Chapter 14

11.4K 296 17
                                    

MIKU P.O.V

                Nandito ako ngaun naglalakad sa hallway ng school namin luting ang isip dahil sa mga nangyari kaninang umaga. Gosh lang nakakahiya talaga ang ginawa ko kanina sabi ko sa sarili ko sabay iling.

"Bespren!!" Sigaw ni Bespren habang tumatakbo papunta sakin..

Patuloy lang akong naglalakad na para bang walang narinig alam ko kapag nalaman niya naman ang nangyari kanina aasarin nya lang naman ako... Bat ba kasi nagawa ko yun Argghhhh!!

"Hey! Bestpren! Are you sick? At bakit ang pula ng mukha mo!?" takang tanong niya habang kinikilatis ang mukha ko...

                Nagulat naman ako sa sinabi niya kaya bigla ko nalang iniwas ang mukha ko sa kanya. Namumula ba ako sabi ko ulit sa sarili sabay hawak ko sa mukha

"H-hindi ah w-wala akong sakit" utal kong sabi sabay tingin sa kanya at ngiti

"Hmmm kung wala kang sakit at namumula yang mukha mo ibig sabihin" bitin niya at bigla nalang ngumisi na animoy may alam sa mga nangyayari.

"H-hoy Bespren alam kung kahulugan ng mga ngiting ganyan,  may naiisip ka namang kakaiba no!?" sabi ko

"Wala lang eh bat Defensive??" salita niya na may halong pang-aasar sabay tingin sa dinadaanan niya na nakangiti parin.

"Hindi ah Defensive ka dyan." Sagot ko naman

"Asus. Tara na nga at baka andun na adviser natin" Sabi niya sabay lakad ng mabilid

                Napa Tss nalang ako sa pinagsasabi ng magaling kong bespren at nag patuloy ng maglakad. Pagkarating na pagkarating namin sa classroom ay umupo na kami at hinihintay nalang ang pag dating ng guro namin.

                Na late ata yung guro namin first time yun ah. Di kasi yun nalalate hmmm baka may importante lang na pinuntahan at na late lang.

                Habang naghihintay kami sa pagdating n gaming guro ay siya namang pagpasok ng unggoy na si Raffy. Nagkatinginan kaming dalawa bigla ko nalang agad iniwas ang tingin ko sa kanya dahil nakakailang sino ba naman ang makakatingin ng matagal dahil sa mga nangyari kanina. Ibinaling ko nalang ang tingin ko sa Bespren ko pero mukha yatang mali ako ng pinagbalingan dahil itong bespren ko mukhang nang-aasar sa mga ngiti niyang yan. Grrrrr

                Nang palapit na si Raffy sa kinauupuan ko bigla nalang  bumilis ang tibok ng puso ko at alam ko namumula ako sa mga oras na ito. Nahihiya kasi ako sa mga pinaggagawa ng malikot kung kamay kanina kaya yumuko nalang ako kasi pag binaling ko ang tingin ko sa loka loka kong kaibigan baka madagdagan lang ang pagkapula ko.

                Naramdaman ko nalang ang pag-upo ng unggoy sa kanyang upuan. Tahimik lang akong nagmamatyag baka sakaling may gawin naman siya kalukuhan sakin. Lumipas ang ilang minuto at wala naman siya ginagawa ay pinagsawalang bahala ko nalang. Kumuha nalang ako ng notebook at nagbasa nalang.

                Pero di ko pala alam kanina pa nakatingim ang bespren ko sakin na may nakakaasar na ngiti parin sa kanyang labi. Tinignan ko siya at pinandilatan ng mata at ng mouth na ANO!!. Umiling lang ang gaga na di parin maalis ang ngiting aso niya sabay kausap niya sa kanyang katabi.

My Personal Assistant/Slave (BoyXBoy)CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon