Chapter 6

77.3K 2.4K 152
                                    

Hindi ko maipaliwanag kung pano nangyari 'yun. Bigla ko na lang naramdaman ang mlakas na kapangyarihan sa katawan ko sa laban. Pakiramdam ko kinokontrol ko ang kapangyarihan ko pero wala naman ako sa sarili ko. Ano bang nangyari sakin?

"Nandito ka lang pala." napatingin ako sa harap. Si Dylan lang pala, at kasama niya si Clay.

"Tapos na ang laban niyo?" tanong ko sa kanila.

"Oo tapos na. Sana nakita mo kung pano ko tinalo ang kalaban ko." minsan talaga ang yabang nitong si Clay. Pero cute naman siya.

"Ang ibig mo bang sabihin ay muntik ka nang matalo sa laban mo. Ang yabang mo kasi masyado eh." sabi ni Dylan.

"Dylan naman! Sinisira mo diskarte ko!"

"Diskarte ang pinagsasabi mo."

Haha. Ang cute nila tignan. Pata silang magkapatid na nag-aaway.

"Oo nga pala, bakit ka umalis pagkatapos ng laban mo?" tanong Dylan.

Sasabihin ko ba sa kanila? Palagay ko hindi na lang. "N-napagod kasi ako pagkatapos ng laban ko kaya, lumabads muna ako para magpahangin."

"Masyado mo kasi ginagamit ang kapangyarihan mo kanina. Nakita namin kung pano ka nagpalabas ng isang malaking apoy." sabi ni Dylan.

"Oo nga. Muntik mo pa nga mapatay ang kalaban mo eh buti na lang pinaglaho mo agad ang apoy mo kundi sunog na 'yung kalaban mo." sabi ni Clay.

Nagulat ako sa sinabi niya. Nagawa ko ba talaga 'yun? Wala akong maalala na ginawako 'yun. "Teka, nagawa ko 'yun?"

"Oo. Ang astig mo nga eh."

"Wala akong ginawang ganun sa laban."

"Hindi mo ba natatandaan?" tanong sakin ni Dylan. Umiling lang ako. Totoo naman na wala akong matandaan na ginawa ko 'yun. Kung ginawa ko man 'yun siguro naman hindi ko kayang patayin ang kalaban ko.

Magical Academy: The Fire Princess (COMPLETE) EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon