Chapter 43

36.9K 991 93
                                    

Sad to say walang nakakuha ng tamang sagot pero mag-u-ud pa rin ako.

Enjoy reading!

AnnyMeLoveU143

**

Clay's POV

Nahihirapan ako sa paghinga dahil sa apoy na nakapalibot sa'kin. Shit! Paano ba ako makakaalis dito?

Nakita ko si Dylan na nakatayo lang. Nahihirapan siyang kalabanin si Enzo dahil sinabi niya na papatayin niya din ako.

"D-Dylan... P-patayin mo... Na s-siya..." sabi ko habang hirap na hirap ako sa pagsasalita.

"No. If I kill him he might kill you as well." sabi niya.

"Huwag mo... Na akong intindihin pa... Basta patayin... Mo na lang... Siya..."

"I told you hindi ko gagawin 'yan. We're friends, Clay. At ayokong isakripisyo mo ang buhay mo para lang matalo ko si Enzo."

Napatanga ako sa sinabi ni Dylan. Shit talaga! Bakit ba kasi ang hina ko?! Hindi ba ako pwede maging malakas? I want to protect the academy. Pero paano ko 'yun gagawin kung mahina ako?

Unti-unting lumalapit ang apoy na nakapalibot sa'kin at kaunting hangin na lang din ang natitira sa katawan ko.

Bumagsak ang katawan ko sa lupa. Narinig ko ang pagtawag ni Dylan sa pangalan ko pero hindi na talaga kaya ng katawan ko. Pakiramdam ko, unti-unting nawawala ang lakas ko.

Ito na ba ang katapusan ng buhay ko?

Dahan-dahan akong pinikit ang aking mga mata. I guess ito na talaga ang katapusan ng buhay ko.

"Huy, gumising ka diyan! Huwag ka munang matulog!" nakarinig ako ng boses ng isang lalaki.

Pero masyadong tamad ang mga mata ko para dumilat. Hanggang sa may bumatok sa'kin.

"Aray!"

"Takte naman! Sinabi nang gumising ka diyan!" galit na sabi nung boses.

Sinubukan kong idilat ang mga mata ko. Hanggang sa makita ko ang isang lalaking nakaupo sa harapan ko. Kulay brown ang buhok niya tapos nakasuot siya ng damit na parang isang greek god at nababalutan siya ng kulay brown na liwanag.

"Oh gising ka na?" tanong niya.

Gamit ang natitira kong lakas. Dahan-dahan akong bumangon.

"S-sino ka?" tanong ko.

"Hindi na'ko magpapaliguy-liguy pa. Magpapakilala agad ako sa'yo. Hindi ko naman yata kailangang sabihin sa'yo ang tungkol sa buhay ko. Alam mo kasi masyadong malungkot ang istorya ng buhay ko at baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at maiyak ako kapag naikwento ko 'yun sa'yo. At isa pa---"

"I'm not asking about your life! I'm asking who you are!" I cut him off. Tinatanong ko kung sino siya ibang sagot naman ang binigay niya.

Biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. "Aba't wala kang galang! Nagsasalita pa ako dito bigla ka na lang sasabat!"

"Sabihin mo kasi kung sino ka! Hindi 'yung puro ka daldal diyan eh wala namang kwenta ang mga sinasabi mo!"

"Hoy bata! Ang lakas ng loob mong sigawan ako! Hindi mo ba ako kilala?!"

"Kaya nga tinatanong ko kung sino ka diba?!"

"So anong gusto mong iparating?! Na bobo ako?!"

Damn! May sinabi ba akong bobo siya?

Magical Academy: The Fire Princess (COMPLETE) EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon