KABANATA 7: Kababata

12.5K 289 78
                                    

Hindi mapagsidlan ang galak sa aking puso nang malaman kong ang binibining nasa ibaba ay ang aking sinta. Sa bawat hakbang na aking ginawa ay para akong tumatapak sa mga ulap. Mahigpit akong humawak sa barandilya ng hagdan nang aking masilayan ang marikit na binibini.





Ang kanyang buong atensiyon ay nakatuon sa aking larawan na nakapaskil sa dingding. Katabi iyon ng ilang parangal na aking natanggap sa tatlong taong serbisyo sa militar. Bukod sa aking pamilya ay handog ko sa kanya ang aking tagumpay.





"Sampung taon na rin pala ang nakalipas... Ginoong Ryannel," at dahan-dahan siyang lumingon sa aking pinanggalingan.





Ang bilis ng tibok ng aking puso ay mas lalong bumilis nang magtama ang aming mga mata. Tunay ngang napakaganda ng binibini kahit noong ito'y musmos pa lamang. Sa loob ng sampung taon ay naging mas kahali-halina ang kanyang mukha. Magmula sa maalon at mahaba nitong buhok na may ilang palamuti, mapupungay niyang mga mata, katamtamang tangos ng ilong at kulay rosas na labi, ay walang dudang nahulog ako sa kanya simula pa noon.





Nakangiti akong lumapit sa kanya. "Ilang taon rin ang nagdaan, Binibining Juana. Ako'y labis na nagagalak sa iyong pagbabalik mula sa Amerika."





"Labis rin akong nasasabik sa iyo, Ginoong Ryannel," at biglaan niya akong niyakap nang mahigpit.






Naestatwa ako sa kanyang ginawa kung kaya't hindi kaagad ako nakatugon. Hinaplos ko ang kanyang likod bago siya yakapin pabalik. Sigurado akong naririnig ng binibini ang mala-tambol kong puso nang humilig siya sa aking dibdib. Hindi niya naman kailangang mabahala sapagkat siya lamang ang tinitibok nito mula pa noong pagkabata.





"Anak, Binibini," tawag ni ina matapos siyang tumikhim. "Naghanda ako ng mainit na kape para sa inyo."





Kaagad ring lumakad palayo si ina matapos niyang ilapag ang bandeha na mayroong kape upang bigyan kami ng espasyo. Hawak ko ang kamay ng binibini upang alalayan ito patungo sa hapag-kainan. Nang makaupo na siya nang kumportable ay umupo naman ako sa kanyang tapat.





"Hindi pa rin ako makapaniwala na nasa harap na kita ngayon, binibini. Ako ba'y nananaginip lamang dahil kung iyon ang totoo'y huwag na sana akong magising."






Mahinang humagikgik si Binibining Juana. "Hindi ito isang panaginip, Ginoong Ryannel. Ang iyong nasa harapan ay ang totoong Binibining Juana. Ako man rin ay hindi lubos makapaniwalang nasa harapan ko ngayon ang napakakisig na ginoo ng buong San Fernando."






Kinagat ko ang ibaba kong labi upang pigilan ang pagngiti. "Napakatamis mo pa ring magsalita, binibini. Sigurado akong kahit sinong ginoo ang makarinig niyan ay lubos kang maiibigan."






Hinawakan niya ang aking kamay at pinisil iyon. "Ang aking mabulaklak na mga salita ay nakalaan lamang sa iyo, Ginoong Ryannel."






"M-maari ko bang malaman kung ano ang dahilan ng hindi mo pagsagot sa aking mga liham, binibini?" Hindi ko sadyang sambitin ang laman ng aking utak.





Pinagsaklob niya ang kanyang kamay. "Naging abala ako sa pag-aaral sa Amerika kung kaya't hindi ako nakapagpadala ng liham bilang tugon sa iyo, Ginoo. Gayumpaman, ang iyong mga liham pag-ibig ay aking tinatago at paulit-ulit binabasa sa tuwing nalulumbay ako sa iyo."





Nang tumulo ang luha ng binibini ay mabilis akong lumapit upang punasan iyon. Narapat lamang na hindi na ako nagtanong kung pagtangis ang aking masasaksihan mula sa kanya. Nang kumalma ang binibini ay doon lamang nagsimula ang aming kamustahan.






Alapaap | R-18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon