KABANATA 11: Lagnat 🔞

18.1K 325 90
                                    

Paalala: Ang kabanatang ito ay naglalaman ng maseselang eksena na hindi angkop sa mga menor de edad o hindi bukas ang pag-iisip.



Ang aking labi ay kumurba ng ngiti nang uminit ang aking pakiramdam. Niyakap ko nang mahigpit ang unan at ibinaon ang aking mukha doon. Nakarinig ako nang malalim na boses na wari mo'y humahagikgik. Para iyong musika sa aking tainga na hindi ako magsasawang pakinggan.




"Ryannel," rinig kong bigkas ng isang lalaki na may baritong tinig.





Mas diniinan ko ang pagyakap sa unan at inamoy iyon bago ngumiting muli, "Hmmm?"




"Gumising ka na," naramdaman ko ang paghaplos sa aking tainga. "Narito na tayo."




"Masamang gisingin ang mahimbing na natutulog," pag-alma ko bago tumawa nang makaramdam ako ng kiliti sa aking leeg.





Mayroong kamay na humaplos sa aking mukha, "Kailangan na nating bumaba, Ryannel. Mahigit tatlumpong minuto na ang nakalipas nang iwan tayo ng aking kutsero."





"Mahigit tatlumpung minuto ka na ring nakayakap at nakapatong sa akin," dagdag pa niya.




"Ginoo, hayaan mo muna akong magpahinga. Mamaya mo na lamang ako gambalain, pakiusap," nagsusumamo kong usal.




"Kung iyon ang gusto mo," pagsuko niya bago ko maramdamang binubuhat ang aking katawan.





Sa takot na ako'y mahulog ay mas hinigpitan ko ang pagkapit sa may katigasang unan. Maging ang aking mga hita ay lumingkis doon nang mahigpit, dahilan upang dumaing ang ginoong pilit akong ginigising hindi pa katagalan. Nang makarinig ako ng hindi magandang salita ay hinampas ko ang unan at humilig muli doon.




Ang pakiramdam na dinadala ako kung saan nang hindi ko kinakailangan maglakad ay ngayon ko lamang muli naranasan. Kung ito'y tunay ngang panaginip ay nais ko itong masulit. Natatandaan ko noong ako ay musmos pa lamang. Natutuwa rin ako sa tuwing bubuhatin ako ni ama. Naglalakbay pa kami noon sa kakahuyan at mangingisda kapag darating ang takip silim.




"Ryannel," pagtawag sa akin ng ginoo bago dumampi sa aking noo ang tingin ko'y kanyang labi.




Kinusot ko ang aking mga mata at halos mahulog sa higaan nang makitang yakap ako ni Heneral Vicencio. Lantad ang matipuno niyang dibdib at naglalakihan niyang braso sapagkat hindi niya suot ang itaas niyang kasuotan. Buong lakas ko siyang itinulak palayo sa akin ngunit mas hinigpitan niya ang pagkakayakap sa aking katawan.





"Bitawan mo ako, heneral!" inikot ko ang aking paningin sa paligid at napagtantong hindi ito ang kanyang silid.





"Nasaan ako?! Saan mo ako dinala, hener–"





Hindi ko natapos ang aking sasabihin nang siniil niya nang mapusok na halik ang aking labi. Ikinulong niya ang aking katawan gamit ang kanyang malalaking braso at nang manlaban ako ay kinipkip niya ang aking mga kamay sa ulunan nang malambot na higaan.




Naputol ang halik nang kagatin ko ang kanyang labi, dahilan upang dumugo iyon. Tiim ang kanyang bagang nang pumaibabaw siya sa akin. Para akong nahihipnotismo sa kanyang tingin kaya't sa mapula niyang labi na lamang ako nagmasid.





"Inaapoy ka ng lagnat, Ryannel. Iyon ang dahilan kung bakit ko hinayaang yumakap ka sa akin," pagdadahilan niya.





Sarado ang bintana at ang pinto sa loob ng silid nang pasadahan ko iyon ng tingin, ngunit labis pa rin akong nilalamig. Balisa man ang aking katawan ay nagawa kong itulak ang heneral at tumakbo patungo sa pinto upang buksan iyon. Umawang ang aking bibig sa aking nasilayan.




Alapaap | R-18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon