KABANATA 4
Tapos na kami kumain at nagke-kwentuhan na lang nang marinig ang school bell na ang ibig sabihin ay 10 minutes bago matapos ang lunch.
Niligpit namin ang pinagkainan at inilagay sa area kung saan inilalagay ang mga gamit na utensils. May kumukuha noon at hinuhugasan. Ang sabi ni Kree ay may nagpupunas na raw ng mga table, trabaho raw iyon ng mga cafeteria staff. 'Di ba, iba talaga 'tong school nila, e. Bongga. Pagbalik namin sa table para kuhanin ang mga gamit ay may umakbay sa akin.
"Let's go?" Tanong niya, malapad ang ngiti. Tinanggal ko ang pagkaka-akbay niya sa akin na kinatawa nito.
Nakatingin din sa amin sina Kree.
"Guys, una na kami ni Tazi ha? Iba way ng classroom niyo, 'di ba?" Tanong ni Max nang mapansin ang mga kasama ko sa table. Nanlaki naman ang mga mata nila at nakita ko pa ang pamumula ng mukha ni Emma. Ganoon ba kasikat 'tong si Max at gulat na gulat sila na kinausap sila nito?
"Sige lang po, Kuya Max," sagot ni Kree na hindi katulad ng mga kaibigan niya ay parang wala lang sa kaniya ang presensya ni Max.
"Sige, Kreeza and friends!" Kinawayan pa ni Max ang apat bago ako inaya na sumabay na sa kaniya. Kilala niya pala si Kreeza. Nagpaalam na rin ako kina Kreeza at sumunod kay Max at Raiko. Ngayon ko lang napansin si Raiko. Nauuna ulit sa amin maglakad si Raiko dahil sinadyang bagalan ng isa ang kaniyang lakad. Nang magkatapat na kami ay ngingisi-ngisi ito sa akin.
"Ano 'yon, ha?" tunog nang-aasar ito.
"Anong ano 'yon?"
"Magkakilala pala kayo ni Raiko," iyong kanina ata ang tinutukoy niya.
"Hindi ko siya kilala," tanggi ko. Totoo naman. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maintindihan ang sinasabi kanina ni Raiko. Tumingin ako sa likod nito at pina-singkitan ang mata. Matagal na ba tayong magkakilala Raiko?
"Sus. Siguro isa ka sa ex niya!?" Sigaw ni Max na sanhi ng paglingon sa amin ng mga estudyanteng kasabay maglakad. Pati si Raiko ay napalingon din. Sinamaan ko ng tingin si Max bago iniwan siya at humabol kay Raiko upang hindi ako maligaw. Kahihiyan kasama ang isang iyon.
Nasa unahan ko si Raiko at sinusundan siya. Ang tangkad niya tapos amoy ko ang pabango niya rito.
What if isa nga siya sa mga ex ko?
Imposible talaga, wala akong ex. Umiling ako. Kung ano-ano na ang naiisip ko.
"Where are you going?"
"Ha?" Bumaling ako kay Raiko nang mag-tanong ito. Nasa tapat siya ng pintuan at palagay ko'y papasok doon. Napa-hampas ako sa noo nang mapansin kong lumagpas ako sa classroom namin. Iling-iling na pumasok si Raiko sa loob. Sumunod ako at si Max na nakahabol.
Naka-upo at naghihintay na lang kami sa next subject nang kuwitin ako ni Max. Ang ibang kaklase ay wala pa, ngunit karamihan ay nandito na. Ilang minuto na lang kasi ay magsisimula na ang susunod na klase.
Nilingon ko si Max at tinaasan siya ng kilay, nagtatanong kung ano na naman ang sasabihin sa akin. Medyo inusog niya ang kaniyang upuan papalapit sa akin bago gumilid upang makabulong.
"Ex ka nga niya?" Halos iikot ko na ang mga mata ko nang iyon na naman ang kaniyang tanong. Lumapit din ako sa kaniya at bumulong.
"Bakit hindi siya ang tanungin mo?" Umiling-iling si Max.
"Hindi niya sasagutin. Kanina ko pa nga tinatanong. Attitude 'yan, e."
Bumuntong hininga ako bago umayos ng upo. Bahala siya riyan. Sinubukan niya pa akong kulitin ngunit dumating na ang subject teacher namin.
BINABASA MO ANG
Teardrops On My Lollipop
RomansaCandy Series #1 (First Draft) Anastazi Margaret Massarini, the very forgetful yet cheerful and energetic girl among all her friends was forced to continue her education in the city for the sake of her grandmother's health. Now away from all her frie...