𝗛𝗜𝗦 𝗟𝗢𝗩𝗘

31 1 0
                                    


I have this kind of girlfriend malambing, makulit, at maldita. She’s Joyce. We’re been together at almost 8 years. We’re Highschool sweetheart. Naalala ko pa kung paano ako magpapansin sa kan‘ya.


“Ano ba‽ Tigilan mo nga ako, hindi mo ba nakikita? Dinidistract mo‘ko. You know what? You’re so papansin!”bulyaw at irap n‘ya sa’kin

Natawa ako at unti-unting lumapit sa mukha n‘ya.
“I like you, kaya ako nagpapapansin sayo. You’re so cute when you’re mad.”saad ko habang nakatingin sa mga mata n‘ya.

Gulat at namumula ang pisnge na umiwas ito ng tingin sa’kin.


Hindi perpekto ang relasyon namin, minsan masaya, minsan hindi nagkakaintindihan pero dahil do‘n mas lalong tumibay ang relasyon namin.

Nakaupo ako sa sofa ng biglang may nagchat.
‘Pagkakita ko ay si Joyce pala.

CHAT

“Art, punta ka sa fav spot natin.”chat nito.

Nagtaka ako dahil hindi ako nito tinawag sa callsign namin. Nakaramdam ako ng kaba ngunit isinawalang bahala ko lang ito.

“Bakit?”

“May importante akong sasabihin.”sagot nito sa reply ko.

Hindi na ako nagreply dito, nireactan ko na lang ang last chat nito at mabilis na pumunta sa lugar na sinasabi n‘ya.

Nang dumating ako do’n ay nakita ko s‘ya na nakatayo at namamaga ang mata.

Patakbo akong lumapit dito. “Anong nangyari sa mga mata mo?”nag-aalalang tanong ko at nang hahawakan ko na ang mata n‘ya ay bigla itong umiwas.

Natataka akong nakatingin sa kan‘ya.
Nagulat ako ng bigla itong umiyak at nilusob na ’rin ako ng kaba.

“Arthemist, maghiwalay na tayo.”umiiyak n‘yang sabi.

Hindi maproseso ng utak ko ang mga pangyayari, ang tanging nasabi ko lang ay “Bakit.”

“Alam kong biglaan ito, p-pero nahihirapan ako hatiin ang oras ko sa pamilya at para sayo. I d-don’t know what to do. Ito ang d-desisyon ko na uunahin ko muna sila mama at papa.”nahihirapan nitong sabi.

Huminga ito ng malalim. “Salamat sa lahat, m-mahal na mahal kita. Ayoko na p-pakawalan ka, if you’re willing to wait—”

“I’m willing to wait and I’ll always choose you.”


AFTER 5 YEARS

“Bro, punta ka sa reunion.”sabi ng tropa ko.

“Ayoko pre, may gagaw—”

“Nandito si Joyce.”putol nito sa sasabihin ko.

J-joyce, pangalan ng babaeng matagal ko nang hinihintay. Ang babaeng nagpapabilis ng tikbok ng puso ko.


Nandito ako nakaupo kasama ang tropa ko sa isang table. Umattend ako ng reunion.

Umiinom ako ng beer nang bigla akong sikuhin ng katabi ko.

“Bro, si Joyce.”sabi at turo nito sa may gate.

N-napakaganda n‘ya..
Wala pa ’ring pinagbago, mas lalo s‘yang gumanda.

Tumayo ako at nagmamadaling lapitan s‘ya ng may lumitaw na lalaki na biglang hinapit ang bewang n‘ya.

Nasaktan ako sa nasaksihan, walang lakas akong bumalik sa table namin.


“Hi guys!”

Napaangat ako ng ulo ng marinig ko ang boses na ‘yon.

“Hi, Joyce. Long time no see.”

“Mas lalo kang gumaganda ah.”

“Pakilala mo naman ‘yang kasama mo.”sabay tingin sa‘kin ng mga tropa ko na hanggang ngayon ay nakatulala pa ’rin ako.

“Ay s‘ya. Sheon, my boyfriend. Babe, sila ’yong dati kong classmate. Dave, Clark, Vlad, at A-arthemist.”utal nitong pagpapakilala sa’min sabay iwas ng tingin.

“Ahm, Joyce. Can we talk?”nakabuo ’rin ako ng sasabihin.

“Okay, babe dito ka lang.”sabay halik nito sa pisnge ni Sheon. Nakakadurog ng puso, parang dati sa’kin n‘ya ’yon ginagawa.


“Ano ang pag-uusapan natin?”seryoso nitong sabi at tingin.

W-wala na ’yong pagmamahal.

“Sabi ko dati, willing ako maghintay. Bakit ako naman ’yong hindi mo hinintay? Pinipili kita, bakit ako ‘yong hindi mo pinili?”sabi ko sabay agos ng luha na kanina pang gustong pumatak.

Napaiwas ito ng tingin.
“Kalimutan mo na ako, Arthemist. Matagal na ’yon, may boyfriend na ako kaya please kalimutan mo na ako.”‘yon lang ang sabi nito at iniwan akong tulala na basang basa ng luha.


Nakikita ko silang nagkakasiyahan mula dito sa labas, masasabi kong maraming taon ang lumipas pero walang nagbago sa kan‘ya, pero ang pagmamahal n‘ya naman para sa’kin ang kapalit.

Napaluha akong muli ng nakita kong lumuhod si Sheon kay Joyce. Hindi ko kayang makita ang susunod na mangyayari at mabilis akong lumisan.

“I think, my love for you is not enough. ’Yong babaeng pinangakuan ko na hihintayin at pipiliin ko ay may iba ng pinili.. ”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 19, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Innocentliekllr's One-Shot CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon