Chapter 24

48.1K 1.4K 195
                                    

Ember's POV

Dahan-dahan kong binuksan ang mata ko. Aray ang sakit ng katawan ko. Teka, nasaan nga pala ako?

"Oy..." wait, boses 'yun ni..

Tumingala ako. At nagtama ang mga mata namin ni Sky! Shoot si Sky!

"Hanggang kailan ka ba aalis sa ibabaw ko?" At dun ko lang na-realize na nasa ibabaw pala ako ni Sky. Pakshet ang akward ng posisyon namin! Mabilis naman akong lumayo sa kanya. Siya naman umupo habang nakatingin sa'kin. "Ang bigat mo. Baboy."

Aba't! Ang kapal ng mukha niya na tawagin akong baboy! Oo inaamin ko na hindi ako sexy pero hindi ako baboy!

Hindi ko na lang siya pinansin. Pero teka, bakit siya nandito? Ibig sabihin, siya 'yung yumakap sa'kin kanina nung nahulog ako? Bakit niya ginawa 'yun? Ayan tuloy, kasama ko siya dito sa lugar na hindi ko alam kung nasaan kami. At ang dilim pa!

"Oy..."

Hindi ko siya pinansin. Hmp! Tinawag niya akong baboy!

"Tss. Ayaw pang sumagot. Panget."

Sumosobra na siya! Kanina tinawag nia akong baboy ngayon naman panget! Kung hindi ko mapigilan ang sarili ko susunugin ko siya!

"Achoo!" Bigla na lang akong nabahing. Dahil kasi 'to sa ulan kaya auay tuloy, nagka-sipon ako! At nilalamig pa ako! Niyakap ko na lang ang tuhod ko.

Nagulat ako nang biglang may apoy sa harap ko.

"Para hindi ka lamigin."

Tinignan ko si Sky at... okay tingin ulit ako sa ibang direksyon. Pakshet! Bakit nakahubad siya?! I mean hindi naman sa nakahubad pero topless siya! At nakita ko ang.. gulp.. ABS NIYA! Anak ng abs 'yan oh! Ang sexy ng katawan ng mokong na 'to!

"Oy... basang-basa ka na. Magpalit ka ng damit."

Huwag mo siyang tingnan, Ember. Huwag kang magpadala sa tukso na 'yan! Dahil sa katawan niya nagkasala na ang inosente mong mga mata!

"W-wala akong extrang damit," sagot ko. Juskoday! Ilayo niyo ako sa mapanuksong lalaking 'to!

Hindi na lang siya sumagot. Umupo siya sa harap ko. At tinitigan ako. Ano bang problema ng lalaking 'to?

Tumingin ako sa kanya. "B-bakit?"

"Sa wakas tumingin ka rin sakin." Sabi niya habang nakatingin pa rin siya sa'kin.

"Ha?"

"Kanina pa kita napapansin. Ayaw mong tumingin sa'kin. May problema ka ba sa'kin?"

"Anong problema? Wala kaya akong problema!" Nag-iwas ulit ako. Problema ko? Pinoproblema ko lang naman kung bakit ang sexy at ang hot pa niya?! Shutangens!

"May nagawa ba akong kasalanan sayo?"

Umiling ako. At hinigpitan ko ang pagkakayakap sa tuhod ko. Nilalamig na talaga ako!

Magical Academy: The Fire Princess (COMPLETE) EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon