ERMA MORENO'S POINT OF VIEW
Group nila Issey na ang susunod and yet nakita ko si Issey na kumaripas ng takbo habang nakatakip ang kanyang kamay sa kanyang bunganga na para bang uncomfortable eto, at malapit nang masuka. Sumunod si Xander sa pagtakbo nito, at ganun na rin ako nang walang pag-alinlangan.
Minsan iniisip ko na lang na sa aming limang magkakaibigan, si Issey ang parang baby ng squad sa daming problema na nadadala niya. Sinundan ko sila papunta sa likod ng court gym kung saan pumunta sila sa male CR.
"Issey?" pag-che-check ko sa kanyang kalagayan.
Pumasok na ako ng CR nila, wala akong pake kung pang-boys lang iyon. Gusto kong malaman kung anong condition ni Issey. Narinig namin ni Xander na nagsusuka siya sa inidoro sa loob ng pinakadulong cubicle.
"Buntis ka ba, pre?" at nagawa pa ngang magbiro nitong si Xander
"Nagsusuka na nga kaibigan natin tas nagawa mo pang mag-joke nang ganyan," sabay irap ko sa kanya.
"Chill, bruh," sabay taas ni Xander ng kanyang dalawang kamay.
"Ano ba kasing problema, pre?" pagkatok ni Xander sa pinto ng cubicle.
"May tubig ka ba diyan, Xander?" tanong ni Issey.
"Tubig para?"
"Tubig pang-inom..." pagkasagot ni Issey nun ay agad kong iniabot kay Xander ang tumbler na bitbit ko papunta rito sa kanilang CR, at iniabot naman niya ito.
"Erma?"
"Yes?"
"Bakit andito ka sa loob ng CR ng boys?"
"Bakit, masama ba? Gusto kita ma-check kung ayos ka lang ba."
"Eh baka may makakita sayo?"
"Ano naman ngayon? As if namang may ginawa akong masama, nanilip ba ako?"
Pagkasabi ko nun ay flinush niya na ang kanyang isinuka sa inidoro, at lumabas na sa cubicle. Tiningnan ko siya mata sa mata. Parang ina-analyze ko kung bakit out of a sudden eh bigla na lang siyang nagsuka.
"O-M-G? I knew it!" bulalas ko.
"Knew what?" takang tanong naman ni Xander.
"Wala siyang nakain or anything, wala ring problema sa kanyang katawan..." pag-iisip ko.
"Wala talaga..." pagpapatuloy naman ni Issey.
"Yung trauma mo kay Jericho. Yun ang ikinaaanxious mo kung bakit ka nagsusuka. Natatandaan mo pa rin physical assault na na-encounter mo sa kanya," pagbibigay final conclusion ko, imposibleng mali ako... just by the look of his eyes. I know it's been few weeks palang na kasama ko 'tong mga kaibigan ko pero alam ko kung ano ang itsura ng isang anxious na Issey.
BINABASA MO ANG
Lab Life Season 1
RomanceIn the enchanting province of La Union, five Medical Laboratory Science classmates set foot on a journey that will shape their destinies and friendships in unimaginable ways. Erma Moreno, an ambitious and compassionate and a strong empowered young w...