Chapter 35

42.3K 1.2K 113
                                    

Ember's POV

Alam niyo 'yung HHWW? Kami 'yun eh! Putek! Ngayon lang talaga ako nakaramdam ng kilig sa buong buhay ko! Kasi naman itong si Sky eh, panay ang halik sa kamay ko. Tapos minsan nilalaro niya pa.

Shet lang!

"Alam mo.." sabi niya.

"Ano?" tanong ko.

"Para kang apoy."

"Pick-up line na naman ba 'yan, Sky?" kanina pa kasi siya pumiick-up line eh.

"Heto naman huwag kang KJ. Sagutin mo na lang." sabay pout.

Imagine, ang isang Sky na ubod ng sungit ay nag-pout sa'kin. Haha.

"Okay. Bakit?" tanong ko.

"Kasi ikaw ang ilaw sa madilim kong mundo." sabay kindat sa'kin.

Sheet! Ang corny niya! Saan niya ba natutunan ang mga pick-up na 'yan?

"Ang corny." sabi ko kahit na ang totoo ay kinikilig na'ko dito.

"Ah corny pala. Hoy Clay!" lumingon sa'min si Clay na kasamang maglalakad si Dylan at ang earth pixie.

"Oh bakit?" tanong ni Clay.

"Ang sabi mo kikiligin si Ember sa mga pick-up lines mo. Pero sa halip na kiligin siya, sinabihan niya akong corny." sabi ni Sky.

"Baka naman hindi mo ginalingan sa pagsabi? O di kaya, hindi talaga bagay sa'yo ang magpick-up line. Hahaha!"

"Ugok! Itapon kaya kita sa mars?"

Ay ganun? Nagpapaturo pala siya kay Clay? Haha. Totoo naman na hindi bagay sa kanya ang magpick-up line eh.

"Ember."

Tumingin ako kay Dylan. "Hm?"

"Sana tubig ka na lang." sabi niya.

Ano 'to? Pumipick-up din si Dylan? Nakakapanibago naman!

"Bakit?" tanong ko.

"Kasi nalulunod na'ko sa pagmamahal mo."

Pffft. Hindi ko mapigilang matawa.

"Boom! Ikaw na talaga Dylan!" sigaw ni Clay sabay apir kay Dylan.

"Tch. Huwag ka ngang tumawa Ember. Ang corny kaya ng pick-up line niya." sabi ni Sky.

Oh. I think someone is jealous.

"Ang sweet kaya." sabi ko. Tiningan naman ako ng masama ni Sky. "Pero syempre mas sweet 'yung sa'yo. Kahit na ang corny ng pick-up line mo kinikilig pa rin ako. Hehe. I love you, Sky!" hinalikan ko siya sa pisngi. Ngumiti siya. Haha. For sure kinilig 'to!

Nasa kalagitnaan kami ng paglalakad na biglang may humarang sa'ming mga tao. Nakabahag lang sila tapos may pinturang nakalagay sa mukha nila. At may dala din silang mga sandata. Para silang mga indian ganun.

"Anong kailangan niyo?" tanong ni Clay.

Hindi sila sumagot. May nilabas silang isang bagay na hugis bilog. Tapos tinapon 'yun sa lupa at biglang umusok ng malakas.

Kakaiba ang pakiramdam ko sa usok na 'to. Unti-unti akong nakaramdam ng pagkahilo. Sina Dylan at Clay napahiga na lang sa lupa.

Hanggang sa bumagsak ako sa lupa at tuluyang nawalan ng malay.

**

SKY's POV

Dahan-dahan kong binuksan ang mata ko. Ugh. My head hurts like hell!

Magical Academy: The Fire Princess (COMPLETE) EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon