I have a long time boyfriend, he's Sherwin. We're been together at 7 years.
Nakatira kami sa iisang bahay. Sabi nga ng mga kaibigan namin na "proposal" na lang ni Sherwin ang kulang.
Nasa k'warto ako ng biglang pumasok si Sherwin."Baby nag-aya ng inuman 'yong tropa, kasi dumating 'yong pinsan n'yang babae galing ibang bansa. P'wede ba?"mahabang sanaysay nito.
Napangiti ako. Gan'yan s'ya lagi kapag nag-aaya ang tropa n'ya laging nagpapaalam, kahit ayaw sa'kin ng tropa n'ya hindi ko naman ito pinagbabawalan.
"Yes, baby. Pero umuwi ka agad, h'wag ka 'ding masyadong iinom dahil nagdadrive ka baka maaksidente ka."bilin ko dito.
Tumango ito at hinalikan ang noo ko.
S'werte ako dahil s'ya ang nakilala ko.Wala pang minuto na umalis s'ya ay bigla akong dinaluhan ng mabilis na pagpintig ng puso ko, kinakabahan ako sa hindi ko malamang dahilan.
—
Pagkalipas ng ilang linggo, napapansin kong lagi itong tulala at balisa.Kapag tinatanong ko naman ito ay nililihin nito ang topic kaya hindi ko na lang pinipilit. Alam ko na isang tanong ko lang kung may problema ay nagoopen agad ito, kaya isinawalang bahala ko na lang ito.
Bigla itong umalis ng hindi nagpapaalam at ako nama'y nilamon ng kaba dahil sa pag-aalalang kung saan ito pumunta.
Nag-online muna ako para mag aliw-aliw. Nang bigla itong magchat.
>ON CHAT<
Sherwin:
"Baby I did horrible thing."Ang kabang nadarama ko ay lalo pang nadagdagan. Sana mali ang iniisip ko.
To Sherwin:
"Hmm, what?"Sherwin:
"Last nighLast night I hangout with my friends and cheated on you."Bumalik sa ala-ala ko 'nong nag paalam s'ya dahil sa inuman na umuwi ang pinsang babae ng tropa n'ya. Do'n ko naintindihan ang lahat ng kaba ko ng umalis s'ya n'on, sinet up s'ya d'on sa babae dahil bagay sila. Tuloy-tuloy ang paglandas ng luha ko pababa sa pisnge ko, umiling ako na baka namamalikmata lang ako at mali ang iniisip ko. Binasa ko ito pero hindi nagbabago ang mga letra na parang itinadhana na talaga ang mga salita.
'I trusted you, pero bakit mo ito ginawa sa'kin? Nagkulang ba ako?'bulong ko at pinahid ang luha na walang patid sa pagtulo.
To Sherwin:
"Don't worry i did something worse"Sherwin:
"What's that, Viviane‽"To Sherwin:
"Stayed home and trusted you."———
𝗧𝗥𝗨𝗦𝗧 is like a crystal, na hindi basta-basta mababasag kung walang tumabig o sumanggi. Trust is like a crystal na kapag nabasag ay na maibabalik sa dati o maayos pa. Ang pagtitiwala ang pinakamahalaga sa lahat, kaya wag mong sisirain dahil once na masira mo ang tiwala sayo ng isang tao/mahal mo sa buhay wag mong aasahan na babalik yung dati kung paano ka nya pinagkatiwalaan
BINABASA MO ANG
Innocentliekllr's One-Shot Collection
Random[Ps: Expect a lot of Typographical and Grammatical Errors]