una nating pagkikita? Yung pinagtawanan kita dahil sa suot mong Dora at bumili ka ng napkin? Please gumising ka na promise hindi na kita pagtatawanan. Promise hindi na kita pipiliting bilhan ako ng napkin pag natagusan ako. Just please?. . *huk* . .please gumising kana" basag kong sabi at pahina ng pahina ang boses ko.
"Zeke sorry, sorry kung nadamay ka sa magulo kung buhay. Sorry *huk* . .. Gumising ka lang kahit masakit pipilitin kung hindi na magpakita sayo, hindi na ako mag e-exist sa buhay mo. Just please? " mas naiyak pako ng tuluyan.
Nagagalit ako sa sarili ko.
Nagagalit ako dahil dinamay ko pa si zeke sa gulong ito.
Hindi dapat siya nagkakaganito kung hindi dahil sakin.
I hurt him emotionally ,mentally and physically.
"Zeke, gumising ka na ha? Please?
Aalis na ako. Im really sorry ha? " tumayo na ako"Zeke, always remember this, mahal na mahal kita. Kahit hindi tayo destiny magsama but i believed we're fated to love each other." Sabi ko at hinalikan siya sa noo
Tuluyan na akong lumabas ng kwarto ni zeke
Nahuli ko naman ang 2 katulong nila zeke sa harap ng pinto, umiiyak.
Gusto kong pagtawanan sila dahil para silang engot at umiiyak talaga , parang sila yung nasa sitwasyon ko.
Pero wala eh, wala na akong emosyon pa kundi lungkot.
"Thank you po maam flor" malungkot kung sabi at pilit pinipigilan ang sarili kong umiyak.
Akala ko sasampalin na naman niya ako pero hindi,
Niyakap niya ako habang umiiyak din siya
"Im sorry, im sorry sa nagawa ko. Masyado lang akong nadala sa emosyon ko. Nag alala lang talaga ako sa anak ko, lalo na kahapon ng mag 50:50 siya. Sorry, sorry sa mga nasabi ko at sa sampal" iyak niyang sabi
Bigla naman akong napangiti.
Atleast papaano, gumaan ang pakiramdam ko sa yakap niya.
"Wala po yun .i deserve this" malungkot kung sabi at kumalas sa yakap namin
"Sorry, wala na kasi akong maisip na iba pang sulosyon kundi ang layuan mo ang anak ko" malungkot niyang sabi at tuluyan ng tumalikod
Pinilit kong hindi na lumuha pero sadyang makulit din ang mga luha ko at patuloy sa pag agos.
Kahit umiiyak ay pinilit kong ngitian ang mga katulong na sa ngayon ay umiiyak na.
"Tara na po" sabi ko sa driver ng taxi
At sumakay na.
Maybe we're not destined to be together zeke.
Mas lalo kalang masasaktan sakin.
Goodbye zeke monroyo,
I will love you until whenever.
BINABASA MO ANG
Nang Dahil sa Napkin [Completed]
Любовные романыNang dahil sa napkin, naging kami . Isang lalaking kayang gawin ang lahat,kahit bilhan ka niya ng napkin sa harap ng maraming tao. Our FOREVER consist of NOWS. -NANG DAHIL SA NAPKIN - [completed] by xxAngelinDisguisedxx ♥