Chapter 9: Things We Said Today

2K 15 74
                                    

ERMA MORENO'S POINT OF VIEW

"Maraming salamat ha at pumayag ka na samahan ako na magbantay dito sa ate ko," pagpapasalamat ko kay Jorjane.

"Ano ka ba, smol thingz! Eh kayo nga sinurprise niyo ako nung isang araw sa birthday ko. Ni hindi ko nga sinabi sa inyo kung kelan birthday ko, and as far as I know hindi ko naman inilagay sa Facebook account ko," pag-segway ni Jorjane.

"Alam mo, Jorjane, actually si Xander ang may plano ng lahat ng yun na pag-surprise namin sayo," pag-inform ko sa kanya. In which, hindi dapat... kasi I promised Xander na walang lalabas na siya ang may pakana ng lahat.

"What?! Oh, really?! Yung mokong yun talaga ang magpeprepare ng lahat?!" pagkabigla ni Jorjane sa nasabi ko.

Tumango lang ako sa kanya.

"Sa pagkakatanda ko, wala akong maalala na may nasabi ako sa kanya kung kelan birthday ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Sa pagkakatanda ko, wala akong maalala na may nasabi ako sa kanya kung kelan birthday ko. Shockers, ha?! Anyway, ba't nga pala wala si Mia ngayon? For sure kung meron lang siya you wouldn't ask me na samahan ka rito," sabi ni Jorjane.

"Medyo busy, alam mo na... mas acads-driven yung kaibigan nating yun. And lately nga lang, nag-chat siya saken na parang nag-uusap ulit sila ni Jericho," kwento ko sa kanya.

"Ha??? Ba't nag-uusap pa rin yung dalawang yun???!! Anyway, no probs naman saken na samahan ka for a while, kasi wala rin namang tao sa bahay. Ayoko rin namang ma-bored dun nang mag-isa while studying. So, I guess imma stay here for a while," natutuwa talaga ako sa pagiging bubbly ni Jorjane.

Nginitian ko na lang siya habang nakikita ko siyang nag-pe-prepare ng kanyang mga study materials sa isang sulok habang inihila. Habang tumatagal mas nagkakaroon ng friendship connection saming dalawa, and I'm happy to share this moment with her.

"You know what, na-meet na natin personally as instructors or professors yung mga major subjects natin... pero there's someone na hindi pa," itinigil niya saglit ang pagbabasa dahil sa pag-alala kay...

"...yep, si Doc Miguel. Parang once or twice palang natin siya na-encounter. Gusto ko na talagang maging babad sa Anaphy at Chem lec subjects natin. Nakakaumay na 'tong mga lab subjects natin," pag-rant niya habang nakasandal ang kanyang ulo sa kanyang palad.

"Pero infairness sayo, ghorl! Nainggit ako so much sayo nung isang araw. Of all the people, siya pa talaga ipinartner sayo ni Doc Julius! Ka-gwapo-gwapong tao! Kung ba't ba naman si Xander pa talaga yung saken, oo!" natatawa ako sa kanyang reaction.

"Ulol mo ka, gaga!" sabay tawanan namin.

Naalala ko na naman yung 5-seconds-walang-malisya challenge sa bar noon. Shet, shet, shet, erase that one! Nakakahiya. Kung alam ko lang talaga na instructor ko yung Miguel na yun.

"Feeling ko nga gusto ka ni Xander," para akong nakabasag ng hospital instrument dito sa kwarto nang dahil sa statement kong yun.

"What???!!" nanlaki ang kanyang mga mata.

Lab Life Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon