KABANATA 2
"AYAW KO"
Sinasabi ko na nga ba. Hindi ako ili-libre ng pinsan kong 'to na walang kapalit.
"Sige na, Ate. Saglit lang naman 'yon."
"Ayaw ko nga. Gusto mo bang mapagalitan ako ng tatay mo?"
"Hindi niya naman malalaman, e!"
Ayaw patalo.
"Akala ko ba break na kayo niyan?"
Tukoy ko sa boyfriend niyang kikitain niya pala ngayon. Kaya hindi pinasama si Kuya Joseph kasi may kikitain. Ginawa pa akong excuse ng dalagingding na 'to.
"LQ lang pero hindi break."
"May pa-LQ pang nalalaman, magbe-break din kayo!"
"Alam ko."
"Bakit mo shinota kung alam mong magbe-break din pala kayo?" Siningkitan ko siya ng mata. Ngumiwi naman ang pinsan ko.
"Boyfriend 'te, boyfriend. Hindi shota."
"Magkaiba ba 'yon?" Pero nagpapadyak-padyak lang siya.
"Ate kasi, samahan mo na ako. Kung ang pagiging third wheel ang kinakatakot mo, puwede namang sa ibang table ka." Hinatak-hatak pa ang braso ko.
Umiling ako at tinanggal ang kamay niya.
"Ayaw ko nga. Naalala ko sabi ni tiya kahapon bawal ka pa raw mag-boyfriend. Ako pa ginawa mong excuse, bruha ka."
Sumimangot siya at mukhang napipikon na ngunit maya-maya ay ngumisi ito. Parang baliw.
"E 'di 'wag! Ba-bye!" Nagtatakbo siya palapit sa escalator. Nanlaki naman ang mga mata ko nang marealize na iiwan niya ako.
"Hoy!" Kahit maraming dala-dala ay pinilit kong magtatakbo para maabutan siya.
"Ano? Ayaw mo sumama sa akin? Bahala ka riyan." Mas lumapit pa siya sa escalator kaya nataranta ako.
Ayaw ko sumakay sa escalator na 'yan nang mag-isa lang! At isa pa, masyadong malawak 'tong mall para maghanap ng ibang daan pababa. Ayaw ko rin magtanong sa iba kasi mahiyain ako--chos.
"Sige, sama na ako sa 'yo. Bruha ka kahit kailan."
Ngingirit-ngirit niya na naman akong hinawakan sa braso at sinabayang makasakay sa escalator. Nakahawak naman ako sa kaniya hanggang makababa.
Nakabuntot lang ako sa kaniya hanggang sa pumasok kami sa isang coffee shop. Umupo siya sa isang table doon habang ako naman ay umupo sa katapat ng katapat niya lang na table. Hindi naman sa ayaw kong maging third-wheel, gusto ko lang bigyan ng privacy ang pinsan ko pati ang boyfriend niya.
In-order-an niya na ako ng sweets and drinks at nakipag-daldalan sa akin ng kaunti bago kinikilig na bumalik sa table niya dahil parating na raw ang boyfriend niya.
Kumakain ako ng mga in-order niya sa akin nang makita ko ang lalaking umupo sa harap ng pinsan ko. Iyon na ata ang boyfriend niya. Ka-edaran niya lang ito, at in fairness ha, gwapo. Kaso ang angas ng datingan.
Tiningnan ko ang pinsan ko at pangiti-ngiti ito sa lalaki. Mukhang ayos lang naman siya kaya tinuloy ko na ang kinakain ko.
Ilang sandali nang tumingin ulit ako sa pinsan ay may isa pang lalaking nakatayo sa gilid nila. Sino naman 'to?
Napatayo ako nang biglang sinuntok ng jowa ni Kree ang lalaking nakatayo sa table nila.
Dali-dali akong lumapit sa pinsan ko at hinatak siya palayo sa ngayo'y inaawat na nag-susuntukan. Ang kaso ayaw talaga paawat ng dalawa at sige pa rin nang sige sa palitan ng suntok at gulong-gulong sa sahig. Kamuntik pa akong matamaan ng isang lamesa na dumulas kaya umatras ako at hinatak din paatras ang pinsan. May nabunggo ako pero ang atensyon ko ay nasa nag-susuntukan pa rin. Naramdaman ko ang tapik ng kung sino kaya lilingon na sana ako nang maramdaman na alisin ng pinsan ko ang pagkakahawak ko sa kaniya at tumakbo sa dalawa. Nataranta ako at hinabol si Kree.
BINABASA MO ANG
Teardrops On My Lollipop
RomanceCandy Series #1 (First Draft) Anastazi Margaret Massarini, the very forgetful yet cheerful and energetic girl among all her friends was forced to continue her education in the city for the sake of her grandmother's health. Now away from all her frie...