𝗕𝗜𝗥𝗧𝗛𝗗𝗔𝗬

63 1 0
                                    

-
Maaga akong nagising dahil kaarawan ko ngayon. Pababa na ako ng may marinig ako galabugan sa may sala.

Binilisan ko ang pagbaba at nakita ko si Mama na lasing at pinagbababato n'ya ang bote.

"M-ma... Tama na 'yan."pilit kong inayos ang boses ko.

"T*nga! Wala ka talagang silbi, manang mana ka sa ama mong t*r*nt*do!"panduduro nito.

Naramdaman ko nalang na may mainit na likido ang umaagos pababa sa pisnge ko.

"Anong iniiyak-iyak mo d'yan? Sana m*m*t*y kanang t*nto ka!"sabi nito at iniwan akong luhaan.

Hindi ko naman ginusto 'yon. Kaarawan ko ngayon pero si Mama na dapat ang bubungad na babati sa'kin pero wala.

Marahas kong pinahid ang nasa pisnge ko. Umayos, ngumiti na parang walang nangyari at umalis na para pumasok.

-
Uwian na ngayon at balak kong imbitahan ang mga kaibigan ko.

"Oy! Guys, punta kayo sa bahay birth-."

"No, thanks. Hindi ako pumupunta sa mga cheap parties."

"True atsaka may date pa kami ni Clark mas mahalaga pa 'yong date namin kesa d'yan."putol nila sa sasabihin ko.

Nginitian ko sila kahit yung puso ko parang tinarak ng paulit-ulit sa tinuran nila.

"Ah, ganon ba? Sige."tipid kong sabi at ngumiti.

"Tss, pathetic."sabay nilang sabi at inirapan ako.

-
Nandito ako sa may abandonadong lote magcecelebrate mag-isa, nag aayos. Natapos na akong ihain ang cake, nakakabit na ang banner na may happy birthday, lobo at lubid.

Niisa walang dumalo, ganon ba ako hindi kahalaga sa kanila?
Ang sakit! Sila na nga lang ang meron ako pero bakit?

Bakit kailangan kong masaktan at magdusa ng ganito? Pagmamahal at atensyon lang ang hinihingi ko bakit hindi pa maibigay? Pinagkakait sa'kin.

"Happy birthday to me, h-happy birthday to me, happy h-happy happy b-birthday, h-happy b-birthday to m-me..."nagkanda utal kong kanta at mapait na ngumiti.

Hinipan ko ang cake at lumapit sa lubud na nakalambitin. Ngayong kaarawan ko ngayon ko 'din tatapusin ang buhay ko.

Tumungtong ako sa upuan at isinabit sa leeg ang lubid. Ngumiti ako ng mapait at sinipa ang upuan.

"Wala ng sakit..."

───────────

Innocentliekllr's One-Shot CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon