𝗦𝗡𝗢𝗪 𝗪𝗛𝗜𝗧𝗘 𝗔𝗡𝗗 𝗧𝗛𝗘 𝗦𝗘𝗩𝗘𝗡 𝗗𝗪𝗔𝗥𝗙𝗧𝗦

74 0 0
                                    

-
"Anak, ayos na ba ang mga gamit mo?"tanong ni Mama.

Pupunta kasi kami sa bahay ni Lola at do'n magcecelebrate ng birthday ko next week.

"Oo naman, Ma. Nandito na din sa bag ang sandamakmak na apples, s'yempre hindi ko makakalimutan ang paborito kong prutas."sabi ko kay Mama sabay turo sa upuan kung saan nakapatong ang bag.

"Anak, hindi ka ba nagsasawa? Para kang si Snow White nahumaling sa mansanas."sambit ni Mama sa'kin habang pinagmamasdan ang koleksyon ko. Mga artipisyal na mansanas, oo mahilig talaga ako sa mansanas.

"Ma, hindi ko po alam pero hindi ako nagsasawang kumain n'yan."sabi ko.

"Alam mo ba, anak? May ikukuwento ako sayo tungkol kay Snow White and the Seven dwarfs."sambit ni Mama na nagpa excite sa'kin at nagbigay ng kakaibang kaba.

"Sige ba, Ma! Basta may koneksyon sa mansanas, In ako d'yan."sabi ko.

"Ang totoong Snow White ay mamamatay tao, sa umaga ay normal ang kilos pero 'pag dating ng gabi ay nagiging kakaiba at hindi pangkaraniwan. Parang sinasapian ng masamang espirito si Snow White t'wing gabi kaya't ilang ang mga tao sa kan'ya. Ang katuwang n'ya ay ang pitong duwende. Paborito ni Snow White ang mansanas kung kaya nakaisip ng paraan ang pitong duwende na magagamit ito bilang pain sa tao. Ito'y hinaluan nila ng lason kung kaya't isang kagat palang sa mansanas mapaparalisa ang katawan nito habang nangyayari ang pagkaparalisa ay do'n dumadaloy ang lason para sanhi ng pagkamatay nito."sambit ni Mama at tumigil muna saglit. Nakita ko na bahagya itong ngumisi.

"M-ma, totoo ba 'yan?"tanong ko ngunit isang ngisi lamang ang itinugon ni Mama na nagpakaba sa'kin.

"Marami na silang nabiktima, mapabata 'man o matanda ay hindi nila 'yon pinapalampas. Ang sino 'mang mapadpad sa lugar nila ay nawawala ng parang bula at walang bakas. Dahil sa tago, malayo at sikat ang lugar nila ay may mga nagkakainteres na pumunta pero walang nakakalabas ng buhay. Hindi malaman ng mga tao ang pagkawala nito at masasabing patay na dahil walang nakakaalam na may mamamatay tao do'n. At alam mo ba na totoo si Snow White at ang pitong duwende?"sabi ni Mama.

Nanigas ang sa kinatatayuan ko at takot na tumingin kay Mama na tumawa ng nakakakilabot.

A-anong nangyayari?

"Gusto mo bang malaman kung sino sila?"tanong n'ya sa'kin na nakangisi. Ayoko ng ngisi n'ya.

"O-oo ma..."sabi ko kahit natatakot ako pilit kong pinapakalma ang sarili ko.

Dahan-dahan itong lumapit sa'kin at laking gulat ko ng bigla ako nitong sinakal.

"Lola mo si Snow White at ako ang anak n'ya. Ang mga tito mo ay ang pitong duwende nag-aanyong tao para hindi sila makilala."sabi ni Mama at mas lalong hinigpitan ang pagkakasakal sa'kin. H-hindi ako makahinga.

Namalayan kong may dumating, tumingin si Mama sa pinto dahil bumukas ito at nakangisi pa 'rin kaya't mas lalo akong nanghina kasi hawak n'ya ang leeg ko. Nagulat ako ng makita si Lola at ang pito kong tito na nagbabago ng anyo.

"L-lola..."mahina kong bulong sapat na para nadinig n'ya. Tumingin ito sa'kin at may kinuha sa bag, isang mansanas...
Lumapit ito sa'kin at pinira-piraso ang mansanas na kay pula.

"Tanggapin mo itong pasalubong ko sayo."sabi nito sa'kin at pilit na ipinakain ang mansanas. Wala pang minuto ay hindi ko na maigalaw ang katawan ko, bumagsak ako sa sahig at bumubula ang bibig.

Narinig ko ang huling pag-uusap ng mag-inang mamamatay tao.

"Good job, anak. Manang-mana ka talaga sa'kin, kunin mo na ang puso ng anak mo para may makain tayo ngayong hapunan."sambit ni Lola. Naramdaman kong may tumusok sa'kin na isang bagay kung kaya't nilamon na ako ng dilim.

Pinatay nila ako, pinatay nila ang sarili nilang kadugo.

───────────

Innocentliekllr's One-Shot CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon