Chapter 4

90.1K 2.4K 185
                                    

Ember's POV

Lumabas muna ako sa dorm ko. Nakasuot ako ngayon ng jacket at pants kasi sa tingin ko malamig ang hangin ngayong oras eh. 11:30 pm na kasi. At hindi ko pa pala na-mention sa inyo na bawat students ay may kaniya-kaniyang dorm. Yaman diba?

Kaya ako lumabas kasi gusto kong mag-training. Alam ko na tulog na lahat ng students ngayon kaya dahan-dahan akong naglakad. Pupunta ulit ako dun sa training area kung saan ako dinala ni Dylan. Maganda kasi dun eh tapos ang tahimik pa. Makakapag-training ako dun ng maayos.

"Brr.. Ang lamig talaga." niyakap ko ang sarili ko. Buti na lang at alam ko na kung pano gamitin ang power ko. Ilang araw din akong nagsasanay eh kasama si Dylan. Siya kasi ang nagsasabi sakin kung ano ang dapat gawin.

Speaking of Dylan, naalala ko pa rin nung niyakap ko siya. Shet talaga nakakahiya 'yun sa kanya! Alam kong crush ko siya pero hindi naman ata tama na yakapin ko siya diba? Ang kapal lang ng mukha ko eh. Pero walang malisya 'yun eh. Ang sabi niya magkaibigan lang daw kami. Pero sa totoo lang, na-hurt ako.

Eh ano naman ang karapatan kong ma-hurt eh crush lang naman. Akala mo kung sinong girlfriend eh kapal din ng mukha ko. makapag-practice na nga lang.

Nilapag ko na ang mga gamit ko sa sahig at nagsimula nakong maglabas ng apoy. Gumawa muna ako ng fireball sa paligid ko at pinaikot ko ito. O diba? Pinaikot ko ang mga fireballs sa paligid ko. I spread both of my arms at nagpunta naman sa iba't ibang parte ng lugar ang mga fireballs na ginawa ko.

Huminga ako ng malalim.

"Ang galing mo naman, iha." muntik nakong mapasigaw dahil saboses na nanggaling sa likod ko. Paglingon ko, may nakita akong isang matandang lalaki. "Isa ka ba sa mga taong nagtataglay ng kapangyarihan ng legendary elements?"

"Po? Ano pong sinasabi niyo?"

Inikutan niya ako na parang may hinahanap sa katawan ko. Weird ba ang lolong 'to?

"Ang marka na nasa braso mo." sabi ni lolo.

"Ang marka? Ah ito pong birth mark ko ang tinutukoy niyo?" pinakita ko sa kanya ang birth mark na nasa braso ko.

"Iha, alam mo ba kung anong ibig sabihin niyan?"

"Um.. Hindi po."

"Ikaw ang nagtataglay ng kapangyarihan ng god of fire. Isang napakalakas na kapangyarihan na kayang sunugin ang mga bagay o tao sa isang hawak lang. Mapanganib ang kapangyarihang ito kaya kailangan mo itong gamitin ng maayos."

Kinakabahan ako sa mga sinasabi ni lolo. Taglay ko daw ang kapangyarihan ng god of fire? Meron bang ganun? At anong sabi niya? Na mapanganib ang kapangyarihan ko at kailangan ko itong gamitin ng maayos?

"Isa pa, ang kapangyarihan mo ay binabase sa iyong mga emosyon. Kaya kailangan mong kontrolin ang iyong emosyon iha. Kung ayaw mong magwala ang iyong kapangyarihan."

Base sa emosyon ko? Sa pagkakaalala ko nung pinagtitripan ako ng mga kaklase ko. Galit ako nun kaya biglang lumabas ang apoy mula sa katawan ko at muntik pa silang masaktan. Kaya pala ganun ang nangyari.

"Binabalaan kita iha. Mag-iingat ka. May isang taong gustong kunin ang kapangyarihan mo at gamitin ito sa kasamaan."

"Sino po lolo? Sino ang taong 'yun?"

"Malalaman mo rin sa tamang panahon. Pero sa ngayon, kailangan mo munang magpalakas."

Pagkatapos niyang sabihin 'yun ay naglaho na lang siya bigla sa harap ko. Napaupo ako at napaisip sa sinabi ni lolo sakin. May gustong kumuha ng kapangyarihan ko? At gagamitin niya ito sa kasamaan? Sino ba ang taong 'yun?

Magical Academy: The Fire Princess (COMPLETE) EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon