Still Into You

423 12 0
                                    

No comment ako sa chapter na ito, basta malungkot ako :'(

Aniyo zeke,andwae. . .

#NDNStillIntoYou

**************************************
[Syndey POV]

"NO!!! NO!!! NO ZEKE! DON'T LEAVE ME. . NOOOO---"

"franchet? Anak? Gising anak! " biglang may pumakaw saakin

Idinilat ko ang mata ko. Basa ang pisngi ko. Umiiyak ako habang nanaginip?

So panaginip lang yun kagabi?

Hindi totoo yun?

"Anak ok ka lang? Nananaginip ka na naman ba?" Alalang tanong ni mom at niyakap ako

Hindi ko na napigilang at umiyak na ako

"Mom *huk* si zeke. . *huk*. . na aksidente daw siya. . *huk* huhuhu mom. . i still. . .love. . him" hikbi kong sabi habang patuloy lang sa pag agos ang luha ko.

"Ssssh tahan na. Baka panaginip lang yun. . shhhh! Alam ko, alam kong mahal mo parin siya" sabi ni mom

Bigla naman akong napatingin kay mom at kumalas sa yakap namin

"Alam *huk* niyo po?" Hikbi kong tanong

Ningitian ako ni mom

"Matagal na, kahit hindi mo sabihin ay nababasa ko sayong mata na siya parin ang mahal mo. Tsaka sa kilos mo. Kahit pinapatapon mo yung bulaklak na bigay niya at itinatago muna man ang letter. Kahit hindi mo sabihin ang totoo alam kong galing yun kay zeke. Alam kong mahal mo siya dahil suot mo parin araw-araw ang necklace na yan. Ang simbolo ng pag iibigan niyo diba?" Ngiting sagot ni mom

Mas napaiyak naman ako.

Siguro nga tama si mom. Na mahal ko parin si zeke. Na ni minsan hindi siya napalitan ng kung sino.

Siguro na bulag lang ako dahil sa sakit at lungkot. Akala ko ay hindi ko na siya mahal, pero hindi pala. Mahal na mahal ko parin siya hanggang ngayon

"Mom. . . nasaktan ko na naman siya kahapon. . " iyak kong sabi kay mom

"Ssshh ok lang yun. Minsan kasi nakakagawa tayo ng bagay na akala natin ay tama. Pero siguro naman ngayon alam mo ang tamang gawin upang maitama yung pagkakamali mo?" Tanong ni mom

Ano nga ba? Babalik ako kay zeke? Impossible na ganun lang. Malamang galit siya saakin. Hindi basta basta madadala sa sorry yun.

"Yeah, i knew it already. Thanks mom for being always at my side" ngiti kong sabi at niyakap ulit si mom

Kumalas si mom at may inilahad na sulat.

"Nakita ko yan sa kwarto ng dad mo bago siya namatay. Maybe it's right time na para malaman mo ang totoo. " ngiting sabi ni mom at iniwan na ako

Nanginginig na binuksan ko ang sulat ni dad para sakin.

Dear My little princess,

Sorry, yan ang una kong gustong sabihin sayo. Sorry for destroying your life. For making it miserable. Akala ko kasi yun yung tama. Akala ko kasi yun yung makaka buti. Look, mayaman ka naman pero gusto mo parin maghirap. Noon hindi ko yan naintindihan kung bakit pinahihirapan mo ang sarili mo,but later on i realized i should be thankful because i had a daughter like you. A down to earth,beautiful, simple, humble ang lovable princess. I'm sorry kung sinira ko ang pagmamahalan niyo ni zeke. I knew i was so immatured para dinamay pa kayo sa galit ko sa dad ni zeke. I was just eaten by jealousy and that's the biggest mistake i ever done. Nawalan ako ng control sa sarili ko. My little princess alam kong nalulungkot ka dahil sa paghihiwalay namin ng mom mo but i just want you to know na kahit hiwalay na kami sa papel pero hindi yung puso namin. Mahal ko ang mom mo, siya lang ang minahal ko. Natakot lang talaga ako baka agawin siya ng iba. Tinanong mo ako noon kung naniniwala ako sa forever? Pwes oo, dahil yun yung nararamdaman ko. May hangganan man ang buhay natin pero yung pagmamahal ay forever. Hindi ito nawawala, nakakalimutan lang minsan dahil sa pagsubok sa buhay natin.

Nang Dahil sa Napkin  [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon