Kabanata 6

22 2 0
                                    

KABANATA 6

"Tazi, bilisan mo naman!" 

Sinamaan ko ng tingin si Max na nasa pinto at nakatayo roon. Nag-aayos pa ako ng mga gamit dahil ang huling subject namin ay pinag-drawing kami. At dahil trying hard ako sa pag-drawing, nilabas ko ang color pencil ko at mga lapis pati highlighters . Puno rin ng eraser dust 'yong desk ko sa kabubura ng drawing. Sa huli ay pinagtawanan lang ni Max ang drawing ko nang matapos ito. Ang pangit daw. Pinakita niya pa kay Raiko na napangiwi lang din sa drawing ko. Mga mapang-lait. 

Kaya ngayon tuloy ay mainit ang ulo ko kay Max. Mas binagalan ko ang pagpapasok ng mga gamit sa bag para mang-asar.

Ang mga kaklase namin ay isa-isa na ring nagsisi-labasan. Si Raiko ay isa sa mga estudyanteng nagmamadali kanina sa pag-labas kaya wala na rito ngayon. 

"Ana, sama ka sa amin? Magau-audition kami sa dance club!" Anyaya sa akin ni Roselle. Nasa likod nito ang iba pang kaibigan.

Nakangiting umiling ako sa kaniya. Hindi naman ako magaling sumayaw, siguradong mapapahiya lang ako sa audition. 

"Sige, see you tomorrow na lang!" tinanguan ko na lang ang mga ito at kinawayan palabas.

"Hoy Tazi, bilisan mo! Wala na, baka punuan na 'yong club na sasalihan natin." Kulang na lang ay magpapadyak si Max sa puwesto nito sa pagmamakaawa. Natawa ako at tumayo na. Pikunin din 'tong epal na 'to, e. Nawala na tuloy ang inis ko dahil napikon ko na siya.

"Anong club ba?" Tanong ko kasi hindi ko alam kung anong club ang naiisipan niyang salihan. Ewan ko rin kung bakit ako suma-sama rito. Siguro dahil wala rin akong maisipan na salihan. 

"Tennis!" Umakto pa si Max na may hawak-hawak na kung ano sa hangin at tumalon bago kunwaring may hinampas.

"Para kang tanga riyan, Max," tawa ko bago hinatak ang braso niya at nag-maunang lakad. Binawi nito ang braso sa akin.

"Hindi tayo riyan dadaan, doon sa kabila ang locker area." Ako naman ang hinatak niya. Nagpatianod na lang ako.

Sa labas kami nakarating ni Max pagkatapos namin magpalit ng PE uniform sa locker area. Kailangan kasi naka-sport attire kapag magta-try-out. Wala naman kaming dala pareho kaya PE uniform na lang. Hindi katulad ng sa dati kong school, t-shirt na maroon at short na black na parehong may logo ng school sa kaliwang bahagi ang PE uniform nila rito. May kasama na ring sapatos na kulay puti. Sakto sa akin ang sapatos at short kaso medyo malaki ng kaunti ang t-shirt. Pero ayos lang naman, hindi pangit tignan. Ang ganda ko nga, e. 

Patag ang field na hinintuan namin ni Max at may court para sa tennis siguro. Hindi ako maalam maglaro ng tennis kaya hindi ako sigurado. 

Maraming estudyante na roon pero hindi pa naman yata nagsisimula ang try-out dahil ang nakikita ko na nasa loob ng tennis court ay naglalaro ng badminton. At parang kilala ko ang isa sa mga naglalaro na nakatalikod sa banda namin. Si Raiko. 

Maraming nanunuod sa kanila ngayon kaya kinabahan tuloy ako para sa sarili ko mamaya. Mukhang maraming magta-try-out.

Dinunggo ko ang braso kay Max at bumulong. "Hoy, baka hindi ako makapasa rito sa try-out. Hindi pa naman ako marunong mag-laro niyan." 

Natatawang inakbayan ako ng katabi. "Madali lang naman 'yan, kailangan mo lang paluin 'yong bola noong pamalo." 

Tinanggal ko ang pagkaka-akbay niya sa akin. "Maraming sasali, o. Siguradong matatalo ako ng isa sa mga 'yan. 'Di ba may kalaban ka kapag try-out?" Tanong ko habang pinagmamasdan sina Raiko sa paglaro ng badminton. Tennis court ba 'to o badminton court? 

"Hindi naman sasali ang mga girls na 'yan," nginuso niya ang mga babaeng nakapalibot sa court na nagchi-cheer paminsan-minsan. "Nanunuod lang 'yan kay Raiko at kay Taki," tawa ni Max. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 23 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Teardrops On My LollipopTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon