ERMA MORENO'S POINT OF VIEW
Naglakad ako palabas ng hospital, pumunta ako sa isang sulok... sa puno... kung saan madilim. Medyo late night na rin kasi, pero still sinamahan pa rin ako ni Jorjane. Para akong magkakapanic attacks sa mga nangyayare. Actually, nakakaexperience na ako ng mga ganito dati pa. Parang gusto ko na yata magpa-therapy. Hindi ko namalayan na sinundan pala ako ni Jorjane.
"Don't tell me buntis ka rin?! Omygash, aside sa mga kwinento mo kanina, may nangyari pa sa inyo ni Doc Miguel?!" Gulantang niyang tanong.
"Sira! Nagkaka-panic attacks ako kasi bukod kay Mia, isa ka na rin sa mga nakakaalam. Ni hindi ko nga yata kakayanin pag talagang nagturo na yang si Doc Miguel sa klase natin. Mahigit two weeks na tayong wala pang discussions sa lecture subjects natin," pagkaklaro ko kay Jorjane.
"What now???" May pa-English pa nga si gaga.
"Anong what now, what now ka diyan? The least that you can do is to shut the f*ck up. Walang makakalabas. Ni pati nga si Mia binabalaan ko kahit na best friend ko yung babaitang yun," sabi ko.
"Eh kasi naman, beh, sa lahat ng mga taong pwede mo pa talagang makalandian... yung instructor pa talaga natin?! Yeng tetee???!!" Luh parang hindi ako aware sa mga pinaggagawa ko sa buhay ha?
"Lumayo-layo ka nga at baka kung ano pa ang masabi at magawa ko sayong hayop ka," sabi ko with a poker face.
"Oh, sya, sya, tutal meron naman na yung parents mo na magbabantay kay Ate Vielle mo... I guess I need to go home??? Hindi kita kinakaya, nakakaloka!" Huling sabi ni Jorjane saken.
Naglakad na siya palayo, sinundan ko ng tingin... hanggang sa sumakay na siya ng bus.
-----
"Good afternoon, class! I guess first time natin mag-me-meet?!" Unang pagbati ni Doc Miguel pagkapasok palang ng aming room dito sa FB building. Hindi ko pa rin maikakaila na naaawkward ako since there's a thing between us.
"Ngayon lang ako makaka-cope up since naging maluwag na ang sched ko dahil wala na akong inaasikaso sa Northcoast Hospital," pagpapaliwanag niya.
"Mga 2 weeks mahigit rin 'no na M.I.A ako? Pagpasensyahan niyo na ako. But before anything else, gusto kong malaman kung talagang may mga natutunan kayo sa mga lab subjects niyo kila Doc Julius at Dean Crawford," sheesh ganun kabilis ang mga pangyayare??? Parang hindi ko nga maalala kung ano yung mga pinag-aralan namin kila Doc Julius at Dean Crawford eh sa panay lab experiments ba naman pinaggagawa namin at pagsagot ng mga lab manuals?
"Magtatanong-tanong ako patungkol sa Nervous System ng katawan natin. What are axons? Hmm..." Inilibot-libot niya ang kanyang mga mata para maghanap ng mga matatawag.
Nakita ko naman sila Mia at Jorjane na todo taas ang kamay hoping na sila ang matawag.
"Doc hindi po nag-discuss sila Doc Julius at Dean Crawford ng related po sa Nervous System, panay lab experiments lang po kami," lakas loob ni Xander sa pag-raise ng concern in which all of us eh nag-a-agree naman.
"Alam ko. Bold of you, iho, to raise such concern. Anong pangalan mo?" Parang na-amaze pa nga ampota HAHAHAHAHA.
"X-xander po," medyo nauutal-utal niyang sagot.
"What I'm trying to prove here is that kung may natutunan kayo kila Doc Julius at Dean Crawford kasi for sure alam kong wala silang naituturo kundi nagpapaperform lang lagi ng mga lab experiments. Nagbabasa ba kayo???" Hindi ko alam kung anong trippings nitong si Doc Miguel, and hindi ko rin alam kung matatakot ba ako.
"Doc, ako po alam ko sagot," todo pagpapapansin talaga 'tong sila Mia at Jorjane na matawag for recitation.
"Erma," tawag niya saken sabay harap saken pagkatapos kausapin si Xander.
"What are axons?" Pag-uulit niya ng tanong.
Tumayo ako nang dahan-dahan, tanginaaa, hindi ko alam!!! Internalized screamin!!! Sa dami ba naman ng mga nangyayare sa personal life ko, wala akong time para magbasa. Buti pa 'tong sila Mia at Jorjane may time magbasa.
"A-axon is... umm... ahhh..." nangangatog tuhod ko kasi tbh hindi ko talaga alam sagot. Halikan na lang kaya kita ulit, doc?!
"Bring out one-fourth sheet of pad paper!" Shet is real!!! Galit na talaga, nakakaloka!!! May ibang students naman na nag-ra-raise ng kamay ah at halatang alam yung tanong? Nagbabasa talaga ng Tortora book yung dalawa. Wag lang talaga akong subukan na kausapin.
"Wag kayong mag-alala kasi multiple choice questions naman lahat, and bale 10 questions lang naman!" Sabay ngiting nakakaloko, parang nanggagago lang eh 'no?!
"Number one! Which of the following neuroglial cells is responsible for producing cerebrospinal fluid in the central nervous system? A. Astrocytes, B. Microglia, C. Oligodendrocytes, D. Ependymal Cells," pauna niyang tanong sa pa-surprise first quiz niya.
...
"And number ten... what is the main neurotransmitter associated with the parasympathetic nervous system? A. Dopamine, B. Acetylcholine, C. Norepinephrine, D. Serotonin?" huli niyang tanong...
-----
"Who got a perfect score???" naghihintay si Doc Miguel na may magpasa ng kanilang one-fourth sheet of pad paper.
"Nine out of ten???" pangalawang tawag niya ng attention ngunit wala pa rin.
"Eight???" tumayo na ako at iniabot ang aking papel.
Tbh, hindi ko inaasahan ang nakuha kong score kasi hindi naman talaga ako nag-aral. Parang tamang kutob lang sa kung ano yung pinaka-feel kong tamang sagot.
"Only Erma???" kumunot noo si Doc Miguel.
Alla naaawkwardan ako sa atmosphere ngayon...
"Seven???" tumayo sila Mia at Jorjane na bakas sa mukha nila ang pagiging disappointed.
Parang hindi ko yata nagustuhan ang kanilang reaction. Bakit parang kinakabahan ako sa kung anuman ang mangyare samin kahit na wala naman akong ginawa? Ni hindi man lang ako tiningnan ni Mia nang mata sa mata. Bakit parang kasalanan ko? Is it about the score? Eh isang puntos lang naman ang nilamang ko sa kanya, maski si Jorjane ganun rin na nakakunot ang noo.
"Job well done, students! At least kokonti lang ang bumagsak sa kauna-unahan nating quiz," pagbati ni Doc Miguel sabay alis niya ng room bitbit ang kanyang mga gamit.
Samantala, hindi ko alam kung paano iaapproach sila Mia at Jorjane. Pero ang goods para saken eh wala namang beef sila Xander at Issey saken about the scores.
TO BE CONTINUED...
BINABASA MO ANG
Lab Life Season 1
RomanceIn the enchanting province of La Union, five Medical Laboratory Science classmates set foot on a journey that will shape their destinies and friendships in unimaginable ways. Erma Moreno, an ambitious and compassionate and a strong empowered young w...