Kabanata 3

24 3 0
                                    

KABANATA 3

Katabi ko si La Forte habang nasa likod namin si Giordano nang magsimula kaming maglakad papunta sa respective classrooms namin. Kaiba nga ang school nila kasi sa mismong araw pa ng klase malalaman 'yong section. Puwede namang p-in-ost na lang nila sa fb page nila kaso pa-suspense ang kanilang nais. 

"Akalain mo 'yon 'no? Magkaka-klase tayong tatlo? Ano 'to, destiny?" Tawa ni La Forte na tumingin sa akin tapos sa lalaking nasa likod niya. Nasa pinaka-hulihan kaming tatlo na sinadya ata nitong maingay naming kasama para makapagdaldal siya. 

Palingon-lingon lang ako sa paligid at manghang-mangha pa rin sa ganda ng paaralan.

"Bago ka 'di ba, Anastacia?" Lumingon ako kay La Forte nang magtanong ito. 

"Anastazi," pagtatama ko.

"Magkaiba ba 'yon?" Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Sasagot pa lang ulit sana ako nang tumawa ito. "Joke lang." Ah, joke pala 'yon? Okay. "Pwede bang Tazi na lang itawag ko sa 'yo?" 

"Ayos lang," nag-thumbs up ako sa kaniya. "Ikaw? Anong pangalan mo?" Hindi ko kasi masyadong naintindihan 'yong pangalan kanina at apelyido lang niya ang nakuha ko.

"Max," inilahad niya ang kamay. Natatawang aabutin ko pa lang sana ito nang mahawi ang pareho naming kamay nang dumaan sa gitna si Giordano. Tinaasan ko ito ng kilay pero dire-diretso lang ang lakad  niya. Narinig ko muli ang tawa ni Max.

"That's Raiko," nakasunod pa rin ang tingin ni Max kay Raiko nang balingan ko siya. "Masungit talaga 'yan, pero mabait naman." Ngumiti siya sa akin bago ako muli inakbayan. "Let's go."

Sa wakas ay nakarating na rin kami sa classroom ng Grade 9 section A. Nasa second floor kami kaya nadaanan pa namin ang ibang grade levels. 

Bongga rin ang classroom nila. Ang windows ay malalaki, ang board nila ay whiteboard at hindi chalkboard. Isa-isa rin ang table at upuan.

Nakasunod lang ako kay Max habang ginagala ang paningin sa buong classroom at mga kaklase. May mga nagpapalitan ng upuan, nag-save ng upuan para sa kaibigan nila, nakikipagdaldalan, tahimik sa tabi, at nakayuko sa desk niya. 

"Dito ka Tazi," Sumunod ako sa itinurong upuan ni Max, sa tapat ng bintana at nasa pinaka likuran kami. Katabi ko siya habang katabi niya naman si Raiko at ang katabi naman ni Raiko ay hindi ko na kilala. Ang adviser namin ay nasa harapan na at may hawak na folder. Maikli ang buhok ni ma'am, may suot na salamin, maliit, naka-uniform ng pang-teacher at maganda ang ngiti. 

"Alright grade 9, settle down please," tumahimik naman ang lahat nang tumikhim siya bago magsalita. "We'll check the attendance first," binuklat niya ang folder na hawak at nagsimulang magtawag.

"Acuzar, Jake..." 

"Present, Miss!" 

Sunod-sunod na ang pagtawag ni Miss at ang present ng mga kaklase ko. 

"Giordano, Mattias Raiko..." Nakayukyok sa desk niya na nag-taas ng kamay si Raiko. Pa-cool din ang isang 'to, eh 'no?

"La Forte-"

"Present, Miss!" Napailing ako kay Max na hindi pa natatapos ang pangalan niya pero inunahan niya na agad ang teacher namin. Tumawa ang mga kaklase ko pati si Miss. Kung ang isa ay pa-cool, ito namang isa ay papansin.

"Massarini, Anastazi Margaret..." 

Nag-taas ako ng kamay, "Present, Miss."

 Maya-maya ay natapos na rin si Miss sa pagtatawag. 

"Okay, welcome to grade 9, section A," pumalakpak sila. "My name is Pauline Samaniego, you can call me Miss Pau and I will be your adviser for the whole school year. I am expecting that..." nagpatuloy si Miss Pau sa pagsasalita tungkol sa expectation niya sa amin at na-enjoy-in lang daw namin ang aming grade 9 year. 

Teardrops On My LollipopTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon