KABANATA 1
"Sabi ko naman sa'yo 'La, wag ka nang kumilos-kilos, e. Ang kulit niyo naman po kasi! Ayan tuloy, kita mo ang nangyari sa inyo?" Nakasimangot akong nagdadabog sa harapan ng nakahigang si lola sa hospital bed.
Tinarayan ako ni lola.
"Kung hindi ako kikilos, mas lalo akong magkakasakit. At isa pa, mabuburyo lamang ako kung wala akong gagawin."
"Ewan ko sa'yo 'la."
"Hay, nako. Tumigil na kayong mag-lola. Nana, umuwi ka na muna sa inyo at mag-impake ng mga gamit niyo ng lola mo. At ikaw naman ma..." Hindi ko na narinig ang sinabi ni Tiya Joan dahil naglakad na ako palabas ng hospital upang makauwi at makapag-impake ng gamit namin ng lola.
Malungkot akong sumakay sa tricycle pabalik sa aming bayan. Malungkot ako dahil sa kalagayan ng lola, sabi ng doctor hindi raw kayang magamot ang lola ko dito sa probinsya namin dahil kulang-kulang ang mga gamit at facilities. Kaya tuloy ka-kailanganin naming lisanin ni lola ang probinsyang ito at sumama kila tiya sa manila at doon makituloy sa kanila. Pati ang pag-aaral ko, doon na rin.
Hay, ayaw ko pa umalis sa lugar na kinalakihan ko. Parang hindi ko kayang maiwan 'to. Paano na ang mga kaibigan ko? Ang halaman namin ni lola? At ang mga baboy na inaalagaan namin ni lola? Hindi ko sila matitikman kapag ni-lechon na sila! Ako ang nag-alaga tapos hindi ako makakatikim? Nagdadabog tuloy akong pumasok sa bahay namin pagbaba mula sa tricycle.
"Ba't ganiyan mukha mo pangit?"
"Ay may pandak!" Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat nang biglang sumulpot sa aking harapan si Mikael o Ismol kung tawagin namin-o ako na lang ata ang nagtatawag sa kaniya noon ngayon dahil bigla na lamang siyang tumangkad pagtungtong namin ng grade 8.
"Wow ah, wow! Hindi na ako pandak ngayon pangit, kaya tigil-tigilan mo na ang kakapandak sa akin. Hindi na ako natutuwa." Masama na ang tingin sa akin ni Ismol ngunit tinawanan, hinampas sa balikat, at nilagpasan ko lamang siya at nagdiretso na papasok sa aming bahay. Nakasunod naman siya sa akin.
Umakyat ako at naghanap ng bayong at bag sa tulugan namin ni lola. Yung bag ko sa school last school year na lang ang kinuha ko dahil wala naman kaming bag ni lola. Inayos at isinilid ko na sa bag ang mga damit ko. Kaunti lang din naman ang mga damit ko kaya ayos na itong isang bag.
"Magtatanan ba tayo!?" Nanlalaki ang mga matang tanong ni Mikael habang pinagmamasdan ako.
Nakalimutan kong nandito pa pala tong ismol but teribol na ito.
Binato ko siya ng hanger.
"Dito na lang ako sa bahay na 'to hanggang sa mamatay ako kung sa 'yo lang din naman pala ako makikipagtanan." Nagpatuloy lang ako sa pag-iimpake ng gamit habang nakabuntot sa akin si Mikael.
"Luluwas ka talaga?"
"Oo nga, kailangan naming ipagamot si lola sa manila."
"Paano kami?"
"Bahala kayo sa buhay niyo."
"Hoy, bruha!"
Napalingon kami sa pinto at nakita roon ang buong tropa. Nangunguna si Salie na galit ang mukha. Dali-dali itong naglakad palapit sa akin at hinatak ang buhok ko.
Taragis! Ang sakit sa anit!
"Ano 'tong narinig ko kay mama na luluwas ka raw sa manila!?"
"Aray--aray naman Salie bitawan mo!" Sadistang babae 'to!
Pinigilan siya ng iba pa naming kaibigan. Kumalma naman siya.
"Iiwan mo na kami?" Nakasimangot na siya ngayon, paiyak na.
BINABASA MO ANG
Teardrops On My Lollipop
RomanceCandy Series #1 (First Draft) Anastazi Margaret Massarini, the very forgetful yet cheerful and energetic girl among all her friends was forced to continue her education in the city for the sake of her grandmother's health. Now away from all her frie...